Chapter 3

1460 Words
Visible Chapter 3 JUNGKOOK'S POV: Grabe. Na-amused talaga ako sa babaing yun. I’ve been into different countries, different places…but I’ve never seen anyone like her. Ako si Jungkook Joen. Ang leader ng BTS na halos hindi na nakakahinga dahil sa dami ng camera at mga matang nakapalibot sa akin. But for the first time in history, naranasan kong tratuhin akong normal. Naranasan kong ma-trato na para bang hindi ako sikat. And what’s her name again? Snow? Right, Snow. Her name is as cold as her attitude. Hindi ko mapigilang mapangiti. Oh God, what’s happening to me? “Wow! Ang gwapo natin pag nakangiti ah! Anong meron?” ang usisa sa akin ni Rapmonster. Doon ko lang na-realize na sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nakabalik na pala ako sa office. Agad kong ibinalik ang serious face ko. “Nandito na ba si Taehyung?” ang tanong ko. “Here” ang taas naman nya ng kamay habang nakahiga sa sofa. My brows met. “Where have you been?” Pero si J-hope ang sumagot. “Hinanap nya sa school ang first love nya!” First love? Psh. Ang baduy. Binato naman sya ni Taehyung ng throw pillow. “Shut up J-hope!” “Bleeeeehhhh!!!!” ang pang-aaway naman ni J-hope. Seryoso? Sikat ba talaga ang mga taong ito? -____- Pero hindi na ako nag-comment uli. “Good that we are complete” ang sabi ko. “Changed plans. Hindi natin kakantahin ngayon ang Bulletproof” Lahat sila ay napakunot ng noo. “Pero bakit?” si Jimin. “I’m thinking of changing it” I smiled. Nagkatinginan sila. “Wait lang leader ha. Anong nalanghap mo at mukhang nasa good mood ka ngayon?” si Suga. Alam kong nagmumukha na akong tanga sa harapan ng mga members ko pero hindi ko talaga kayang pigilan ang ngiti ko nang maalala ko ang encounter ko kanina sa isang weird na babae. “Dahil may kakantahan lang ako nun” ang announcement ko na nagpanganga sa kanilang lahat. Opening Program... SNOW POV: Malakas ang tilian ng mga estudyante. At ang no. 1 na pinakaayaw kong lugar sa mundo ay ang mga maiingay na lugar na katulad ng ganito. Pero wala akong magagawa. Required na umattend sa program na 'to. Mas lalong lumakas ang tilian nang biglang bumukas ang backstage and I saw seven guys danced in front of the stage. Saka sila nagsimulang kumanta. Girl, where did you come from? What a mystery, where are you going? How old are you? Are you older than me? You’re not? Then I’m your oppa! Kung ang mga schoolmates ko ay parang mababaliw na sa kakatili ay nanatili lang akong nakatayo doon na parang walang nangyayari. (Awesome) Your face is so small and pretty You look fresh like a salad, so smooth Did you eat? I’m not just hitting on you Wanna get a cup of coffee? Is coffee okay? Nasasayang lang ang oras ko dito. Mas gusto ko pang tumugtog nalang ng violin. Pretty eyes, pretty nose, you’re so pretty Just looking at you makes me happy But where did you come from? You’re so pretty Cupid’s arrow pierced my heart... Pero hindi ko inaasahan ang sumunod kong makikita. Anyway, you’re such a fair lady Any guy can fall for you after looking at you I need to approach you before someone else steals yo I will bite down on you first Unti-unti nang nailawan ang mukha ng mga lalaking nasa stage at natigilan ako nang makilala ang gwapong lalaking nangunguna sa kanila. Where did you come from? Will you tell me your name? I’m so curious I’m really so curious Nalagyan lang ng eyeliner sa mata na nagpadagdag sa kagwapuhan nya. Where did you come from? Will you tell me your name? I’m so curious I’m really so curious Ang lalaking pinakain ko kanina ng lugaw…wag nilang sabihin na… “SNOW!! YAN SI JUNGKOOK! YANG NASA HARAPAN AT ANG LEADER NILA! ANG GWAPO NOH?!” ang biglang sulpot ni Angel sa tabi ko. O kanino pa ba sya nandito pero hindi ko lang napansin? Bigla akong nanlamig sa kinatatayuan ko. Kaya pala nagtataka sya kung ba’t hindi