Chapter 4

1621 Words
Visible Chapter 4 After that ay hindi na natahimik ang mundo ko. Dahil ngayon sa first subject namin ay pinalibutan na ako ng mga classmates ko habang tahimik akong nagbabasa ng musical sheets sa desk ko. “KYYYYAAAAHHHH!! PAANO KAYO NAGKAKILALA NI JUNGKOOK?!” “Wait, nag-date na ba kayo?!” “I-share mo naman sa amin?!” “At para sayo daw ang kanta nila kanina!!! Diba nakakakilig yun?!” That’s it. Agad akong tumayo. Natahimik naman silang lahat at tahimik na napatingin sa akin. Tinignan ko sila ng masama saka ko kinuha ang violin na nasa tabi ko at naglakad palabas. Mas gusto kong mapag-isa kesa sa pumasok nga sa klase pero ‘KYYYYAAAAAAHHHH!’ lang ang maririnig ko. Pero bago ako makalabas ay narinig ko pa ang sinabi nila. “Hmp, ang yabang” “Oo nga, kilala lang sya ni Jungkook akala mo na kung sino makaasta” “Yeah, right. Hindi naman sya maganda” “If I know, tahimik lang sya but deep inside, flirt din” Ito ang rason kaya ayokong nakikihalubilo sa iba. Napakadali lang para sa isang tao ang magsalita ng masasama pag nakatalikod ka. Pero okay lang. Hindi ko naman sila kilala para makinig pa sa kanila. Aalis na sana ako nang may biglang dumating. “Eh ano naman ngayon kung sya ang dini-date ni Jungkook?” ang biglang sulpot ng boses na yun. Napalingon ako. Si Angel. Dumating sya at ngayon ay naka-cross arms sya habang nakatingin sa mga classmates ko. “Kung iko-compare sa pugmumukha ninyo, mas maganda naman talaga si Snow. Sa susunod na sasabihin nyong hindi maganda si Snow, tumingin muna kayo sa salamin para hindi masyadong nakakahiya” she lectured. At mukhang napahiya naman ang mga nagba-backfight sa akin. Samantalang napatingin lang ako sa kanya. She smiled at me and gave me a wink. Pero hindi na ako nagsalita at tumalikod na ako at lumabas ng classroom. I even saw her eyes saddened when I turned my back on her. Salamat. Gusto ko sanang sabihin yun sa kanya pero hindi ko lang alam kung paano sasabihin. Never ko kasing nasabi yun sa buong buhay ko. At isa pa ay yun ang first time na may nagtanggol sa akin. *sigh* At ngayong nasa hallway na ako ay napapatingin sa akin ang lahat ng nakakasalubong ko. Saka sila magbubulungan at halatang ako ang pinag-uusapan. I hate this. Paano ko ba ibabalik ang pagiging invisible ko? Tama. Pupunta nalang ako sa paborito kong lugar. Sa likod ng school building kung saan matatahimik ako at walang makikialam sa akin. Naglakad ako papunta doon pero nang makarating ako… Agad din akong napatalikod. Bakit? Yung leader ng BTS. Yung lalaking nilibre ko ng lugaw. At ang lalaking dahilan kung ba’t pinag-uusapan ako ngayon sa buong school ay nanduon at nakaupo sa bench na kinauupuan ko kaninang umaga. At halatang may hinihintay sya. Pero… “SNOW!” Hindi pa man ako nakakaalis ay narinig kong tinawag nya ako. Pero mas binilisan ko ang paglalakad ko. “SNOW!” Hindi ako lumingon. But then… *grabs* Yes. He grab my arm. At nang maramdaman ko ang kamay nya sa braso ko ay hindi ko alam…kung bakit parang…nakaramdam ako ng kuryente. Ito kasi ang unang beses na hinawakan ako ng isang lalaki. “Snow…” he mumbled my name saka sya ngumiti. “I know you’ll be back---” “Let me go” I hissed. Mukhang nabigla din sya sa reaksyon ko. Yes. I’m mad. At alam kong kitang-kita nya yun. “I’m sorry” he said saka nya binitiwan ang braso ko. Tumalikod nalang ako pero hindi pa man ako nakakahakbang ay nagsalita sya uli. “Narinig ko sa mga classmates mo na hindi ka daw mahilig makipag-kaibigan…” he said. Natigilan ako pero hindi ako lumingon. Teka…ini-stalk nya ba ako? “Na hindi ka daw nakikisalamuha at nakikipag-usap kahit kanino” Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy sya. “Ang tawag nga nila sayo ay Invisible Snow eh kasi parang hindi ka nag-i-exist. May sarili kang mundo at ang gusto mo ay maging invisible lang sa lahat ng tao…” Napakuyom ako ng kamay. Walang kwenta kung makikinig lang ako sa kanya kaya humakbang ako paalis. Pero… “But it’s too late now…” he said. Napatigil naman ako sa paghakbang at nilingon sya. Anong--- “Because now, I’ve seen you….” He continued then started to walk towards me. “…and I’m not planning to let you be invisible again” ****** “But it’s too late now…because now, I’ve