CHAPTER 20

2281 Words
MITSUKI’S POV Sobra ang kaba sa dibdib ko at hindi ko alam kung anong unang gagawin ko. Para akong mababaliw sa kakaisip sa nangyayare ngayon dahil akala ko kasi ay kung hindi papasok si Ma’am Janne ay wala rin akong gagawin pero nagkamali ako sa isipin na ‘yon. “Is Janne told you about my secretary?” tanong nya sa ‘kin at saka ako tumango sa kanya. “Thank you,” dagdag nya at saka umupo sa upuan nya. “Ano po ba ang gagawin ko Sir?” tanong ko at saka lumapit pa malapit sa may table nya. “Wala kang gagawin hangga’t wala akong pinapagawa,” sagot naman nya at saka ako napaisip. Kung wala rin naman akong gagawin dito ay ano pa ang ginagawa ko dito? Napalingon ako sa may pinto nang may marinig akong kumatok at saka ako tumingin kay Sir Ashton. Hindi ito tumingin sa pinto pero pinindot nito ang kung ano mang tawag sa remote na ‘yon at nakita na kung sino ang nasa labas at nandoon si Sir Tyler. Pinapasok ito ni Sir Ashton si Sir Tyler at tumingin ito sa ‘kin at yumuko naman ako sa kanya. “Good morning, Sir,” bati ko sa kanya. “What happened to Janne?” tanong ni Sir Tyler kay Sir Ashton at saka tumingin sa kanya si Sir Ashton. “She need to focus on her upcoming exam,” sagot naman nito. “And to your secretary?” “She’s on leave.” “To her?” sabi nito at saka ako tinuro. “Permanent,” sagot nito. “Oh, by the way, Mr. Simsom wanted to talk to you right now about the files he’s talking about,” sabi nit kay Sir at saka ako tumingin kay Sir Ashton. Narinig ko ang matunog nitong buntong hininga. “Sasama rin po ba ako sa meeting?” tanong ko at saka tumingin si Sir Tyler sa ‘kin. “Yeap,” sagot nito. “He’s waiting at the meeting room, Ashton,” sabi pa nito bago sya tumalikod at umalis. Nang makaalis na ito ay tumingin ako kay Sir Ashton at inayos nito ang kanyang suot at lumapit sa ‘kin saka ako hinawakan sa kamay na sya namang ikinakunot ko ng noo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko at hindi ko alam kung aalisin ko ba ito o hahayaan ko na lang. Nakarating kami sa meeting room at tumayo ang isang lalakeng may katandaan na doon at mero’n itong kasama pang isang lalakeng g’wapo rin sa kanyang suot. Napatingin ito sa ‘kin at saka sya napatingin kay Sir Ashton at hinila naman ako ni Sir at saka sya umupo at ang mas matindi nito ay pinaupo ako nito sa kanyang hita na sya namang ikinakaba ng dibdib ko. “S-sir…” “Quiet,” bulong nito at mas lalong dumagundong ang kaba sa dibdib ko sabayan pa ng pananayo ng balahibo ko. Natahimik na lang ako at hindi na ako nagsalita at pinatay naman ni Sir Tyler ang ilaw at ang lalakeng kasama ni Mr. Simsom ay napapaiwas na lang ng tingin sa aming dalawa. Wala naman akong maalalang may nagawa akong mali ngayong araw para parusahan ako ng ganito ni Lord. The presentation started, and I was just here, sitting on his lap while his hand was on my leg. Nasabi ko bang naka-skirt ako ngayon kasi akala ko isasama ako ni Ma’am Janne sa kung saan man sya pupunta? Napapalunok ako ng sarili kong laway at mas lalong nananayo ang balahibo ko dahil sa pag-amoy nito sa buhok ko. Napasinghap ako nang bigla nya akong yakapin at napahinto si Mr. Samson sa pagsasalita. Napaubo naman si Sir Tyler at saka ito nagsalita. “Ehem… should we continue this meeting or not?” tanong nito kay Sir Ashton at saka ako napatayo at inaliw ang kamay nito sa pagkakayakap sa ‘kin. Tumayo si Sir Ashton at saka nya inayos ang damit nya at saka tumingin kay Tyler. “Give me the drive and I will review it later,” sagot naman nito. Yumuko si Sir Tyler at saka sya tumayo at tumingin kay Sir Samson. Ako naman ay napabuntong hininga pero kinakabahan sa kung anong maaring mangyare dahil parang hindi ko ata gusto ang kung ano ang balak na gawin ni Sir Ashton sa ‘kin. Hinawakan nito ang kamay ko at saka kami lumabas ng opisina at saka nya ako dinala sa elevator. Nang makapasok kami doon ay agad nitong sinara ito at saka sya tumingin sa ‘kin. “S-sir… ano bang