Visible
Chapter 1
JUNGKOOK POV:
“KKKYYYYYYYYYYYYYAAAAAAAAAAHHHH!!! JUNGKOOK OPPA!!”
Ang ingay.
Isang malakas na hampas sa balikat ang sumunod kong naramdaman.
“Whooo! Jungkook! Ang dami mo talagang fans ah! Pahingi naman!” si RapMonster.
“Gago, tumahimik ka nga. Sheesh” ang irritable kong baling.
Wala talaga ako sa mood ngayon dahil unang-una sa lahat…
ANG INIT-INIT SA PILIPINAS!
Hindi ko pa na-adopt ang mainit na klima dito.
Pero no choice, kailangan naming manatili dito habang hinihintay ang renewal ng contract namin sa isang agency sa Korea.
At dahil sinuwerte kami, dito pa kami pinatapon ng magaling naming manager. May isang sikat na music school kasi dito na nakilala na sa buong mundo. Para daw hindi masayang ang buhay namin habang naghihintay ay mag-aral muna kami.
International School for Music and Arts.
Isang college institution at second year kami this sem. From the name itself, iba’t-ibang lahi ang makikita dito. At kaya lang naman kilala ang music school na ito dahil sa galing ng mga estudyante na nakilala na sa buong mundo.
At ngayon ay papasok na kami sa school na’to.
“Ano titingin-tingin mo ha?! GUSTO MONG MAMATAY?!” si Suga habang kinukulweyuhan ang isang estudyanteng lalaki.
Nilingon ko si Jin.
“Jin, awatin mo”
Pero paglingon ko.
“KYYYYYYYAAAAAAAAAHHHH!!! JIN!!!”
“Sorry, hindi ata ako makakagalaw” ang walang emosyon nyang sabi habang gapos sya ng mga babae.
Ays…ano pa nga ba?
Ang rason lang naman kaya hindi ako mahawakan ng mga fangirls ay dahil alam nilang…AYOKONG NAHAHAWAKAN. Fangirl ka man o hindi, try to touch me and I’ll send you to hell.
“WAHAHAHAHA! JIN! PARA KANG TAE!”ang sigaw ni Rapmonster.
“Anong connect ng pagkakagapos ko sa pagiging tae?” si Jin.
“Ah…eh…”saka sya kumamot ng ulo. “Ewan! Bigla nalang lumabas sa bibig ko yun. Sige na nga! Ako na ang gagapos kay Suga! Ang aga-aga, napapaaway na!”
Yun lang saka sya umalis at hinila paalis si Suga na nagsisimula nang mang-blackeye.
Napahinga nalang ako ng malalim at napalingon sa paligid. Parang may kulang ata.
“J-hope, nasaan si V?” ang tanong ko kay J-hope na…
“So, anong masasabi mo na nandito na kami?” ang tanong nya sa isang fangirl habang nakatutok ang dala-dala nyang camera dito.
“Ah…eh…eh di Masaya” ang parang nawe-weirduhang sagot ng fangirl.
“Sino ang pinakagwapo sa ami---”
That’s it.
Hinila ko na sya sa damit at nagpatuloy nalang kami sa paglalakad.
“Teka! Hindi pa tapos ang camera journal ko!!!” ang pagwawala naman nya.
WAPAK!
“Aray Jungky! Bakit mo ako sinapak?!”
“Pag hindi ka tumigil ay itatapon kita kasama ang camera mo sa labas ng apartment mamaya.”
“Waaaaaaaaahhh!! Jungky! You’re a meanie!!” he pout.
“Puta J-hope! Wag kang mag-pout! Sumasakit ang abs ko!” ang biglang sulpot ni Jimin na ngayon lang nakawala sa mga nakagapos na fangirls.
“Hmp! Sige, ikaw na ang may abs!” ang pout parin ni J-hope na kinalakadkad ko parin.
“Ah, pwede nyo ba akong tulungan?” ang walang emosyong saklolo ni Jin.
Sabay kaming napalingon sa kanya…at…
Halos hindi na sya makita dahil sa dami ng babaing nakagapos sa kanya.
Nilingon ko si Jimin. “Jimin, tulungan mo si Jin na makawala sa mga fangirls”
“Sheesh..whatever. Tumakas na ata yung gagong V na yun. Bigla nalang nawawala” ang sabi lang ni Jimin saka pinuntahan si Jin.