seen you and I’m not planning to let you be invisible again” he said that in a serious face. Napaatras naman ako. Bakit…tumitibok ng mabilis ang puso ko? At anong…anong ibig sabihin nya doon? He held his hand and smiled at me. “Let me formally introduce myself. My name is Jungkook Jeon. Seventeen years old and now currently in second year in college. Ikaw Snow? Who are you?” Napayuko ako. Tama…sino ba ako? At isa pa, ito ang unang beses na may nagtanong kung sino ba ako… Na may nainteresadong pakialaman ang mundong ginagalawan ko… Kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ang alam ko lang ay Snow Sanchez ang pangalan ko. Mahilig tumutugtog ng violin. At nasa second year college din. Divorced ang parents ko…at nag-asawa uli ang Papa ko… Maliban doon… Ano pa bang… I smirk. “Tapos ka na ba?” ang tanong ko sa nandidilim na mukha. Sya naman ngayon ang natigilan sa emosyon na nasa mukha ko. “Mr. Jeon…” ang sabi ko sa nandidilim na mukha. “…hindi ako interesado kung sino ka man o kung saan ka nanggaling. Kaya simula ngayon wag mo na akong kakausapin pa. Masaya na akong maging mag-isa” Natigilan sya sa sinabi ko pero ngumiti din. “Grabe. Halos lahat ng babae sa buong mundo ay naghahabol sa akin. Pero heto ka ngayon at itinutulak ako palayo?” I gritted my teeth. At galit na nagtaas ng mukha. “Ano bang gusto mo ha?!” ang singhal ko. Tama. Para matapos na ‘to ay itatanong ko nalang yun sa kanya. Afterall, pare-pareho lang ang mga tao. Lalapitan ka lang nila kung may kailangan sila sa’yo. At pag nakuha na nila ang gusto nila ay itatapon ka nalang na parang basura. “Your number” he said. Hindi ko ini-expect yun kaya napatingin ako sa kanya. Huh? Ano? He smiled. “Pahingi ng number mo. Yun lang ang gusto ko” For a moment ay nakatitig lang ako sa kanya. Teka… Hinihingi nya ang number ko? He pout. “Oh? Kahit ba naman number mo ipagdadamot mo sa akin?” Para naman akong natauhan na napayuko. Baliw ba ang lalaking ‘to? Hindi ba talaga sya nakakaintindi na ayoko syang maging kaibigan? “W-wala akong cellphone…” ang sambit ko. Oo. Totoo yun. Wala naman akong kaibigan na iti-txt. At isa pa, hindi ako ganun kayaman. Mukhang nabigla naman sya sa sinabi ko at bigla syang sumambulat ng tawa. “HAHAHAHAHAHA! TEKA, SERYOSO?! WALA KANG CELLPHONE?! IKAW LANG SIGURO ANG KAISA-ISANG TAONG NAKILALA KONG WALANG CELLPHONE! TEKA, KAILAN KA BA IPINANGANAK HA?! WAHAHAHAHAHA!” “So tinatawanan mo ako ngayon?” “Wait, wait! Teka lang---HAHAHAHAHAHA! HINDI AKO MAKA-MOVE ON! GRABE! WAHAHAHAHA!” Ano bang nakakatawa doon? Seryoso na ‘to. Baka nga may sakit sa utak ang lalaking ito. “Kung tatawanan mo lang ako, aalis na ako” yun lang saka ako tumalikod. Mahirap na. Baka nga takas sa mental ang lalaking ito. Pero naramdaman kong hinila na naman nya ang braso ko. “Wait lang!” Napalingon naman ako at ngayon ay halatang pinipigil nya ang sarili nya sa pagtawa. “What?” ang tanong ko. “I think…” he smiled. “…you’re the type of a girl I’d like to be my girlfriend.” Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nya. At hindi ko alam kung bakit…pakiramdam ko ay nag-iinit ang pisngi ko… Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Bakit… Bakit… He smiled. “Alam kong masyadong mabilis pero sa tingin ko gusto na kita” Hindi ako makapagsalita. Teka…did he just…confess to me?! Itong…sikat na lalaking ito..?! Nag-confess sya sa akin?! Hindi ako maka-react dahil ito ang first time na may nagsabi nun sa akin. Na gusto ako ng isang tao. Na may nainteresado sa akin… And right now, all I could see is this guy who’s trying to open the four corners of my invisible life that has been locked up a long time ago… “M-manyak!!!” ang sigaw ko saka ko sya sinipa sa binti. “Ouch!” ang sigaw naman nya. Nang mabitawan nya ako ay agad na akong kumaripas ng takbo. Oo. Dahil hindi ko alam ang ire-react ko ay yun na lang ang nasabi ko. Kahit na wala namang connect ang pagiging manyak sa confession nya. -____- I heard he laugh then yelled habang tumatakbo ako. “Snow! I’ll see you again! THIS WILL NOT BE THE LAST TIME I’LL SEE YOU!” Pero hindi na ako lumingon. And right now… All I could feel is the burning sensation on my cheeks. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD