Visible
Chapter 2
Urrrgghhh…
I’m starving.
Pero hindi ako pwedeng magpakita sa Dean namin na wala ang nawawalang si Taehyung. Dapat daw kasi ay kumpleto kami bago pirmahan ang papers namin.
Naiwan naman ang ibang members sa Dean’s Office at dahil ako ang leader ay ako ang dapat na maghanap sa nawawala kong ka-myembro. Unfair.
Kaasar.
Bakit kasi mahilig gumala gala ang ka-myembro kong iyon?
Baka nambababae na naman yun.
Lumiko ako sa isang hallway pero agad din akong napaatras nang makasalubong ko ang isang hukbo ng mga fangirls na yun.
And before I could utter a sound…
“KKKKKYYYYYYYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!! JUNGKOOK!!!”
OH GREAT! JUST GREAT!
Agad na akong kumaripas ng takbo at hinabol naman nila ako.
AAAAARRRRRGGGHHH!!! BA’T ANG MALAS-MALAS KO NGAYON?!!
Tumakbo lang ako hanggang sa maabot ko ang likod ng building. Agad akong nagtago doon.
“WAIT GIRLS?! NASAAN NA SYA?!”
“SYA ATA YUN! TARA!”
At doon ko narinig na tumatakbo na sila paalis.
Phew.
Buti naman at nakatakas na ako.
Pero…
Okay. Biglang tumunog ang tyan ko.
Gutom na gutom na ako….
Tama! Bibili nalang ako sa school canteen!
Kinapa-kapa ko ang wallet ko sa jeans ko pero…
OH GREAT! ANG SWERTE KO! NAIWAN KO PALA YUN SA DEAN’S OFFICE!
Hays…
Lumabas nalang ako sa pinagtataguan ko at itinaas ang hood ng damit ko.
No choice. Hahanapin ko muna si Taehyung bago ako makakain.
Pero…
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang babaing iyon na mag-isang nakaupo sa bench na nanduon.
**********
Nasa likod ako ng school building ngayon at tahimik na pinupunasan ang violin ko.
Ito talaga ang favorite place ko sa buong mundo dahil napakatahimik dito. Wala kasi masyadong nagpupunta dito at nakadagdag pa ang mga puno at ang magandang tanawin na nanduon.
At dito, hindi ko na kailangang mag-alala kung may kakausap sa akin o wala.
Nabigla pa ako nang may biglang tumayo sa harapan ko. Napataas ako ng mukha at ang gwapong lalaking yun ang sumalubong sa paningin ko.
Ngayon ko lang sya nakita sa school.
Ngumiti sya. “Hi…” ang unang wika nya.
Tinaasan ko sya ng kilay. Hindi ko talaga ugaling makipag-usap sa iba lalo na sa mga estranghero.
Pero muntik na akong mahulog sa bench na kinauupuan ko sa sumunod na sinabi nya.
“Pwede mo ba akong pakainin?” ang sabi nya. “Hindi pa kasi ako nag-aagahan eh. At wala pa akong perang dala”
Napatingin ako sa kanya.
Base sa suot nyang damit ay hindi naman sya mukhang pulubi.
Nakasuot pa nga sya ng mamahaling brand ng jeans at black hooded-long sleeves na bagay sa maputi at makinis nyang balat. Mukhang alagang-alaga nya ang katawan nya.
Tinignan ko sya uli sa mukha.
Nakangiti parin sya.
May pagka-tsinito ang mga mata nya pero bagay din naman yun sa gwapo nyang mukha. Baby face sya at sa tingin ko ay kaedad ko lang sya. Feeling ko ay hindi ito pinoy. At may kakaibang accent din sya sa pagsasalita. Hindi kaya intsik sya? -__-
Isang tunog noon ang kumawala sa tyan nya na nagpatigil sa mga iniisip ko.
Gutom na nga talaga sya.
