Visible
Chapter 6
JUNGKOOK'S POV:
“Anong nangyayari kay leader?” si Suga.
“Oo nga, kanina pa sya nakatitig sa phone nya” si Jimin.
“May hinihintay ba syang tawag?” si J-hope.
“HAHAHAHA! BAKA HINIHINTAY NYANG TUMAWAG SA KANYA YUNG BABAING TUMAWAG SA KANYA NG MANYAK!” si Rapmonster.
Yan ang naririnig ko sa kanila habang nasa loob na kami ng classroom.
Pero hindi ko sila pinansin.
Nanatili lang akong nakatitig sa phone ko.
Oh please…
Tumawag ka na.
Tumawag ka na.
Tumawag ka na.
Hindi ako pala-dasal pero ngayon ay nagdadasal ako na sana nga ay tumawag sya.
Teka, natanggap nya kaya ang phone na binigay ko?
Pinili ko pa naman yun dahil maganda ang signal nun at para kapag tatawagan ko sya ay matatanggap nya agad yun.
Pero…
“Oh God, leader. It hurts to see you like this” si Rapmonster saka ako tinabihan. “Bakit hindi nalang ikaw ang tumawag sa kanya?”
Tama!
Teka, ba’t hindi ko naisip yun?!
Agad kong ini-dial ang number nya.
Pero bakit ako kinakabahan ngayon?
For the first time in my life ay naging anxious ako kung sasagutin ba ang tawag ko o hindi.
Teka, hindi ako makahinga.
Sasagutin kaya nya?
“JUNGKOOK JEON!”
Narinig ko ang sigaw na yun sa may pinto ng classroom.
At lahat kami ay napatingin sa direksyon nya.
Teka…si Snow…
Anong ginagawa nya dito?
Agad naman akong napatayo nang makita ko ang ekspresyon ng mukha nya.
Oh God. This is not good.
SNOW POV:
I turned my hand into fist and marched towards him.
At wala na akong pakialam kung gagawa man ako ng eksena ngayon.
Na-feel ko naman na nakatitig na sa akin ang lahat ng mga mata nila lalo na ang mga ka-myembro nya.
Ang gusto ko lang ay ipamukha sa Jeon na ito na hindi ako katulad ng mga babae nya.
Siguro ginagawa nya sa akin ito dahil akala nya ay oobra sa akin ang mga ginagawa nya sa ibang girls.
Wala naman akong alam sa kanya.
Pero anong i-expect ko?
He’s popular kaya natural ng magkaroon sya ng maraming babae.
Yes. Boys.
Eh baka marami na syang naging babae at napagtripan nya lang ako!
“Itong cellphone mo” ang sabi ko saka inilapag yun sa desk nya. “Hindi ko kailangan yan. At simula sa araw na ‘to, stop bothering me!”
Nanatili naman syang nakanganga sa harapan ko kaya tumalikod na ako.
Sana nga.
Sana nga simula sa araw na ‘to ay titigilan na nya ako.
By this way, babalik na ako sa pagiging invisible ko.
Pero…
“Ouch!”
Napatigil ako sa paglabas ng classroom nang marinig kong sumigaw sya.
“Leader?!” ang sabay pang sigaw ng mga kasama nya at inalalayan sya sa pag-upo.
Teka…anong nangyayari?
“Ang gusto ko lang naman ay tanggapin nya ang phone na binigay ko….bilang kawang-gawa sa kanya na isang avid fan ko…” ang madrama nyang sabi at may patakip-takip pa sya ng mukha.
Wait….what is he doing?!
“Masama bang maging mabait?” ang madrama pa nyang tanong at halatang nagpapaawa sya. -__-
At ito ring mga fans nya…
“Naku, hindi Jungkook. Kaya mo pala sya binigyan ng phone kasi kawang-gawa mo sa kanya…” ang sabi ng isang fangirl. “Ang bait mo talaga…”
At paglingon ko sa mga fans nya…
Okay….lahat sila ay naka-glare sa akin.
“Oo nga, palalampasin nyo ba ‘to mga BTS fans?!” ang sigaw naman ng isang may weird na hairdo na kulay puti. Rapmonster ata pangalan nya.
“HINDI!” ang sabay pa nilang sigaw.
“PATATAHIMIKIN NYO BA ANG BUHAY NG BABAING NANAKIT SA FEELINGS NI JUNGKOOK?!” yung isang may seryosong mukha. May nakasulat na Jimin sa uniform nya.
“HINDI!” ang sigaw naman nila.
Saka naman ako nilingon ng isang weird na lalaki na may dalang camera at itinutok nya yun sa akin. May nakalagay na J-hope sa sling ng camera nya.
“I’m sorry miss…pero kailangan mong tanggapin ang cellphone na binigay ni leader dahil kung hindi, hindi ka patatahimikin ng mga fans namin” ang maangas pang sabi ng lalaking may camera.
O-kay…
Anong gagawin ko?
Teka…paano napunta ang lahat ng ito sa ganitong eksena?!
“So…” ang lapit naman sa akin ng kaninang nagda-dramang si Jeon Jungkook at inilahad ang phone na kanina ay iniwan ko sa desk nya. “…hindi mo parin ba tatanggapin?”
And I know that he’s really trying hard now not to put on a smirk kahit na seryoso ang mukha nya.
Umiinit ang ulo ko.
Bwiset.
God, I wanna kill him right now.
Simula ng dumating sya sa buhay ko ay naging maingay na ang mundo ko.
At ayokong madagdagan ang popularity ko nang dahil sa hindi ko tinanggap ang phone na ‘to.
“Sheesh!” saka ko hinablot yun sa kamay nya at pamartsang naglakad palabas ng room na yun.
“Hep! Hep! HOORAY!” ang sabay pang sigaw ng mga classmates nya dahil nagwagi ang JUNGKOOK JEON na yun.
**************
Sumasakit ang ulo ko.
At dahil yun sa sobrang asar.
First time kong makaramdam ng ganito sa ibang tao.
Dahil never naman talaga ako nagkaroon ng pakialam sa kanila para maasar ako ng ganito.
Nasa classroom na pala ako ngayon dahil after nun ay dumiretso na ako dito para sa first subject ko na Speech Improvement.
At nasa harapan ngayon ang teacher namin at nagli-lecture.
“Speech is a system of audible and visible signs utilizing---”
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
Napatigil si ma’am dahil sa ingay na yun.
Teka…saan galing ang ingay na yun?
“As I was saying Speech is ----”
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
Teka…ringtone ba yun ng cellphone?
“Okay. Let me repeat. Speech is----”
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
Teka…bakit parang nanggaling yun sa bulsa ko?
At bakit…nakatingin na silang lahat sa akin ngayon?
“Ms. Sanchez? Do you mind answering your phone outside so we can continue our lecture?” ang mukhang asar na sabi ni Ma’am.
Wait…sa phone ba na ibinigay ni Jeon Jungkook nanggagaling yun?!
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
Agad-agad ko namang kinuha yun sa bulsa ko at tinignan ang screen.
Calling…
Your Jungkook Oppa
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
At teka…bakit parang ka-boses nya ang ringtone?
Nakita ko ang glare sa mga mata ng mga classmates kong babae bago ako nagmamadaling tumayo at tumakbo palabas ng room.
Oh, what now?!
“Hello?!” ang asar kong sagot nung nasa labas na ako.
“Did you like your ringtone?” ang tanong nya sa kabilang linya at alam kong nakangiti sya ngayon sa paraan palang ng pagkakasabi nya.
“Hindi mo ba talaga ako titigilan ha?”
“Dapat simula ngayon ay Oppa na ang itawag mo sa akin” he said.
“Wag mong ibahin ang usapan Jeon. Stop calling me. Just get out from my life”
“Oh, teka…palitan natin ang ringtone mo ng Jungkook my loves”
“Nang-aasar ka ba?”
“Hindi”
“Eh anong ginagawa mo?!”
“I’m just…trying to get into your world”
Natigilan ako sa sinabi nyang iyon.
“I told you….” He said. “You can never run away from me. Because now I’ve seen you, you can never be invisible again…you’re visible in my eyes now.”
“What---”
“Wait, bye for now. Dumating na teacher namin. I’ll call you later. I love you…”
Then hanged up.
Samantalang natigilan naman ako sa kinatatayuan ko.
Lalo na sa huling sinabi nya.
Teka…
Did he just said…
That…
He loves me…?
to be continued...