Visible
Chapter 5
JUNGKOOK'S POV:
“MANYAK?!” si Rapmonster. “TINAWAG KA NYANG MANYAK?! WAHAHAHAHAHAHA!!!”
At doon sumunod ang tawanan nilang lahat.
Ngayong gabi, ay nasa apartment na namin kami at magkakaharap sa sala.
“WAHAHAHAHAHA!! ANG FIRST LOVE CONFESSION NI LEADER!! SABOG!” si Suga.
“TEKA, SINO BA ANG BABAING YUN?! HANEP! BINASTED KA KAAGAD?!” si Jimin.
“WAHAHAHAHAHA! SI LEADER! BINASTED!!! WAHAHAHA!!” si J-hope.
Oo, mabuti silang kaibigan. Nasabihan na nga ako ng manyak sa first love confession ko, tinatawanan pa nila ako. See? Napakabuti talaga nila.
Pero nang maalala ko ang nangyari kanina ay hindi ko din napigilan at napangiti din ako.
“That’s what I’m talking about. Sya lang ang kaisa-isa at kauna-unahang babaing tumatrato sa akin ng ganito” ang sabi ko.
“AND YOU EVEN CHANGED OUR SONG FOR THE OPENING PROGRAM JUST FOR HER AND STILL, SHE CALLED YOU WHAT?! MANYAK?!” si Rapmonster.
Tawanan uli.
Napangiti narin ako.
Oh God. Diba dapat napipikon ako kasi sa kauna-unahang pagkakataon ay natawag akong MANYAK? Pero bakit para akong gagong nakangiti ngayon?
Oh right, I’m just so amused with that cold girl.
“Gutom na ako” ang sulpot naman ni Jin mula sa kusina. “May pagkain ba?”
Nilingon ko naman sya. “Mamaya pa darating ang inorder naming pizza”
“Okay. Gisingin nyo ako pag dumating na” yun lang saka sya nahiga sa sofa.
Lazy bastard.
“Teka, nasaan na naman si V?” ang tanong ko.
“Oo nga, nawawala na naman sya” si Jimin.
“Ah, I think, nagkukulong sya sa kwarto nya ngayon” si J-hope. “Dissapointed ata kasi hindi nya mahanap yung first love nya”
First love?
“Sheesh. Masyadong madrama. First love? Hindi na uso yun ngayon” si Suga.
“Suga, wag kang bitter” si J-hope.
Bigla naman syang kinwelyuhan ni Suga. “At sinong nagsabing bitter ako?!”
“Ah diba nakipag-break sayo yung girlfriend mo?”si J-hope.
“Hindi sya nakipagbreak! Humingi lang sya ng space!” si Suga.
“Eh ano pa bang pinagkaiba nun sa break?” si Jimin. “Tsk, tsk, tsk. Wala ka talagang alam sa girls. Pag sinabi nilang gusto nila ng space, ibig sabihin nakikipag-break na yun”
Napakamot naman ng ulo si Suga. “Ganun ba yun?”
Agad ko naman silang inawat.
“Tama na nga yan. Sya, kakausapin ko muna. Baka biglang magpakamatay yun ng hindi natin nalalaman” ang sabi ko saka tumayo.
“Oo nga” si Jimin. “Pansin kong kanina pa sya wala sa mood”
I sigh. Oo, as the group leader, kailangan ko din kumustahin ang mga ka-myembro ko.
Umakyat nalang ako sa hagdan at nagpunta sa kwarto ni V.
Tama, malaki kasi ang apartment na ‘to at may kanya-kanya kaming kwarto.
Kumatok ako.
“Taehyung? Are you in there?” ang tanong ko.
Shit. Para akong nanay na kumakatok sa kwarto ng anak nya.
Pero sa lahat ng ka-myembro ko ay si Taehyung aka V ang pinaka-close ko. We even grew up together.
Hindi sya sumagot.
Bad sign.
Wala talaga sya sa mood.
“Papasok ako” ang paalam ko sa kanya.
Saka ko pinihit ang doorknob at binuksan yun.
At nadatnan ko syang nakaupo sa kama nya habang nakatingin sa isang…necklace?
“What are you doing? Everybody’s worrying about you” ang sabi ko saka nag-cross arms at sumandig sa may pinto.
“J-just…leave me alone” he said habang nakatitig parin sa hawak nya.
I sigh. “Look, you can tell me everything. Maybe not only as your group leader but also your friend”
Hindi sya sumagot.
At matagal na panahon kami sa ganitong eksena.
And then…he took a deep breath.
Saka sya napahiga sa kama nya habang nakatitig parin sa necklace na hawak nya.
At doon ko lang nakita na half moon ang pendant nun.
“Her name is Angel. It may not be her true name pero yun lang ang alam kong pangalan nya…” he started. “I met her here in the Philippines when we we’re still kids and it’s true but instantly, I fell in love with her. So we made a promise na pagbalik ko ng Pilipinas ay papayag syang maging girlfriend ko at magpapakasal kami sa tamang panahon….”
Sa totoo lang kahit kaibigan ko sya ay hindi ko mapigilang ma-kornihan sa kwento nya. Parang napaka-cliché na ng eksenang ito at gamit na gamit na sa mga telenobela. -___-
Pero…nang tignan ko ang ekspresyon sa mukha nya…
There is pain.
And longing for his first love.
I sigh. “So, where is she?”
“I don’t know…all I ever known about her is sa International School for Music and Arts din sya pumasok. I even don’t know her face. Kung ano na ba ang itsura nya ngayon…at kung naalala pa ba nya ako…”
Let me guess. May kahati ang pendant na nasa necklace nya at ibinigay nya yun sa first love nya.
“…at ang palatandaan ko lang sa kanya ay ibinigay ko sa kanya ang kahati ng pendant na ito” he continued.
See?
Gamit na gamit na ‘to sa mga telenobela eh. Ang drama.
I sigh. “Well…malay mo diba at hinahanap ka din nya?”
“I don’t know…but I hope so…” he sadly said. “But I promise na once na mahanap ko na sya. I will never let her go…”
I smiled. “Tara na nga, baka dumating na yung pizza at maubusan pa tayo. Alam mong mga patay-gutom ang mga kasama natin”
Ngumiti narin sya at tumayo sa kama. Saka nya isinuot uli ang necklace.
“Thanks, man” ang sabi nya saka nya ako tinapik sa balikat. “Thank you for listening”
Saka kami lumabas ng kwarto nya.
“It’s nothing. May problema din ako sa babae kaya naiintindihan kita” ang nakangiti kong sagot.
“Babae?" his brows met. “Bago yan ah! Congratz pare!”
Sheesh.
Congratz?
Hay…kung alam lang nya na parang walang panama ang pogi points ko doon.
Pero hindi na ako sumagot at nakangiting nilingon nalang sya.
“By the way, ano bang pinapanuod mong mga telenobela nung bata ka pa?”
Next Morning...
SNOW POV:
“Look at her. She’s not that pretty though”
“Oo nga, mas maganda naman ako sa kanya pero bakit sya ang nagustuhan ni Jungkook?”
“So eww lang. Paano ba nagustuhan ni Jungkook yan?”
I sigh.
Yeah. So much attention for the morning.
Nakakaasar.
Paano ba nangyari ang lahat ng ito?
Bakit ako nalang ang tinitignan nilang lahat?
Kahapon lang ay nananahimik pa ako sa inivisible world ko pero ngayon ay nasa akin ang lahat ng atensyon nila.
Oo, kasalanan ‘to lahat ng lalaking yun.
Napatingin ako sa mga hawak ng mga estudyanteng nasa hallway at ngayon ay nakatingin parin sa akin.
Cellphone.
“Your number…”
Wait, bakit bigla ko nalang naalala ang paghingi ng lalaking yun sa number ko?!
At bakit parang…for the first time ay gusto ko naring magka-cellphone?
Dumiretso ako sa lockers area para kunin ang mga books ko.
Pero…
Pagbukas ko palang ng locker ko ay nagsihulugan na ang mga basurang nasa loob nun.
Teka…sino ba ang naglagay ng basura sa locker ko?
Narinig kong tumatawang umalis ang mga babaing nakatambay kanina sa likod ko.
Tama.
Ang mga fans siguro ni Jeon ang gumawa nito.
Oo, Jeon. Tatawagin ko sya sa apelyido nya para maging formal sa kanya. Hindi ako papayag na maging kaibigan sya.
*sigh*
Kinuha ko nalang ang books ko at aalis na sana nang may makapa ako sa loob.
Kinuha ko yun at nakitang…isang box?
Binuksan ko yun at ang tumambad sa paningin ko ay isang touchscreen cellphone na ang pangalan ay…
Iphone 5s.
Huh?
Bakit may cellphone sa locker ko?
May card palang nakaipit doon.
Pinulot ko at binasa ang laman.
Hi, call me if you have already accepted this.
Nai-save ko na sa phonebook ang number ko. :D
Love, your Jungkook.
Love? Your Jungkook?
Bakit sinabi nyang Your Jungkook?
At love?
LOVE?!
At teka…binigyan nya ako ng cellphone?! Nababaliw na ba sya?! Wala akong pambayad dito!
I took a deep breath.
I had enough of all of this.
Kailangan ko ng ibalik sa normal ang buhay ko!
Agad kong nilingon ang mga babaing nasa likod ko na kanina pa ata tumatawa dahil sa basurang nasa locker ko.
“Hey you!” ang tawag ko sa kanila.
Mukhang natakot naman sila sa ekspresyon ng mukha ko.
God, I’ve never been so mad like this in my whole entire life.
“Saan ang classroom ngayon ni Jungkook Jeon?!”
to be continued...