MARUPOK
XYRELLE GRACE VERNAULA
"TITA! Tita!" humahangos na tawag niya sa tiyahin habang walang puknat ang pagkatok sa nakapinid nitong pinto. Ang sana'y dapat dahilan niya lang kanina kay Ken ay nauwi sa totohanan. Sa bahay siya ng tiyahin dumiretso dahil sa sobrang takot na nararamdaman. Hindi na siya dumaan pa sa sariling apartment upang kumuha ng kahit anong gamit o kahit na ilang piraso ng damit dahil sa sobrang pagkabalisa. Susundin niya ang bilin ng lalaking nagligtas sa kanya kanina. Aalis at lalayo siya sa lugar, malayong malayo upang hindi siya mahanap ng dalawang lalaking nagtangka sa buhay niya.
"Xyrelle?" nanlalaki ang mga matang tawag nito sa kanya nang makita ang aligaga at hindi mapakaling itsura niya.
"Tita," sambit niya na hindi na napigilan pa ang pagpatak ng mga luha at pagyakap ng mahigpit sa babae.
"Anong nangyari sa'yo, hija?" nag-aalalang tanong nito habang hinahaplos ang kanyang likod upang aluhin ngunit umiling lang siya. Hindi niya magawang ikwento sa tiyahin ang nasaksihan, naaawa siya sa lalaking biktima ngunit nilalamon din ng takot ang kanyang dibdib.
"Pumasok na muna tayo sa loob para kumalma ka," she said calming her before pulling away from their hug and then guiding her inside. Pinaupo siya nito sa sofang naroon bago ito nagmamadaling naglakad sa kusina upang kumuha ng tubig. Iniabot ng babae sa kanya ang baso at sa nanginginig na kamay, tinanggap niya iyon at uminom.
"Tita... Saan po ba ko pwedeng.... Pwedeng manatili pansamantala.... Iyon pong.... Iyon pong malayo... Rito..." putol-putol na wika niya dahil sa paghikbi. Kumunot ang noo nito at alam niyang magtatanong pa ang tiyahin kaya naman nang ibinuka nito ang bibig ay inunahan niya na ito ng sagot.
"Tinanggal.... Tinanggal po ako sa trabaho... Gusto ko po munang.... Lumayo.... Para makalimot..."
"Aba?! Bakit ka naman nila tatanggalin? Napakagaling mong teacher! Ano bang nasa utak nila at tinanggal ka?!" hindi makapaniwala at galit na litanya nito habang nakahawak pa sa sariling ulo.
"Nagka.... nagkaconflict po.... Ako sa isang estudyante ko... Nagalit po iyong magulang," kunwari'y nahihiyang sabi niya. Pinipilit pagtakpan kung ano nga ba talaga ang totoong dahilan ng pag-alis niya.
"Ano? Hindi niyo ba mapag-uusapan 'yun para maayos? Unang beses mo pa lang naman magkaconflict sa mga magulang a! Ano ba namang school 'yang pinagtatrabahuan mo? Wala silang pagpapahalaga sa mga teachers!" nanggagalaiting wika nito na inagaw sa kanya ang basong hawak saka tinungga ang natitirang laman noon. Hindi niya alam kung matatawa siya o patuloy na hihikbi dahil sa ginawa nito.
"Tita... Gusto ko na pong umalis agad... May alam po ba kayong pwede kong puntahan at tirhan pansamantala?" tanong niya rito habang pinapahid ang mga luha.
"Meron, pero hindi ko alam kung magugustuha mo ang lugar na 'yun," sambit nitong nag-aalala. She doesn't care where the wind will take her, what she cares the most is to be out of this town by morning.
"Kahit saan po, tita, kahit saan basta 'wag lang sa lugar na 'to," tugon niya, desperada na siyang lisanin ang lugar. Ginagap nito ang kamay niya at hinaplos iyon ng marahan na tila ba sinasabing naiintindihan siya nito. Biyuda ang kanyang Tita Della at wala rin itong anak kaya siya ang itinuturing nitong kamag-anak kahit na hindi sila magkadugo. Nakikilala niya ito noong nasa kolehiyo siya, isa ito sa mga mababait niyang propesor noon. Hindi niya akalaing magiging malapit ang loob nila sa isa't isa at magtuturingan na parang isang pamilya.
"Sige tatawagan ko muna ang tiyo Dindo este tiya Dindin mo, sasabihin kong doon ka muna sa kanila sa Sorsogon," sabi nito bago tumayo, tinanguan niya ang babae bilang pagtugon saka nito hinaplos at tinapik ang kanyang balikat bago tuluyang lapitan ang telepono. Muling natulala si Xyrelle, the horrid killing she witnessed earlier flashes through her mind. Hindi niya namalayang humihikbi na siyang muli, naaawa siya sa lalaking naging biktima ng pagpatay at naguguilty siya dahil wala siyang magawa para mabigyan ito ng hustisya. Natatakot siyang lumapit sa mga pulis dahil baka kakampi rin ng grupo ng mga masasamang loob ang ilan sa mga ito. Natatakot din siyang madamay pa ang ibang mahal niya sa buhay kung sakali, kaya mas pipiliin niya na lamang na sundin ang payo ng lalaki kanina, lumayo at manahimik.
"Xyrelle, anak, tahan na, magiging maayos din ang lahat," alo ng kanyang tiyahin na hindi niya namalayang tapos na palang makipag-usap sa telepono. Hinaplos nito ang kanyang likod saka siya ipinaloob sa mga bisig nito. Hinayaan niya ang sariling umiyak, hindi niya alam kung ilang minuto o oras siyang umiiyak basta ang alam niya, gusto niya lang ilabas ang lahat ng emosyong nararamdaman- takot, guilt, awa- upang gumaan kahit papaano ang mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib.
"Tita, salamat po. Lagi ko po kayong tatawagan kapag nandoon na ko," wika niya nang tuluyan na siyang tumahan kahit na namumugto pa rin ang kanyang mga mata at namumula pa rin ang kanyang ilong sanhi ng pag-iyak.
"Walang anuman iyon, hija, para nang anak ang turing ko sa'yo. Magpahinga ka na muna ngayong gabi, 'wag ka nang umuwi at dito ka na matulog. Bukas ka na lang ng umaga umalis para mag-impake at pumunta sa bus station para makabili ng ticket. Ipahinga mo muna ang isip at katawan mo, tandaan mong laging may bagong umaga para maging maayos ang lahat," litanya nito bago siya igiya papunta sa isang kwarto kung saan siya pwedeng matulog.
"Salamat po, tita," sambit niya bago yumakap dito.
"Hindi ka ba nagugutom?" bigla ay tanong nito.
"Hindi po," tugon niya. Totoong wala siyang ganang kumain, tingin niya nga ay maisusuka niya lang kung anong lalamanin ng kanyang sikmura.
"Oh siya sige, magpahinga ka na riyan at kung magugutom ka, may pagkain sa ref at kusina," bilin nito bago tapikin ang kanyang pisngi.
"Good night, Tita Della."
"Good night, Xyrelle," sagot nito bago tuluyang naglakad papasok sa sariling kwarto. Isinara niya ang pinto nang tuluyang mawala sa paningin niya ang babae. Ibinagsak niya ang katawan sa kama saka itinakip ang magkabilang braso sa kanyang mukha. She's exhausted and there's no other way to rest, but to escape.
MALALIM na ang gabi nang mapagpasyahan ni Xyrelle na umalis sa bahay ng kanyang Tita Della. Hindi siya makatulog dahil paulit-ulit na nakikita niya ang pagpatay sa lalaki sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata. Hindi na niya nagawa pang magpaalam sa babae dahil ayaw niya na itong gisingin at abalahin pa sa pagtulog, tiyak din namang hindi siya nito papayagang umalis dahil dis oras na ng gabi. Gusto niya nang makaalis agad sa lugar, hindi niya na susundin ang sinabi nitong sa kapatid siya nito tutuloy. Bahala na ang hangin kung saan siya dadalhin. It feels like she's walking blindly just to run from the nightmare that's hunting her. Dumiretso siya sariling apartment kahit na aligaga pa rin upang mag-impake ng kahit na anong gamit na pwede niyang madala sa kanyang pag-alis. Kinuha niya na rin ang alkansyang pinag-iipunan niya sa loob ng limang taon, sapat na siguro iyon para makapagsimula siya ng bagong buhay sa ibang lugar. Nang matapos ay sandali niyang inihiga ang pagal at hapong katawan sa kama.
"Why is this happening to me? Why me?" umiiyak na tanong niya habang nakatingin sa taas. Hindi niya lubos maisip kung bakit siya pa ang dapat makakita ng karumal-dumal na pagpatay sa lalaking 'yun, bakit hindi na lang ang ibang tao, 'yung mas malakas sa kanya? Iyong kagaya n'ung lalaking nagligtas sa kanya. Napatigil ang dalaga sa pag-iisip nang tila maramdaman niya ulit ang kuryenteng hatid ng pagdampi ng daliri niya sa balat nito. He's not here, but the mere thought of him makes her body hot and electrified. She immediately shakes her head, bakit ba siya nakakaramdam ng ganoon sa gitna ng kinakaharap niya ngayon? Hindi tama at mas lalong hindi dapat dahil sa sitwasyon niya ngayon. Pwede siyang mamatay kahit na anong oras kaya bakit niya pa uunahin ang harot?
"Wala ka pa kayang nagiging boyfriend Xyrelle kaya dapat maexperience mo 'yun bago ka mahanap ng mga goons at magbabye sa Earth," sambit niya sa sarili habang pilit na inaalala ang itsura ng lalaking hindi niya naman nakita. Hindi man niya tuluyang naaninag ang mukha nito ay tandang-tanda naman niya ang tattoo nito sa kaliwang balikat.
"Huy Xyrelle, magtigil ka nga! Ano 'yun harot now, tegi later?" saway niya na pilit pinipigil ang sariling makaramdam ng matinding atraksyon para sa lalaking hindi niya kilala. Mahina niyang tinapik-tapik ang kanyang magkabilang pisngi upang matauhan sa pagkausap sa sarili saka matamlay na bumangon sa kama. Magpapabook na lang siya ng flight online upang hindi na madagdagan pa ang isipin niya. Kukunin niya iyong flight na pinakamaagang aalis papunta sa kahit na saang panig pa ng Pilipinas, gustong-gusto niya na lang talagang makaalis. Ilang minuto na ang lumipas ngunit sa kasamaang-palad ay wala pa rin siyang nakukuhang ticket. She visited every airline site she knows but to her surprise all the flights are fully booked or reserved.
"Kung minamalas ka nga naman talaga," inis na bulong niya bago tumayo at isukbit sa likod ang iisang backpack na dadalhin niya. Nagsuot siya ng itim na mask, sumbrero at sunglasses kahit na wala pang araw upang maikubli ang mukha niya. Hindi niya alam kung namukhaan ba siya ng dalawang lalaki kanina pero mabuti na iyong nag-iingat. Alam niyang ikapapahamak niya ang gagawin pero wala na siyang ibang maisip na gawin, hindi niya na kayang magpaabot pa ng umaga sa lugar kung saan paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang isang bangungot. She will risk everything, even her life just so she can live. Mabilis siyang lumabas ng tinitirhan saka pumara ng unang taxi na nakita niya.
"Saan po tayo, ma'am?" tanong nito nang tuluyan siyang makapasok.
"Bus station po," tugon niya habang palinga-linga ng tingin sa labas. Hindi siya mapakali, naiisip niyang may nakasunod sa kanya kahit wala naman. Wala na doon ang estranghero para iligtas siya ulit. Why does the thought of him make her calm and safe in an instant? Isipin niya pa lang na nababalot siya ng mainit at malalakas nitong braso ay nakararamdam na siya ng kaligtasan. Ngayong araw ang unang beses na makaramdam siya ng 'buhay' pero isinantabi niya iyon para lumayo at manatiling buhay. Buong durasyon ng biyahe ay nakatingin lang siya sa labas ng bintana.
"Nandito na po tayo," anunsiyo ng taxi driver na nagpabaling ng tingin niya mula sa bintana papunta rito.
"Magkano ho?" tanong niya sa matandang lalaki habang kumukuha ng pambayad mula sa kanyang pitaka.
"120 lang ho," tugon nito na tinitignan siya gamit ang rearview mirror, inabutan niya ito ng dalawang daang papel.
"Salamat po," wika niya bago ito ngitian ng tipid at hindi na kunin pa ang sukli. Agad siyang bumaba ng sasakyan at patakbong naglakad papunta sa ticket booth.
"Miss, meron po bang bus na paalis ngayon?" humahangos na tanong niya sa kahera.
"Check ko lang ho, ma'am," tugon nito bago pumindot sa computer na kaharap. "Meron po, special trip papuntang Sorsogon."
"Sige po kukunin ko," sambit niya bago nito iabot ang ticket na agad niyang tinanggap at binayaran. Naglakad siya patungo sa bus kung saan siya sasakay, puno na iyon at dalawang upuan na lang sa likod ang wala pang nakaupo. Mabilis siyang lumapit doon saka umupo malapit sa bintana, ganito talaga siya kapag bumibiyahe, gusto niya laging nasa tabi ng bintana para mas mapagmasdan niya ang dinaraanan. Kinuha niya ang earphones sa kanyang bag saka isinalampak iyon sa magkabilang tenga bago ipikit ang mga mata. Music calms her and she hopes that it will help her nightmares go away.