Hindi ko alam kung ba’t ako biglang naawa sa kanya kahit na hindi naman sya mukhang naghihirap.
Tumayo ako.
“Sumunod ka” ang sabi ko lang saka naunang naglakad.
Sumunod naman sya.
“Hindi mo ba ako nakikilala?” ang maya-maya ay tanong nya.
Nilingon ko sya. “Bakit? Nagkita na ba tayo dati?”
Mas lalo syang napangiti sa sinabi ko. “Ah hindi pa…nakakapagtataka lang kasi---”
“Lugaw lang ang kaya kong ipakain sayo dahil wala akong pera” ang sabi ko lang saka nagpatuloy sa paglalakad.
Pero nahuli ng mga mata ko ang pagtataka sa mga mata nya.
“Okay na yun. Hindi pa kasi ako nakakatikim ng ganun…” ang sagot nya.
Hanggang sa nakarating na kami sa isang fastfood canteen. Nagtaka pa ako dahil nagsuot sya bigla ng shades at itinaas nya ang hood ng damit nya nang makapasok kami.
“Anong ginagawa mo?” ang taka kong tanong.
“Baka kasi makilala ako”
“Bakit? Criminal ka ba?” saka ko inilapag sa harapan nya ang lugaw na inorder ko. Okay lang sa akin kahit criminal sya. Hindi naman ako yayaman kahit isumbong at ipahuli ko sya.
Isang mahinang tawa ang napakawalan nya saka napatitig sa akin. “Hindi mo nga talaga ako kilala”
“Bakit mo ba laging pinapalabas na nagkita na tayo dati?” ang salubong na kilay kong tanong.
Pero ngumiti lang sya saka sumubo ng lugaw. “Masarap pala ‘to…” ang sabi nya.
“Kung makapagsalita ka parang ngayon ka lang nakatikim nyan” ang nasabi ko.
Tumingin sya sa akin. “Lagi kasi ‘tong pinagbabawal sa akin eh. Teka lang, sigurado ka ba talagang hindi mo ako kilala?”
Sinalubong ko naman sya ng tingin saka tinaasan ng kilay. “Wala akong pakialam kung sino ka at hindi rin ako interesado.”
Pero ngumiti lang sya. “Alam mo, ngayon lang ako nakakilala ng katulad mo”
Tinignan ko ang relo ko at hindi na pinansin ang sinabi nya. “Binayaran ko na yang lugaw mo kaya aalis na ako. May pupuntahan pa ako”
Yun lang saka ako tumayo.
“Sandali” ang awat nya sa akin. “Wag ka munang umalis”
“Masyadong mahalaga ang bawat segundo para sa akin. At hindi ko sasayangin yun sa isang taong hindi ko rin kilala. Aalis na ako”
Saka ako tumalikod at naglakad paalis pero natigilan ako nang maramdaman ko ang pagsunod nya sa akin sa labas.
“T-Teka lang. Ano bang pangalan mo?” ang hinihingal nyang tanong dahil hinabol nya talaga ako.
I rolled my eyes saka tumingin sa kanya. “Snow. Snow ang pangalan ko”
“Snow? Like snow in the winter?” ang tanong nya looking confused.
“Bakit? May nakita ka na bang snow sa summer?” that is supposed to be sarcasm.
Pero bigla syang tumawa. Diba dapat mapikon sya?-___-
“Snow…” ang sambit nya na parang mini-memorize yun. “Salamat Snow”
Saka sya ngumiti uli sa akin. Pero inisnab ko lang sya at naglakad paalis.
Pero nagsalita na naman sya.
“And by the way…” he said kaya napatigil ako sa paglalakad pero hindi ko sya nilingon. “Kung gusto mo akong makilala, attend to the opening program later”
Hindi ko na sya sinagot at nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.
Anong ibig sabihin nya dun?
Pero nagkibit balikat nalang ako at hindi na inisip pa yun.
to be continued...