ESCAPE
Patuloy ang pag-uusap ng dalawa na mas lalong naghatid ng takot sa kanya, tumutulo ang luha niya kasabay ng pawis niya. Paano ba siya napasok sa ganitong sitwasyon? Sa kagustuhan niyang makatulong kahit na wala naman talaga siyang magagawa ay inilagay niya sa panganib ang sariling buhay. Nawala ang dalawa at nabalot muli ng katahimikan ang buong lugar, naglakas-loob siyang sumilip upang makita kung nasaan na ang mga ito at makatakbo siya kung sakaling malayo ang mga ito. Ngunit mali ang ginawa niya, maling-mali dahil nasa harapan niya ang nakapulang lalaki. Natatakot na tinignan niya ang palinga-lingang lalaki, mabigat ang naging paghinga niya bago maingat na magtagong muli.
'God kayo na po ang bahala sa'kin, kung mamamatay man po ako ngayon okay lang po basta mabigyan ng katarungan ang pagkamatay namin. Amen,' dasal niya sa isip bago magsign of the cross. Dahan-dahan at bahagyang nakayukong tumayo si Xyrelle bago buong ingat na naglakad palabas sa mga talahib. Nilingon niya ang dalawang lalaki, nakatalikod sa kanya ang mga ito kaya naman kinuha niya ang pagkakataong iyon para tumakbo. Mabilis na tumalilis ng takbo ang dalaga palabas sa bakanteng lote ngunit ang hindi niya alam ay nakita siya ng dalawa na tumakbo rin upang habulin siya.
Malayo pa bago siya makalabas ng village kaya't mas binilisan niya ang pagtakbo. Kinakapos na siya ng hininga dahil sa sobrang takot at pagtakbo kaya't saglit siyang napahinto sa madilim na parte ng lugar. Malakas siyang napatili nang may biglang humatak sa kanya kung saan at nagtakip sa kanyang bibig.
'In fairness, mabango ang kamay niya pero paano kung kasama rin siya nung dalawang mamamatay-tao?!' naalarmang wika niya sa isip. Pilit siyang nagpumiglas ngunit mahigpit na kumapit ang matitigas nitong braso sa kanyang tiyan.
"Sssshhhh," bulong ng 'di kilalang lalaki sa kanyang tenga na nagpatayo ng lahat ng balahibo niya sa katawan. Hindi niya alam ngunit napakakakaiba ng pakiramdam na nararamdaman niya ngayon.
"Quiet, miss," dagdag pa nito na sa hindi malamang dahilan ay nagpakalma sa kanya kahit na nasa binggit na siya ng kamatayan. Sa kanyang pandinig ay napakagwapo ng boses nito, lalaking-lalaki at matigas gaya ng katawan nito kung saan siya nakadikit ngayon. She mentally slapped herself because of the unwanted thoughts she's thinking even if she's in a life and death situation. Agad siyang huminto sa pagpupumiglas at pag-iingay nang marinig ang boses ng isa sa mga kriminal. Tiningala niya ang lalaki na hawak pa rin siya nang mahigpit. Hindi niya maaninag ang mukha nito dahil nakatingin ito sa ibang direksyon at wala ang sinag ng buwan. Sinundan niya ang tinitignan nito at muntik na namang mapasinghap nang makitang ilang metro lang ang layo nila sa mga kriminal.
"Sssshhhh I said quiet," firm ngunit mahinang sabi nito.
"Nasaan na? Narinig kong tumili kanina," nagtatakang sabi ng lalaking nakapula habang mahinang pinupukpok ang ulo ng hawak na baril.
"Tangina, natakasan tayo," inis na sabi ng isa habang lumilinga-linga sa paligid.
"Sabihin na lang natin kay boss na may nakakakita."
"Bobo ka ba o sadyang tanga lang? Hindi natin pwedeng sabihin kay boss 'yun dahil tayo ang mamamatay."
"Ay oo nga, sige 'wag na lang nating sabihin kay boss kunwari na lang walang nakakita."
"Oo, halikana linisin na natin 'yun baka may iba pang makakita." Magkasabay na naglakad ang dalawa palayo at nang tuluyan nang mawala sa paningin nila ang dalawa ay mabilis siyang binitawan ng lalaki. Tila nanghinayang siya sa pagkakalayo ng katawan nila pero agad niya ring sinaway ang sarili.
'Ang harot! Mamatay na lang at lahat maharot pa rin!'
"Bakit ka nila hinahabol?" tanong nito habang inaayos niya ang sarili at pinupunasan ang mga pawis at luha sa kanyang mukha.
"Ano... Ano... Nakita...." hindi niya maituloy ang sasabihin dahil nanginginig pa rin siya sa takot. Her mind is clear but she can't talk about what happened right now because it's still fresh from her memory.
"Okay, you don't have to tell me I won't insist, baka natrauma ka sa kung ano man ang nakita mo," may pag-aalalang wika nito bago ipatong ang kamay sa kanyang balikat. Napatalon siya sa gulat saka mabilis na humarap dito. Mukhang tama nga ito, natrauma siya sa mga nakita at nangyari ngayon lang.
"Go home and rest," dagdag pa nito. Tumingala siya upang aninagin muli ang mukha nito ngunit bigo siya kaya naman bumagsak na lamang ang mga mata niya sa tattoo nitong nasa kaliwang dibdib.
"Family," she muttered before unconsciously lifting a finger and touching it. Nang tumama ang daliri niya sa balat nito ay tila may kuryenteng tumulay sa kanyang daliri papunta sa kanyang katawan na kalaunan ay naghatid ng init sa kanyang loob. Ilang segundo lang iyong nagtagal dahil hinawakan ng binata ang kamay niya at tinanggal doon na mas lalong nagpaigting ng init na nararamdaman niya. Napapaso at sabay nilang binawi ang kamay sa isa't isa bago tumingin sa magkabilang direksyon.
"Go now miss, ako na ang bahala sa kanila kung sakaling sundan ka pa nila. Kailangan mo nang umalis dito bago ka pa nila mamukaan at makita. Kung pwede rin umalis ka na muna sa lugar na 'to hangga't hindi pa sila nahuhuli at kung may alam ka o may nakita ka talaga ipagbigay alam mo kaagad sa mga pulis," mahabang litanya nito na tila ekspertong-eksperto na at alam na alam ang sinasabi. Tango lang isinagot niya sa binata bago ito talikuran.
"At mag-iingat ka." Narinig niya pang sabi nito bago siya tumalilis ng takbo.
ELIXIR MATTHEW CALIENTE
ELIXIR rush to where the unknown woman came from after he ensured that she is safe and already far from the place. He immediately shakes the feeling he had when he's holding her close to him, he's not familiar with it, so it scares the hell out of him. Wala siyang kaide-ideya kung bakit biglang nag-init ang pakiramdam niya at may malakas na kuryenteng dumaloy sa kanyang mga ugat nang dumampi ang kamay nito sa kanyang tattoo kanina. Muli ay napailing siya, he should focus on why she's running like crazy earlier. He knows what happened, ganoong klase ng reaksyon ang nakikita niya sa mga taong nakakakita ng krimen o mga pagpatay. Mabilis niyang nahanap ang lugar na pinangyarihan, masasabi niyang eksperto siya sa mga ganoong bagay dahil para saan nga ba't naging pulis siya at militar. Madilim at puno ng talahib ang bakanteng loteng kinatatayuan niya ngayon. Malinis ang lugar, walang kahit na anong bakas na may nangyaring hindi maganda roon ngunit dahil mabilis ang kanyang mga mata at mapag-usisa siya'y agad niyang nakita ang ilang patak ng dugo sa damuhan. Natatamaan iyon ng sinag na nagmumula sa buwan, naglakad siya palapit doon upang masiguro ang hinala at mainspeksyon kung dugo nga iyon ng tao. Naupo siya at dinampi ang isang daliri doon saka inilapit sa kanyang ilong upang amuyin.
"Yep blood," he said before wiping it off on his pants. He decided to follow the drops of blood but just after a few steps it disappears.