ko sya kilala…dahil ang lalaking kausap ko lang pala kanina at pinakain ko ng mumurahing lugaw ay walang iba kundi ang band leader ng BTS na si Jungkook?! “And by the way…kung gusto mo akong makilala, attend to the opening program later” Ngayon ko lang naintindihan ang sinabi nyang iyon. Nanatili lang akong naninigas sa kinatatayuan ko at hindi parin alam kung ano ang sasabihin. Nagpatuloy lang sya sa pagkanta at habang naririnig ko ang boses nya ay mas lalong kumakalabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko rin alam kung bakit. Pakiramdam ko mamamatay ako sa sobrang kaba. Hanggang sa natapos na ang kanta nila. “Thank you!!!” ang masaya nilang pasasalamat saka sila sinaluhan ng emcee ng program. “Wow! That was great Bangtan boys!” ang wika ng lalaking host saka nya nilingon si Jungkook at itinapat ang microphone. “So I heard na nakapaglibot ka na daw dito sa Pilipinas which makes you more fluent in talking in tagalog. So tell me, what can you say about this country?” Ngumiti sya at narinig ko uli ang magandang boses nya. “This country is so great And I really love my Filipino fans” Tilian ang sumunod. “We heard na sa paglilibot sa bansa namin ay may nakilala kang Pinay na kinainteresaduhan mo daw. So can you share us the story about this?” ang tanong uli ng host. He smiled and I almost wanna kill him. God, paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? “Sa totoo lang ay kanina ko lang nakilala ang babaing ito and I got interested to her. Hindi sya masyadong friendly but I like the way she treated me” Isang tilian ang sumunod na para bang kinikilig ang audience. Wait…bakit parang…parang ako ang… I shook my head. Hindi. Baka may iba pa syang nakilala. “I heard na last minute ay pinalitan nyo ang kakantahin nyo para sa program na’to” ang sabi naman ng host. “…so…am I right to assume na ang kinanta nyong Where did you come from is actually dedicated to this girl?” He smiled. Bakit ba sya laging ngumingiti? “Yes” he said. Tilian naman ang sumunod. Pero hindi ako kinilig. Naiinis ako. Bakit kailangan nya pang sabihin yun sa harapan ng maraming tao? Pero wait, malay mo diba at hindi lang ako ang babaing nakilala nya kanina? Malay nyo diba at iba ang tinutukoy nya? “Wow…ang swerte naman ng girl na yun! Pwede ba naming malaman kung ano ang pangalan nya?” ang tanong ng host. He took the microphone from the host at ibinigay naman yun ng host. I couldn’t breathe. Wait, bakit bumibilis ang t***k ng puso ko? Nakita kong pinalibot nya ang paningin nya na parang may hinahanap sya sa audience. At pinagsisihan ko kaagad na sa harapan ako naupo dahil… Bigla nalang nagtama ang mga mata namin. Parang tumigil ang lahat nang bigla syang lumingon sa direksyon ko. Wait…sa akin ba sya nakatingin? For a moment at nakatitig lang sya sa direksyon ko. Then he smiled. “Snow…” he called my name. I almost choked. At ang mga taong nakakakilala sa akin ay napatingin narin sa akin. And while not taking his eyes off me, he continued. “My name is Jungkook Jeon. The leader of BTS. Now you know who I’am. Nice to meet you” The crowds get wild. Pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Naririnig kong tumitili ang mga taong nasa paligid ko. At alam kong nakatingin sila sa akin. Pero ayoko ng ganito. Ayokong nakikita nila ako. Ayokong nakatingin sila sa akin. Nagtaas ako ng mukha and came face to face with that handsome guy. “And by the way, may isa pa akong na-discover sa araw na ‘to” he announced. “Masarap pala ang lugaw” And then naiinis ako. Nang dahil sa kanya…kung bakit nakikita ako ng mga taong nandito. Pinaghalo ang kaba at inis sa dibdib ko ay agad na akong tumalikod at umalis sa lugar na yun. “Snow!” ang tawag ni Angel sa akin. Pero hindi na ako lumingon at nagsimula akong tumakbo paalis. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD