Visible
Chapter 17
“Hays…nasaan na kaya si Leader?” si Jimin habang nakaupo sila sa loob ng Practice room nila.
“Okay lang kaya sila?” si Suga na naka-cross arms habang nakaupo din.
“Oo nga noh? Umiyak pa naman si Snow kanina…bakit kaya sya umiyak?” si Rapmonster.
“Baka naman…” si J-hope saka lumingon sa mga kasama. “…dahil sa sobrang saya nya dahil sa surprise ni leader para sa kanya! TAMA! TEARS OF JOY!”
Binatukan naman sya ni Rapmonster. “Gago, mukha bang masaya si Snow kanina?”
Nahimas naman ni J-hope ang ulo nya. “Eh kahit sino naman sigurong babae mapapaiyak sa tuwa sa ginawa ni leader!”
“Yun na nga eh” si V. “Hindi normal na babae si Snow. Hindi nga yun marunong tumili eh”
“Hayaan nyo na” si Jin. “Baka nagkaayos na sila ngayon”
“Hoy J-hope! Kinukunan mo ba ‘to?!” si Rapmonster.
“Hindi ah!” ang deny nya saka pasimpleng itinago ang videocam. “Bakit ko naman kukunan ang mga worried faces nyo?! Para namang makakakuha yan ng ilang milyong views sa youtube! Kaya hindi ko talaga kayo kukunan sa mga ganyang itsura! Hindi talaga!”
“J-hope…” si Jimin saka hinawakan sa balikat si J-hope.
Nanginginig namang napalingon sa kanya si J-hope. “A-ano yun…?”
Pero ngumiti lang si Jimin. “Nakunan mo ba ng mabuti ang muscles ko ha? Dapat makunan ito ha at magmukha akong sexy. Teka, dapat bang maghubad ako para mas makita ang abs ko? Tama! Naka-worried face ako pero nakikita parin ang abs ko! Ilang fans na naman kaya ang makukulekta ko sa video na yun?”
Pero lahat sila ay nakatingin lang kay Jimin na para bang nagsabi sya ng nakakadiri.
“O ano? M-may…nasabi ba akong mali?” si Jimin saka napaupo na ng maayos.
“Jimin…” si Suga. “Ngayon ko lang na-realize…pero GGSS ka”
“Anong GGSS?” si Jimin.
“GGSS. GWAPONG-GWAPO SA SARILI. IPATINGIN MO NA YAN. MALALA KA NA EH” si Suga.
Para namang na-hurt si Jimin. “Atleast may ABS! MAY ABS! WAHUHUHUHU!”
Saka sya madramang nagtatakbo papasok ng kwarto nya.
“Malala na nga sya” si Rapmonster.
Nagtawanan naman silang lahat.
Pero…
“BOYS…” ang biglang sulpot ng boses na yun. “Naging good boys ba kayo habang wala ako?”
Napatigil naman silang lahat sa pagtawa at nanigas sila sa kinauupuan nila nang marinig ang boses na yun.
Saka sila sabay na napalingon sa pinto ng apartment nila at nakita nila ang naka-glasses na lalaking iyon.
At…
“MANAGER?!” ang sabay nilang sigaw.
SNOW POV:
It’s a big risk.
Nagsusuklay ako ng buhok ko nung umagang iyon habang nakatingin sa salamin na nasa kwarto ko.
But still…I’m willing to take it…
Ibinaba ko ang suklay sa mesa at napatingin sa reflection ko na nasa salamin.
Humahaba na pala ang buhok ko.
Bakit parang feeling ko ay ang daming ng nagbago sa akin matapos ang nangyaring iyon kahapon?
Nahawakan ko ang labi ko…kung saan…dumampi ang labi ni Jeon Jungkook…
Ito pala ang pakiramdam na hinayaan mo ng pumasok sa mundo mo ang isang tao…
Ang saya ko.
Oo, sa kauna-unahang pagkakataon simula ng ipinangako ko sa sarili ko na hindi na magtitiwala pa uli sa ibang tao ay naging masaya ako.
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
Napatingin nalang ako sa phone ko at sinagot yun.
************
Hindi ko alam kung paano napunta ang lahat sa ganitong eksena.
Sinabi ko sa kanya kaninang umaga na hindi ako pupunta.
Pero…
Anong ginagawa ko ngayon at tumatakbo ako papunta sa City Plaza dahil late na ako sa meet up namin?
Oh right, dahil pala yun sa sinabi nya.
“Hihintayin kita sa may fountain sa City Plaza at exactly nine a.m. Maghihintay ako doon” ang sabi nya sa kabilang linya.
“Hindi nga ako pupun---”
“Wag kang mali-late ha! Hihintayin kita..! Bye!” ang sweet nya pang sabi bago nya pinatay ang phone nya.
Pwede naman akong hindi pumunta.
Pero bakit sa tuwing iisipin kong maghihintay sya ay hindi ko mapigilan ang sarili kong maghanap ng susuotin?
At tama, ito ang unang beses na naging conscious ako sa kung ano ba ang dapat na isusuot ko. It took me almost an hour para lang makahanap ng isusuot ko.
Pagdating ko sa fountain ay wala namang tao maliban sa lalaking naka-hood na nakaupo doon.
Nadismaya ako.
Akala ko ba maghihintay---
“Aiissh…bakit late ka sarang? Akala ko hindi mo na ako sisiputin” ang biglang sabi ng lalaking naka-hood.
At pagharap nya…
EEEEEEEEKKK!! Si Jungkook pala ang lalaking naka-hood!
Hindi ko lang sya nakilala dahil nakasuot din sya ng shades.
Namula pa ang mukha ko nang tignan nya ako mula ulo hanggang paa.
“Wow…ang ganda naman ng sarang ko pag naka-bestida ah…” ang sabi nya.
Oo. Ito lang kasi ang nahanap kong magandang damit.
Nabigla pa ako nang hawakan nya ang buhok ko at inipit yun sa tenga ko.
“Ayan, mas maganda kang tignan pag nakikita ang mukha mo…” he said then smiled.
Tama, lagi kasing nakatakip ang mahabang buhok ko sa mukha ko.
Hindi ako makatingin sa kanya.
“B-bakit mo ba ako pinapunta dito ha?” ang tanong ko.
He grin. “Magdi-date tayo!”
Bigla akong namula sa sinabi nya.
“D-date…?” ang sambit ko.
“Oo, idi-date ko ang girlfriend ko.”
Namumula akong napatingin sa kanya.
“A-at s-sino namang nagsabing g-girlfriend mo na ako?!”
Nawala ang ngiti nya.
“Bakit? Hindi pa ba?” at nag-pout sya.
“H-hindi ka pa nga nanliligaw sa akin, g-girlfriend mo na ako?!”
Nagtaka naman sya.
“Pero nag-kiss na tayo kaya girlfriend na kita!”
Parang umusok naman sa init ang mukha ko nang dahil sa sinabi nya.
P-paano nya ba nasasabi ang bagay na yun na parang wala lang?
Oo nga naman…nag-k-kiss na kami.
“Atsaka sa Korea, pag nag-kiss na ang dalawang tao ay ibig sabihin nun ay sila na! Kaya girlfriend na kita” ang masayang dugtong nya pa.
“P-pero wala tayo sa K-korea---”
Pero bigla nyang hinawakan ang kamay ko dahilan para matigil ang kung ano mang sasabihin ko.
“Tara na nga! Kumain nalang tayo!” ang sabi nya saka ako hinila sa kamay.
“P-pero teka---”
“At isa pa pala…” saka sya lumingon sa akin. “First kiss ko yun kaya panagutan mo ako, sarang”
F-first k-kiss nya rin yun?
Pero teka…
Bakit ako pa ang dapat na managot sa kanya?!
Pero hindi na ako nakapagsalita nang makita ko kung gaano kasaya ang mukha nya.
Bakit kaya…ang saya-saya nya ngayon?
At….hindi ko narin mapigilan at napangiti narin ako.
Pero bigla syang napatigil sa paglalakad kaya nagtataka naman akong napalingon sa kanya.
May tinitignan sya kaya tinignan ko narin ang tinitignan nya.
Nakita kong isang malaking TV yun na nasa gitna ng Park na yun.
At…si Jungkook ang nasa balita.
BREAKING NEWS: Jeon Jungkook of BTS is dating one of his schoolmates which confirms that they already broke up with Cass of Pinky.
Yun ang nakasulat sa screen ng TV. At nagsasalita ang reporter pero hindi namin marinig dahil hindi naman nila pinapalakas ang audio ng tv na nanduon.
Pero teka…sinong Cass?
At broke up…?
Ibig bang sabihin nun….
Naging girlfriend nya ang Cass na yun?
Pero lumingon sya sa akin at nakangiting nagsalita. “Ays, malalagot na naman ako sa manager ko”
Hindi ako makapagsalita.
Gusto ko sanang itanong kung sino si Cass pero baka masaktan lang ako sa isasagot nya.
Tama.
Mas mabuting manahimik nalang kesa sa masaktan.
“Sarang…” ang tawag naman nya sa akin.
Kaya napalingon ako.
“Kahit anong mangyari…trust me, okay?” ang sabi nya.
Ano bang…ibig sabihin nya doon?
Hindi ako makasagot.
Tama. Matagal na panahon na akong tumigil na magtiwala sa mga tao.
Pero bakit ngayon?
Nang dahil lang sa sinabi nyang magtiwala ako sa kanya ay parang…gusto ko naring magtiwala sa kanya?
“I know you don’t trust people” ang dugtong nya pa then smiled. “Pero unti-untihin natin…I’ll take your trust step by step because I don’t wanna lose you…”
Napatulala ako sa gwapo nyang mukha.
Oo, si Jeon Jungkook.
Ang leader ng BTS.
Ay nagsabing ayaw nya akong mawala sa kanya…
Nagbaba nalang ako ng tingin.
Itoang first time na…
“Okay…” ang sabi ko.
…ginusto kong subukang magtiwala uli.
to be continued...