"There is no use, this is going nowhere," he muttered. Malinis na malinis ang pagkakagawa at mukhang walang balak palampasin ang dalawang 'yun na kahit ano kung sakali dahil hinabol pa talaga ng mga ito ang dalagang iniligtas niya kanina. Kung gusto niya talagang may malaman pa tungkol sa nangyayari mukhang mas makakabuting kausapin niya ito. But where and how can he find her? Pinaalis niya nga ito kanina at pinayuhan pang umalis muna sa lugar upang manatiling ligtas. He heaved a sigh.
'Kaya pala siya takot na takot kanina, I hope she's okay now,' wika niya sa isip na agad din niyang pinalis nang mapagtanto kung anong nararamdaman. Thinking about her makes him wants to protect her. He suddenly have the urge to run on her side and just make her safe, protect her from anything that might hurt her.
"What the f**k is happening to you?" he questioned himself annoyed by the emotions he's suddenly feeling while shaking his head once again. Tumayo siya at muling naglakad ngunit sa pagkakataong iyon ay papunta naman sa talahiban. Hinawi niya ang malalaking damo bago dumapo ang mata niya sa isang kumikinang na kwintas na nasabit sa isang dahon. He quickly grabbed it from the leaf, it was a beautiful gold necklace with a letter "X" pendant.
"Is this hers?" tanong niya sa sarili bago iyon isuot. Itatago niya muna iyon hangga't hindi pa sila nagkikita ulit. Mukhang nadagdagan na ang dahilan para hanapin at makita niya ang dalaga. Ipinikit niya ang mga mata saka hinawakan ang kwintas na nasa kanyang leeg. Those chinky eyes of her, her cute button nose, her perfectly shaped red lips, her thick body and her small frame unexpectedly flash into his mind making him gasped for air. He immediately opened his eyes and pulled away his hands from the necklace he's wearing.
"Why are you beating so loud and fast?" tanong niya sa sarili habang pinagmamasdang ang mabilis na pagtaas baba ng dibdib niya.
Napatalon siya sa gulat nang malakas na tumunog ang kanyang cellphone.
"f**k," he muttered angrily before pulling the device inside his pocket and answering the call in an instant.
"What?" kunot-noong bungad niya sa galit na tono.
"Dad!" Awtomatiko siyang napangiti nang marinig ang boses ng nasa kabilang linya, it was Barrett.
"Why are you calling this late young man?" he asked, changing his tone earlier.
"It's not late I just finished dinner," pagkontra nito.
"Did you eat well? Did manang cooked you good food?" tanong niya sa limang taong gulang na pamangkin. Barrett became his responsibility when her sister was abandoned by Barrett's father and met a car accident because of it, and while still pregnant with his nephew. Isang himala na nga lang daw na nailigtas pa ang pamangkin niya dahil sa tindi ng pinsalang tinamo ng kanyang kapatid mula sa aksidente. Walang kinamulatang magulang ang bata kaya siya na ang tumayong ama't ina nito. He even quitted army when he had him. Hindi niya rin nakikala ang ama ni Barrett, Elisa, his sister did a good choice of hiding his identity from him. Ito ang sinisisi niya sa lahat ng nangyari sa kapatid niya at pamangkin kaya kung kilala niya kung sino ito ay matagal na ring malamig na bangkay.
"Yes! Manang always do that unlike you, you always cook gross foods," sagot nitong tila nasusuka pa, mahina siyang natawa. Yep, he's a bad cook but he's willing to learn, in fact he's improving because of Manang's teaching.
"Really? Wait until you taste the Laing that I cooked," mayabang na sagot niya rito.
"Tss words. Go home, dad because I can't make a move to Athena if you're not here to teach me," masungit na sambit nito na binanggit pa ang pangalan ng batang babaeng crush nito.
"Okay, okay, just one last gig for tonight then I'll go home," he assured thinking about booking a flight immediately. Next week naman na ulit ang susunod nilang gig, their band is already making noise and name to the music industry. Habang tumatagal ay parami na nang parami ang kumikilala sa kanila, may kumukuha na ring mga recording studios sa kanila but they declined. Well, him and Zac declined. Ayaw nilang may kontratang sinusunod at may humahawak sa kanila sa leeg. Their band is for entertainment only not for money, they have lots of those.
"Okay. See you later, dad," paalam nito sa kanya.
"See you later," sambit niya bago ibaba ang tawag.
