Chapter 18

969 Words
Visible Chapter 18 Ang saya ko. Sobrang saya ko. Dahil ngayon…pumayag na si Snow na pumasok ako sa mundo nya… Pumayag na syang maging akin… Pumayag na syang mahalin ko sya… Pumayag na syang magtiwala sa akin… At akala ko ay wala ng katapusan ang sayang nararamdaman ko… Pero… “What is this Jeon Jungkook? Kalat na kalat all over the internet na may dini-date kang estudyante sa school ninyo? At sa laki ng issue na ‘to ay kinailangan ko pang personally na magpunta dito para i-confirm yun sa’yo. Totoo ba yun?” he asked. Oo. Nakatayo ako ngayon sa harapan ng manager namin na hindi ko inaasahang daratnan ko sa apartment namin nung gabing iyon. Habang nakasilip naman ang mga ka-myembro ko sa loob ng mga kwarto nila at nanunuod sa paghaharap namin. Pareho lang kami ng nararamdaman pagdating sa lalaking ito. TAKOT. Oo, takot kami sa manager namin. Because he’s a control freak. Mr. Han Doo Juk, yan ang pangalan nya. Pero, this time, hindi ako aatras sa kanya. Ngayon pang sa kauna-unahang beses sa buhay ko ay naging masaya ako sa isang bagay. “Yes manager” I said in a firm voice. “I’m dating a student from my own school” And instantly, alam ko nang ganun ang magiging reaksyon nya. “THAT IS BULL---“ pero hindi nya ipinagpatuloy yun at naupo nalang sa sofa. “Jeon Jungkook…alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?!” “Yes” I said. “I’ve never been so sure in my whole entire life” Napahawak sya sa noo nya. “Nang dahil sa chismis na yan kaya nasisira ka! Maraming fans ang nag-react at ngayon ay alam mo ba kung ilan na ang naga-bash sa grupo nyo nang dahil lang sa ginawa mong yan?! Pag hindi mo itinigil itong kabaliwan na ito ay bababa ang popularity rating nyo!” “Yes I know that Mr. Han” ang sabi ko. “But what should I do? Mahal ko ang girlfriend ko…” “Naks! Lume-level up na ang cheeziness ni Leader!” ang narinig ko pang bulong ni J-hope. Agad naman silang nilingon ni Mr. Han at instantly, sabay-sabay silang nagsara ng mga kwarto nila. Saka naman sya lumingon uli sa akin. He sigh. “You know what to do Mr. Jeon. Break up with her. That’s the easiest way to solve this and then magpapa-press tayo confirming na wala ka pang idini-date---” “You know I can’t do that” I said. “THAT IS BULLSHIT MR. JEON! YOUNG MAN, LISTEN TO ME---“ “No, I’ll never listen to you again.” Ang sagot ko dahilan para matigilan sya. “Simula nang sumikat kami ay lagi mo nalang kami kinokontrol. Pati ang paraan ng paghinga namin ay pinapakialaman mo. Pero ngayon, hindi ko hahayaan na pati ang personal kong buhay ay pakikialaman mo narin. I love her and I won’t stop dating her just because you told me so or the fans hated the idea. Buhay ko ‘to and I’m not a manequin who will let you dress me up for who the people wanted me to be. And don’t make me choose between my career and my girlfriend because you’ll not gonna like who I’m gonna choose” Sa dami ng sinabi ko ay nanatili lang syang nakatingin sa akin. Oo, na-shock sya sa ginawa ko. Dahil ito ang unang beses na sinagot ko sya. Ito ang unang beses na may kumalaban sa kanya sa grupo namin. At hindi ko maintindihan pero… Ang gaan pala sa pakiramdam na masabi mo na ang lahat ng gusto mong sabihin… “You’ll gonna end your career just for that girl…?” ang hindi nya makapaniwalang sambit. “Yes. If that’s the only way I could be with her, I won’t think twice in doing it” ang sabi ko. Oo. Kaya kong i-give up ang lahat ng ito para kay Snow. Hindi ko alam. Pero sa ngayon…wala ng mas importante pa sa akin kundi ang makasama sya. At kung kailangang bitiwan ko ang career na ‘to para sa kanya ay gagawin ko yun. Dahil ito ang unang beses… Oo, ito ang unang beses na may isang bagay akong hindi kakayaning mawala sa buhay ko. At yun ay ang babaing mahal ko... Matagal na panahon lang kaming nagtitigan. Waring binabasa nya ang iniisip ko. But then later on…ay huminga din sya ng malalim. “Very well…” he said. “…kung yan ang gusto mo, continue dating her” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nyang iyon. Hindi ko kasi ini-expect na yun ang isasagot nya. Ready na sana akong mapatalsik sa grupong ito. “But!” he said. “I would like to meet her as soon as possible. Gusto ko lang makilala ang babaing dahilan para masagot-sagot mo ako sa kauna-unahang pagkakataon…” Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sobrang saya. Ngumiti din si Mr. Han. At nabigla pa kami nang magsilabasan ang mga ka-myembro ko sa loob ng mga kwarto nila at isa-isang tumapik sa braso ko. “YEHEY!! MAY GIRLFRIEND NA SI LEADER!! HEP! HEP! HOORAY!” ang sigaw nila. Mga baliw. “At sinong nagsabing pwede na kayong magsaya?” ang putol naman ni Mr. Han sa kasiyahan. “Starting tomorrow…magpa-practice kayo ng bagong MV natin. Arasso?!” Para naman kami nabuhusan ng malamig na tubig na napahalumbaba. “Neh…” ang sabay pa naming sagot. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD