Visible
Chapter 7
I love you.
Yes. Jungkook Jeon said that.
Teka, bakit ko ba iniisip yun?
Bakit ko ba sya iniisip?
Simula nang ipinangako ko sa sarili ko na never na akong magpapasok ng ibang tao sa mundo ko ay wala na akong ibang inisip kundi ang pagtugtog ng violin at ang sarili ko.
Pero…
Bakit ko iniisip ang sikat na taong yun?
Nasa loob pala ako ngayon ng music room at tahimik na tumutugtog ng violin habang nakaupo sa silya. Kapag nag-iisip ako ay ganito ang ginagawa ko. Ikinukulong ko ang sarili ko at tumutugtog ng violin.
And love?
Hindi ko alam kung kailan pa ako nagsimulang hindi maniwala sa love.
Dahil…siguro…
“MAMA! WAG MO AKONG IWAN! MAMA!” ang umiiyak kong habol sa Mama ko na nasa labas na ngayon ng bahay namin at nasa harapan na sya ng nakabukas na pinto ng taxi.
Nilingon naman nya ako.
“I’m sorry anak…pero hindi ko na matatagalan pa ang Papa mo. Nag-divorced na kami. I’m sorry pero kailangan kong umalis. It’s for the best” yun lang saka sya sumakay ng taxi.
Tama. Simula nung araw na yun…
Kahit anong pilit kong habulin ang taxi na sinakyan nya ay hindi ko parin ‘to naabutan…
Kahit anong iyak ko at tawag sa sarili kong ina ay hindi na sya lumingon pa sa akin.
At…
Simula nung araw na yun ay na-realize ko na hindi totoo ang love...
Na kahit ang sarili mong ina ay kaya kang iwan ng ganun-ganun lang.
Na kahit ang mga taong akala mong hindi ka magagawang iwan ay kaya kang itapon na parang basura lang.
Doon na ako tumigil sa pagtugtog.
At napabukas ng mga mata.
Pero…
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko sa sobrang pagkabigla nang makita ang isang estranghero na nakaupo sa kaharap kong silya. At naka-dekwatro pa sya!
Teka…KANINA PA BA SYA NANDITO?!
“Ang ganda ng music” he smiled. “Anong title nun?”
Hindi ako sumagot. Tumayo nalang ako at kinuha ang bag ng violin ko.
“Teka…tinatanong pa kita. Hindi mo ba alam na rude na talikuran mo ang taong nagtatanong sa’yo?”
“Winter” I whispered.
“Huh?”
Nilingon ko naman sya.
“Winter ang title ng music na yun”
Mukhang natigilan sya pero ngumiti din.
“Ahhh…” he said.
Nang mailagay ko na ang violin ko ay tumalikod na ako pero…
“Teka! Hindi mo ba ako nakikilala?” ang tanong nya.
Bakit ba lahat nalang ng tao ay yan ang laging itinatanong sa akin?
I looked at him.
“Hindi” I said.
Napanganga naman sya.
“Seryoso ka?” he asked.
“Oo”
For a moment ay nakatitig lang sya sa akin saka sya biglang tumawa ng malakas.
Ano bang nakakatawa doon? -____-
“Okay” he said habang tumatawa parin. “Ngayon lang ako nakakita ng babaing hindi ako kilala. The truth is I’m expecting you to freak out when you saw me sitting in front of you. Pero hindi ko ini-expect ang reaction mo. You even turned your back on me”
Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito?
“Aalis na ako” ang sabi ko saka tumalikod.
“Wait!” he grab my arm.
Bakit parang dumarami na ang mga taong naga-grab ng arm ko?
“My name is Taehyung Kim also known as V from BTS” ang sabi nya habang nakatitig sa akin na para bang may ini-expect syang magiging reaction ko.
Okay.
So kasama sya ng lalaking yun na gumugulo ngayon sa buhay ko.
Nanatili lang akong nakatitig sa kanya.
“Okay” ang sagot ko lang.
“Okay?” ang takang ulit nya. “So…hindi ka man lang ba titili?”
“Bakit naman ako titili?”
“Eh kasi nga---“ saka sya biglang natigilan then bigla naman syang tumawa. “Okay. I wasn’t expecting that. Usually kasi pag ganito ay tumitili ang babae”
“Sorry. Hindi ako marunong tumili.” Ang sabi ko lang saka tumalikod. “Aalis na ako”
“Teka lang!” ang sabi nya. “Anong pangalan mo?”
Sa totoo lang ay ayoko ng makipag usap sa kanya. Dahil alam kong pag nakipag-usap pa ako ay madadagdagan na naman ang mga taong gugulo sa akin.
Pero para matapos na ‘to.
“Snow” ang sabi ko.
He grin. “Snow? Ang ganda ng pangalan mo.”
“Kung wala ka ng sasabihin aalis na ako”
“Ah may gusto lang akong itanong sayo Snow” ang sabi nya.
Tinitigan ko naman sya. “Ano yun?”
“M-may…kilala ka bang Angel ang pangalan dito? Ang alam ko kasi tumutugtog sya ng violin kaya baka…kasama mo sya dito…” ang tanong nya habang nakatitig sa akin and there is hope into his voice.
Angel?
Baka yung Angel na classmate ko.
Pero tumugtog ba sya ng violin?
Ewan ko. Wala naman akong pakialam sa kanila.
“Meron” ang sabi ko.
Bigla syang natuwa at nabigla pa ako nang hawakan nya ako sa magkabilang braso. “TALAGA?! NASAAN SYA?!”
“Sa Piano room siguro. Doon ang next class ng mga classmates ko” ang sabi ko lang.
Oo, ang alam ko lang ay lahat ng mga classmates ko ay kumuha ng Piano lessons maliban sa akin.
He grin at mukhang ang saya-saya nya.
“SIGE! SALAMAT!” ang sabi nya saka nagmamadaling lumabas ng room na yun.
O-kay…
Pero bigla din syang bumalik.
Natigilan naman ako lalo na ng ngumiti sya sa akin.
“Snow…” he called my name then grin. “THANK YOU!”
Yun lang saka sya umalis.
O-kay.
Teka, tama kaya ang sinabi ko?
Ewan. Basta sinagot ko lang ang tanong nya kung may kilala ba akong Angel.
Bahala sya.
to be continued...