Napalingon ako sa paligid. Tama. Saan na na naman ba nagpunta ang V na yun?
“Jungky! So, anong masasabi mo na papasok tayo sa isang regular school?” ang tutok sa akin ni J-hope ng camera nya.
“J-hope…” I gritted my teeth. “How about I’ll make you eat that camera? And STOP CALLING ME JUNGKY! IT’S SO GAY!”
“Hehehe…sabi ko nga…” saka nya agad-agad na itinago ang camera nya sa loob ng bag nya.
Napahawak nalang ako sa ulo ko.
Hays…ang hirap talagang maging leader ng isang grupo.
Lalo na’t puro baliw at mas nakakatanda sayo ang mga members mo.
*sigh*
SNOW POV:
“KKKYYYYAAAAAAAAHHHH!!!NANDITO NA ANG BTS!!!” ang tilian ng mga classmates ko.
“Talaga?! SAAN?!”
“NASA ENTRANCE NA SILA!!”
“OMG!”
“Tara! SALUBUNGIN NATIN SILA!!”
Saka sila nagmamadaling umalis ng classroom.
But I remained sitted at binabasa ang musical sheets na nasa kamay ko. As usual, wala man lang lumapit sa akin at nagtanong kung gusto ko bang sumama.
Pero okay na sa akin ang ganito.
Ayoko din naman na kinakausap ako. Mas gusto kong mag-isa sa upuan ko at manatiling invisible.
“SNOW!!” ang biglang sulpot ng isang babae sa harapan ko. “Hindi ka ba sasama?”
For a moment ay natigilan ako.
It’s unusual kasi na may nagtatanong sa akin ng ganito.
Pero nagtaas ako ng mukha and I came face to face with that pretty girl.
Teka, sino ba ‘to?
“Sino ka?” ang tanong ko.
Napanganga sya pero agad din syang naka-recover.
“HA-HA, very funny Snow” then she rolled her eyes.
Pero nanatili akong nakatitig sa kanya.
At para naman syang natauhan. “W-wait, are you serious?! YOU DON’T KNOW ME?!”
I nod.
Napanganga sya uli.
“Oh gosh! It’s me Angel De La Cruz! The campus Angel, duh?!”
“Campus Angel? May ganun buh?”
Mas lumaki ang nganga nya.
“D-don’t tell me…we’ve been classmates for a year but still you don’t know me?”
I nod again.
Napanganga sya lalo but then later on ay naka-recover din sya.
“Oh right…ano bang nakakabigla dito? We’ve been classmates for a year na pero never ka pang nakipag-usap sa amin or anyone in the room. You’re just the type of a girl who is so…distant…kaya kahit famous ako ay hindi mo ako kilala”
Tama ang sinabi nya.
Hindi talaga ako nakikipag-usap sa iba.
Pero sumasagot naman ako pag ako ang nilapitan.
I don’t usually blend in any conversation.
Wala din akong kaibigan.
But it’s better to be this way.
Than to trust anyone again…
“But anyway, hindi ka ba sasama sa ibaba?” ang tanong nya still looking at me.
“No” ang sagot ko lang saka bumalik sa sheets.
Her brows met. “Uh…hello? Like, ang famous na BTS ang nasa ibaba? Bakit parang ikaw lang ata ang hindi nai-excite sa balitang iyon?”
“Sino yun?”
Napanganga sya sa itinanong ko na para bang yun na ang pinaka-absurd na bagay na narinig nya sa buong buhay nya.
“T-teka…m-magkalinawagan nga t-tayo…” ang nakanganga parin nyang simula. “S-seriously, kahit ang BTS ay hindi mo kilala?!”
I nod.
NGANGA OVERLOAD. Yun ang itsura nya ngayon.
“S-snow…alam mo, seryoso?! TAGA SAAN KA BA HA?! KAILAN KA BA IPINANGANAK?! SURE KA NA TAGA-PLANET EARTH KA?! SURE KA?!”
Tumayo ako sa upuan ko at mukhang napaatras naman sya.
“Wala akong oras para sa mga ganyang bagay. I’m sorry” yun lang saka ako naglakad paalis.
Ramdam ko namang nakatitig parin sya sa akin.
“S-snow…” she mumbled my name na may halong lungkot ang boses nya.
Tama.
Mas magandang maging mag-isa.
In this way, I don’t have to trust again.
to be continued...