nangyayare sa ‘yo?” tanong ko. “I was just…” Lumapit sya sa ‘kin at napaatras ako hanggang sa mapasandal ako sa pader. “Addicted to your scent,” dagdag nito at muli na namang dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Sa totoo lang ay nakakaramdam ako ng kakaibang init sa katawan ko na hindi ko pa nararamdaman noo at sandali akong napatingin sa labi ni Ashton at muling napapalunok. Hindi ko alam kung pang ilang laway na ‘yon pero isa lang ang nakakasigurado ako. Ang lalakeng ‘to ang gumigimbal sa mundo ko. Bumukas ang elevator at muli na naman nitong hinawakan ang kamay ko at saka nya ako pinasakay sa kotse nya at wala naman akong naging angal sa kung ano ang ginawa nya. Wala rin naman akong ibang magagawa at isa pa ay hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko sya hinahayaan na pasunurin ako sa kung ano ang ginagawa nya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta o sa kung ano man ang pupuntahan naming dalawa pero sa kung saan man kami patungo tingin ko naman ay wala syang ibang gagawing masama. P’wera na lang kung sa ibang bagay nya gagawin. Natawa ako sa naisip ko at napatakip pa ako ng bibig ko at napakagat sa labi ko dahil sa nangyare. “Why are you laughing?” tanong nito sa ‘kin at saka ako napatingin sa kanya. “W-wala po,” sagot ko at saka naman napailing si Sir. “Ahhh… Sir… saan po ba tayo pupunta?” tanong ko at tumingin sa kalsada. “Somewhere? We were going on a date,” sagot nito sa ‘kin. Nanlaki ang mata ko at napalingon sa kanya. “Date? Bakit?” “Bakit? Why not?” “Ahhh… nakakagulat lang naman kasi.” “I told you, don’t call me sir.” “Nasany lang ako. Isa pa Boss po kita.” “Don’t use po.” Napataas ako ng parehong kamay ko. “Ok,” sabi ko na para bang sumusuko na. Naiiling naman syang ngumiti at ako naman ay napabuntong hininga. Habang tinatahak ang kalsada ay napapatingin ako sa kanya at napapaisip sa kung ano ang mero’n sa ‘kin at paano nya akong nagustuhan. Pero sa lahat ng mga nagkakagusto sa ‘kin parang sa kanya lang ako matatamaan. Hindi ko alam pero kakaiba ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi katulad nang kay Dylan. Huminto kami sa isang restaurant at binuksan ko na ang pinto at lumabas kasabay sya. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumama kasi hindi ako mahilig sa mga fancy restaurant at wala rin naman akong balak kumain sa mga ganitong klasing kainan. “Maganda dito kapag sunset. Maaga pa kaya siguradong mataas pa ang araw,” sabi nito sa ‘kin at saka ako tumango. “Bakit hindi tayo hapon pumunta? Mas gusto kong makita ang sunset,” sabi ko naman at saka sya napaisip. “If you want to do something first before we proceed for our date. I think there’s something here that you might like.” Nakangiting sabi nito. Oh gosh Lord. Bakit mo ‘ko binigyan ng lalakeng sobrang g’wapo kapag ngumingiti? Mas lalo akong mahuhulog sa kanya kung ganito sya. Ngumiti lang ako sa kanya at pumunta na kami sa sinasabi nyang lugar. While the two of us were walking, my hands were behind my back, and I was smiling because of what was happening now. I don’t know why, but it just makes me feel lighter, even though the truth is that I’m also nervous. “MITSUKI!!!” Napahinto ako at saka ko hinanap ang pinanggalingan ng boses na tumawag sa pangalan ko. Nang makita ko kung sino ang tumatawag sa ‘kin ay nangunot ang noo ko nang makita ko si Ate Haruka at kasama nito ang boyfriend nya. Agad na tumawid ito sa gawi namin at saka sya lumapit sa ‘kin na may nanunuksong tingin. “A-anong ginagawa nyo dito?” tanong ko. “We’re just passing by, and we’re about to go when I see you,” sabi naman ni Ate at nakangiti pa. “Hi, Ashton,” bati nito kay Sir. Napakagat ako ng ibabang labi ko kasi ito na naman si Ate Haruka sa kaharutan nya. “Ate mabuti pa ay umalis na kayo.” Pagtataboy ko sa kanya. Tumingin sa ‘kin si Ate at saka sya nagtaas ng kilay. “Aba? Pinagtatabuyan mo na ako? Gusto mo lang masulo si Ashton, e,” sabi nito at napatampal ako sa noo ko. “Oo nga pala nasa’n si Janne? I miss her!” “She’s busy with her stuff,” sagot naman ni Sir. “Ohh… balita ko ay nag-aaral pa sya? Anong school? Gusto ko syang bisitahin!” Nakangiting sabi ni Ate at saka naman sinabi ni Sir kung saan nito makikita si Ma’am Janne. Hindi na ako nagsalita at parang nagsisisi akong naging kapatid ko sya. “Ate wala ba kayong date ng boyfriend mo?” “Ayy kaloka ang kapatid ko. Wala naman akong nagawang mali nitong mga nakaraan. Hindi nga kita naaabutan minsa sa bahay tapos nandito ako ayaw mo ‘kong nakikita?” sabi nito at saka sya lumapit kay Sir. “Ashton oh…” pagpapabebe nya. “Ate mahiya ka nga nand’yan boyfriend mo!” sita ko sa kanya. “Ok fine~” ani nito at saka sya lumapit sa boyfriend nya. “Mero’n lang akong paalala ah… kasi alam nyo ‘yon. When the man was with the woman, fire will come out,” pang-aasar pa ni Ate. “HARUKA!” nagpipigil inis kong suway at napapatakip ng mukha dahil sa hiya. Tinawanan ako ni Ate Haruka at saka sya nagpaalam at nang maiwan kami ni Sir Ashton ay halos hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya. Humanda talaga sya sa ‘kin pagkauwi ko sa bahay dahil isusumbong ko sya kay Mommy. Pinahinahon ko muna ang sarili ko at saka ako pumikit at muling tumingin kay Sir Ashton at saka ako ngumiti. “Your sister is funny,” kumento nito. “Dati kasi syang clown,” sabi ko naman at tinawanan nya ako. “Ang cute nyong dalawa mag-asaran.” “Lagi nya akong inaasar noon pa.” “Tara na?” anyaya nya at tumango naman ako sa kanya. Muli kaming naglakad dalawa at maya-maya ay nakarating kami sa isang park kung saan matatayog ang mga puno at marami ring mga namamasyal. Ang ganda ng park at pagpasok mo sa loob ay hindi mo aakalaing nasa paligid nito ay isang syudad. Habang nakatingin ay hindi ko maiwasan ang hindi maakit sa mga aso at pusang hawak ng kanilang mga amo. Habang nakatingin ako sa paligid ay napatingin ako kay Sir Ashton na no’n ay hawak ang kanyang cellphone at nakatutuk sa ‘kin. Nakangiti akong tumingin sa kanya at saka ako nag-peace sign at nakita ko kung paano syang mapatitig sa ‘kin at binaba ang cellphone nya at pinagmasdan ako. “Patingin ako baka pangit kuha,” sabi ko at saka tinignan ang cellphone nya. Hindi pa rin naalis ang tingin nya sa ‘kin at nanlaki ang mata ko nang pinantay nito ang mukha nya sa mukha ko. “You’re beautiful as always,” sabi nito at pabulong. Napatingin ako sa mga mata nya at nakikita kong nagsasabi sya ng totoo. Bakit ba ang hirap labanan ng ganitong pakiramdam? Inayos ko ang sarili ko at muling ngumiti sa kanya. “Salamat,” sabi ko at saka kunwaring tinignan ang phone nya para maiwas ko ang tingin ko. “Waw…” hindi makapaniwalang sabi ko. “Ang galing mo naman kumuha ng litrato Sir! Galing mong umanggulo tapos ang ganda ng pagkakakuha nya. Infernes naman po sa cellphone nyo ang linaw ng camera,” kumento ko habang tinitignan ang iba pang litrato. Napahinto ako sa pag-swipe nang makita ko ang mukha ko. Agad na kinuha ni Sir ang cellphone nya at napatingin ako sa kanya. “I can’t stop myself from taking a picture of you,” he said, and I felt like I was going to blush. “Wala naman akong pinainom na gayuma sa ‘yo… pero bakit nababaliw ka sa ‘kin?” bulong na tanong ko sa sarili ko. “What?” “W-wala po… ano… may gayuma ka—este ano… gosh ano ba naman!” inis na sabi ko sa sarili ko. Tumawa si Sir Ashton sa ‘kin at nilagay nito ang parehong kamay sa magkabilaang pisngi ko. “Hindi ako marunong manggayuma…but I can make you fall in love with me, Mitsuki,” sabi nito at ayon na naman ang malakas na kabog ng puso ko na parang gusto nang umalis sa katawan ko. Natulala ako sa sinabi nya at wala akong ibang naisagot. Ginulo nito ang buhok ko at saka hinawakan ang kamay ko at naglakad na kaming dalawa. Habang hila nya ako ay napatingin ako sa kamay kong hawak nya at pakiramdam ko gusto ko na lang maging unggoy bigla.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD