MITSUKI’S POV
Sobrang nag-enjoy kaming tatlo sa naging rides namin at sa totoo lang lumabas ang pagiging bata ni Sir Ashton na ngayon ko lang nakita at parang ang daming nangyare kahit na konti pa lang ang nasasak’yan namin. Nang mapagod kaming tatlo ay saka namin naisipan na magpahinga muna. Napahawak ako sa ulo ko at saka ako tumingin sa buong paligid.
“Grabe ang saya no’n,” sabi ko at saka sila tumingin sa ‘kin.
“Ngayon ka lang ba nakarating dito?” tanong ni Janne.
“Hindi pero matagal na ng huli akong puminta dito,” sagot ko naman.
“What do you want to eat?” tanong ni Sir Ashton at napalingon kami sa kanya.
“Kahit ano basta walang lason,” sagot naman ni Janne sa kapatid nya.
Tumango na lang si Sir Ashton sa ‘min at saka nya ako tinignan at tila tinatanong kung anong gusto kong kainin. Tumingin ako sa mga vendor na nagtitinda at saka ako nag-isip ng kung anong maaring kainin. Nang makita ko ang isa ay saka ako ngumiti at saka ko tinuro ang vendor at ngumiti sya sa ‘kin. Sinunod nito ang kung anong sinabi ni Ma’am Janne at habang nakatingin kami sa kanya ay hindi namin maiwasan ang hindi matawa.
“So my brother is courting you?” ani nito at saka ako tumango.
“I don’t know what’s going on, and honestly, I’m confused too,” sagot ko at saka sya napabuntong hininga.
“Brother Ashton is kind. He has never liked anyone, and his last relationship was a long time ago. I didn’t think he would like you and return to who and what he was before.”
Nang bumalik si Ashton ay binigay nya ang pagkain sa kapatid nya habang ako naman ay napatingin sa pagkain na binili nya para sa ‘kin. Nakita ko kung paano syang ngumiti sa ‘kin at kung paano syang tumingin sa mga mata ko. Kinuha ko ang binili nya para sa ‘kin at saka sya umupo sa tabi ko. Huminga ako ng malalim at saka ako napatingin sa ibang direksyon kasi hindi na naman maalis ang tingin nya sa ‘kin.
Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa titig nya at gusto kong umalis sa tabi nya pero hindi p’wede. Tumingin ako kay Ma’am Janne at natatawa itong tumingin sa ‘kin at saka sya tumingin sa kapatid nya. Sinenyasan nya ito at sa kung ano ang pinag-uusapan nila ay hindi ko naiintindihan dahil ibang lenguahe ang ginagamit nila.
Naiiling na lang ako sa kanilang dalawa at muli kaming sumakay ng iba pang rides. Nang sumapit ang gabi ay napatigil na kami at nagpahinga na ulit sa ibang bench. Habang nakaupo kami ay umalis muna si Ma’am Janne dahil magbabanyo lang daw sya saglit. Habang nakaupo ay hindi ko maiwasan ang hindi kabahan habang katabi si Sir Ashton. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa tuwing dumadapo ang balat nya sa balat ko at para akong magkakaroon ng sakit dahil sa nangyayare.
“Did I do anything wrong?” tanong nya at umiling ako.
Tumingin ako sa kanya at saka ako umiling. “W-wala,” sagot ko.
“Hindi naman ako nangangain ng tao bakit mo ‘ko iniiwasan?”
Agad akong umiling at hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko naman sinabing nangangain sya ng tao at isa pa ay wala namang siyang ginagawang masama sa ‘kin. “Ahhhh… ang hirap kasing ipaliwanag pero… a-ano…” Napasinghap ako ng hawakan nito ang kamay ko.
“Do you think I’m not serious about what I’m doing and what I feel for you?”
“I’m not saying anything. I’m not even talking to you.”
“Why don’t you talk to me? I am not someone else.”
“Iyon na nga, e. Hindi ka ibang tao pero naiilang ako sa ‘yo. Panay ang titig mo sa ‘kin para na akong lalamunin ng lupa sa ginagawa mo,” sabi ko at nakita ko kung paano syang natawa.
Sa totoo lang naiinis akong tinatawanan nya ako at naiinis akong tumititig sa ‘kin. Sumimangot ako sa kanya at umurong sya sa may tabi at saka huminga ng malalim. Tumingin sya sa paligid at nanahimik kaming dalawa at ng dumating si Ma’am Janne ay naisipan na rin naming umuwi. Sumakay pa rin sa motor ko si Ma’am Janne at si Sir Ashton naman ay sa kanyang kotse. Habang nasa b’yahe ay napapangiti ako dahil naaalala ko ang ngiti ni Ashton sa ‘kin at napailing ako kasi hindi ko naman dapat isipin ang ngiti na ‘yon.
“Anong pinag-usapan nyo ni kuya habang wala ako?” tanong ni Ma’am Janne.
Umiling ako sa kanya habang nakatingin ako sa daan. “Wala naman,” sagot ko.
“Hindi naman p’wedeng magtitigan lang kayong dalawa habang wala ako,” sabi nito at saka sya tumawa.
“Ma’am ugali na ba nyang tumitig sa isang babae na parang walang ibang maganda sa paningin nya kung hindi ang babaeng iyon lang talaga,” sabi ko at narinig ko syang bumuntong hininga.
“He’s never been like that before, even in his first relationship. He was busy with his own business, and he doesn’t care about anything or anyone around him. He’s the kind of man that you don’t want to be with or deal with,” sabi nito at hindi ako sumagot sa kanya.
I have no intention of getting to know him or what kind of personality he has. All I want is for him to take his eyes off me because I don’t want anyone to look at me or stare at me. We got to the building, and I dropped him off there. I don’t know their house, and Ma’am Janne didn’t tell me to take her to their house either. Huminto sa harapan ko si Sir Ashton at saka nito ibinaba ang bintana sa may diver seat. Tumingin sya kay Ma’am Janne at saka nya ito sinenyasan at ako naman ay tumingin sa kanya.
Nagpaalam na silang dalawa sa ‘kin at nauna na silang umalis at ako naman ay naiwan na mag-isa. Naisipan kong tawagin si Zett at agad namang sinagot nito ang tawag ko at sinabi kong magkita kami sa isang malapit na cafe sa kanila. Agad naman na sumang-ayon ito sa ‘kin at nang makarating ako doon ay nakasuot sya ng malaking hoodie jacket na itim at naka-short lang sya at sapatos na puti. Nang makababa na ako sa motor ko at makapasok sa loob ay agad akong nag-order ng kape.
“What’s up?” tanong nito sa ‘kin.
“I was having a good time together with the Turner siblings,” sabi ko naman.
“So that’s why you’ve called me?” tanong nya.
“Nope, I want you to accompany me,” saad ko at saka sya tumango sa ‘kin.
Bumuntong hininga na lang ito sa ‘kin habang ako naman ay hindi maiwasan ang hindi tumingin sa paligid. Nag-ring ang phone nya at pareho kaming napatingin doon at nakita kong number lang ito at nang tignan ko sya ay parang wala naman syang pakialam sa kung sino ang tumatawag. Pinatay nya lang ito at saka sya napailing at muli na namang tumawag ang caller.
“Hindi mo ba sasagutin? Baka importate,” sabi ko at tumingin sya sa ‘kin.
“He’s not important,” sagot naman nito sa ‘kin at muli na namang pinatay ang tawag.
Nangunot ang noo ko sa kanya. “He? Lalake? Is that… Tyler?” tanong ko.
Tumahimik sya at hindi sya nagsalita at hindi rin sya sumagot sa tanong ko. Hindi ko alam kung anong nangyayare sa kanya at sa totoo lang ang kung ano man ang mero’n sa kanilang dalawa ay wala akong pakialam. Ang iniisip ko ngayon ay sa kung paano kong papahintuin sa panliligaw si Sir Ashton sa ‘kin dahil ayaw kong magkaroon ng panggulo sa buhay ko. Tahimik ang mundo ko tapos ay gusto nyang guluhin.
Napagpasyahan na naming umuwi. May dala rin syang motor kaya naman naghiwalay na rin kami ng way naming dalawa. Nang makauwi ako ay dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay na para bang magnanakaw. Nang makaayat ako sa k’warto ko ay saka ako humiga sa kama at ipinikit ko ang mga mata ko para sana kalimutan ang nangyare ngayong araw pero hindi nakikisama ang utak ko. Naalala ko na naman ang nangyare kanina at pakiramdam ko ay hindi ko na makakalimutan ang mukha nya habang nakangiti.
“Hindi naman dapat ‘yon ang iniisip ko pero bakit nasa isip ko pa rin hangang nagyon? Mero’n bang kakaiba sa kanya? Mitsuki nababaliw ka na,” inis na sabi ko sa sarili ko. Bumangon ako at saka ako tumingin sa sarili ko sa salamin. “Tingin ko ay kailangan ko na syang iwasan mula ngayon at hindi ko na lang sya kakausapin,” sabi ko at saka tumango.
Pero muli ko na namang naalala ang ngiti nya at nawala na namang ang ngiti ko. Huminga ako ng malalim at naisipan na maligo na lang muna bago ako matulog. Pagkatapos kong maligo ay pinatuyo ko lang ang buhok ko para makapagpahinga na ako. Sumapit ang umaga at nang tignan ko ang orasan ay malelate na ako. Agad akong bumangon at saaka ako napatingin sa sarili ko sa salamin at nanglaki ang mata ko dahil sa eyebags.
“AHHHH nakakainis!” inis na sabi ko at saka ko ginulo ang sarili kong buhok. “Kasalanan mo Sir Ashton! Kasalanan mo kung bakit hindi ako nakatulog.”
Naligo na lang ako at nagbihis at saka ako bumaba habang humihikab. Napatingin sa ‘kin si Ate Haruka at saka nangunot ang noo nya. “Mukhang napuyat ka? Anong nangyare? Anong oras ka umuwi kagabi?” tanong nito sa ‘kin at saka ako umupo.
“Maraming nangyare at nakakainis ang mga nangyare,” sagot ko naman at saka ako nagtimpla ng gatas. Napansin kong wala si Mommy. “Nasa’n si Mommy?” tanong ko.
“May pinuntahan sya. Hindi ko alam kung saan basta ang sabi nya ay saglit lang sya,” sagot naman nito at saka ako tumango.
Habang kumakain ako ng breakfast ay nakatanggap ako ng tawag at nangunot ang noo ko kasi hindi sya naka-registered sa phone ko. Hindi ko tuloy alam kung sasagutin ko ba o hindi. Tumingin si Haruka sa ‘kin at saka sya ngumuso sa phone ko at tumingin lang ako doon at saka ako kumain ulit. Nang matapos ako ay lumabas na ako at saka ako sumakay sa motor ko. Habang nasa daan ay sumulpot ang isang motor at mero’n itong dalang isang pulang rosas at saka nya ito binigay sa ‘kin na sya namang kinuha ko kahit na nagtataka ako.
“Anong nangyayare?” tanong ko sa sarili ko.
Mero’n na namang sumulpot sa may gawing kaliwa ko at inabutan na naman ako ng bulaklak. Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan at hindi magtaka at maghinalang si Sir Ashton ang may gawa nito. Hanggang sa makarating ako sa may parking lot ay naro’n ang mga janitor na may hawak na rosas at tag-iisa silang lahat habang nakapila papunta sa elevator. Tinanggap ko pa rin ito hanggang sa makasakay na ako ng elevator at nang bumukas ito ay mas lalo pa akong nagulat.
Sumalubong sa ‘kin si Ma’am Yna na may bulaklak at ngumiti sya sa ‘kin at binigay ito. Sa totoo lang gusto ko na lang umalis at pumunta ng ibang planeta dahil sa ginagawa nila. Lumabas si Ma’am Janne at agad akong lumapit sa kanya at tila nagsusumbong sa kung anong nangyayare. Hinila ako nito papasok sa opisina nya at saka nya kinuha ang bulaklak at inilapag ito sa may lamesa. Tumingin sya sa ‘kin at hindi ako mapakali sa kung ano ang iniisip nito sa ‘kin.
“Hindi ko gusto si Sir Ashton kung iniisip mong inaakit ko sya, mali ka. Promise wala akong kinalaman kahit bigyan nyo pa ako ng pera para layuan sya wala akong pakialam gusto ko lang talaga magtrabaho,” saabi ko at nakita ko kung paanong malakas na tumawa si Ma’am Janne at ako naman ay nakatingi lang sa kanya habang nakakunot ang noo.
Hindi ko alam kung maiinis ako dahil sa pagtawa nya o maiinis ako kasi sa mga sinabi ko. Napahawak na ito sa kanyang t’yan dahil sa kakatawa habang ako naman ay napahawak sa ulo ko at hindi ko alam kung anong iisipin ko. Nang matapos syang tumawa ay tinignan nya ang bulaklak na galing kay Ma’am Yna at saka sya may kinuhang maliit na papel doon at saka nya ito binigay sa ‘kin. Hindi nya tinignan ang kung anong nakalagay sa loob no’n at sa kung anong laman no’n.
Binuksan ko ang papel at saka ko binasa ang kung anong nakasulat. Pero nang makita ko ay napakunot ang noo ko at saka ako napangiwi. “Bakit pakiramdam ko ang korni ng sulat na ‘to?” sabi ko at muli na namang tumawa si Ma’am Janne.
“I’m sorry for laughing at you, but it seems like you don’t like sweet people. But actually, Ashton is kind of like that. I wish I had one like him, a corni one,” sabi nito at saka muling tumawa na naman.
Napabuntong hininga na lang ako kay Ma’am Janne at saka ako tumingin sa bulaklak na bigay ni Sir Ashton. “Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Mananahimik na lang ako.”
“When he gets interested in you and you don’t pay attention to him, he will do everything to get you to pay attention to him until you yourself give up, even if you get angry. Because he’s not the type of person who gives up easily, and he’s also not the type of man who, when you reject him, will look for someone else. So if I were you, Mitsuki, why don’t you try to give my brother a chance?” sabi nito at saka sya tumingin sa table nya at umupo doon habang ako naman ay nag-iisip ng kung anong mas dapat kong gawin.