"Nasaan na nga ba ako?" bulong niya sa sarili. Oh yeah, he's in the middle of a vacant lot and investigating a crime that doesn't really concern him.
'Why am I doing this?' tanong ng isang parte ng kanyang isip.
'For a woman whose name starts with letter X.' sagot naman ng isang parte.
Muli ay tumunog ang cellphone na hawak niya, nagchat si Craig sa kanilang GC at minention siya nito.
?HACERZ MOTHERFUCKERZ?
Zamora: Where the f**k are you @Caliente? ??
Rivas: He's probably f*****g the girl downstairs. ???
Caliente: f**k you two. Talk to each other you're in the same room. ?
Lopez: There he is. Come on, finish your business already we have a gig. ?
Napailing siya sa mga pinagsasabi ng mga ito saka mabilis na tinago na lang ang cellphone sa bulsa, nakuha pa talagang magsichat magkakasama lang naman sa isang kwarto. Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa bahay ni Zac kung saan sila nagpapractice ngayon.
"Hey hottie, what took you so long?" bungad ng isang babae pagkapasok niya pa lang ng bahay saka pumulupot ang mga braso sa kanya. This is the reason why he's half naked, they were making out and was about to do 'that' when he suddenly remembered he has no condom with him. Kaya lumabas siya saglit para bumili sa pinakamalapit na convenience store sa lugar, hindi na siya nag-abala pang magsuot ng damit dahil sandali lang naman siya. Or that was he thought, but he stumbled upon that woman being chased by two armed man. He totally forgot about this woman in front him because all that was running inside his mind up until now is X.
"Leave." Mariing sabi niya saka binaklas ang mga braso nito sa kanya at bahagya itong tinulak.
"What?" hindi makapaniwalang tanong nito habang nanlalaki ang mga mata.
"Don't make me repeat my self. Leave. Now." He said coldly before handling her her clothes.
"What? You can't do this to me!" maarteng sigaw nito, refusing to get the clothes from him.
"Yes, I can," tugon niya bago ihagis dito ang mga damit na hawak. Gulat ang rumehistro sa mukha nito bago padabog na naglakad palabas ng bahay. He scoffed before walking upstairs and making his way to their music studio.
"Saan ka galing? Kanina ka pa namin inaantay dito," nakasimangot na wika ni Alixiel na halatang pagod na nang pumasok siya sa studio.
"Just wandered around," sagot niya bago kunin ang dalawang stick na nakapatong sa drums.
"Do you find something or someone interesting?" nakangising tanong ni Hexelian na alam niyang babae ang tinutukoy.
"Yes someone, but I want to keep her for my self," tugon niya saka pumwesto sa likod ng drums at tumugtog doon.
"Ohhhh someone's being possessive," singit ng leader nilang si Zac na may nakakaasar na ngiti sa labi.
"Shut up, fucker, just call your ex again and beg for her to come back," wika niya na ikinalukot ng mukha nito, ngayon siya naman ang may pagkakataon na ngitian ito ng nakakaasar.
"f**k you," he said annoyed before showing him his middle finger. All of them laugh, hindi pa rin nakakamove on ang loko sa ex-girlfriend niya.
"Alam mo, Zac, tigilan mo na pagpupumilit mo sa tao, masasaktan mo lang siya lalo," makahulugang wika ni Alixiel na nagpatigil sa tawanan nila at nagpabaling ng tingin nila rito. Abala ito sa pagtotono ng hawak na gitara kaya naman hindi nito napansing nakatingin sila.
"Where did that come from Ali?" hindi makapaniwalang tanong niya rito bilang pang-aasar.
"Mukhang malalim ang pinaghuhugutan mo a?" dagdag ni Craig na mahina pang tumatawa.
"f**k off," asik nito na hindi pa inaalis ang tingin sa gitarang hawak.
"Tama na nga iyan, let's pack our things malelate na tayo," saway ni Zac habang nakatingin sa wristwatch. The three groaned in unison before lazily packing their own instruments while he just put on his clothes and slip the sticks on his back pocket. Being a drummer is so convenient and hassle free, plus girls flock on your feet easily. But right now, he's thinking of only one woman he wants to flock on his feet.