Chapter 11

1054 Words
Visible Chapter 11 “You can’t still declare that because I’m not giving up yet. I know someday…you will open the gates of your life and you will let me in” He said that. At hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kaya nanatili lang kaming nakatitig sa mata ng isa’t isa. Parehong nagsusubukan… Kung sino ang unang bibitiw… Pero… “I think I should stop staring at you now…” he said. Huh? “…because I think I wanna kiss you” he continued. Wait… Did he just said that he wanna kiss me?! Sa taranta ko ay agad ko syang itinulak palayo. “M-manyak ka talaga!” ang namumula at hindi ko makatinging sigaw sa kanya. But then I saw him grin. “Atleast sa’yo lang ako nagiging manyak” he said while grinning. S-sa akin lang…. Sa akin lang sya… Sa akin lang sya nagiging manyak?! Teka…a-anong ibig sabihin nya doon?! Pero agad akong tumayo ng maayos. I composed myself. Hindi nya dapat makitang apektado ako sa kanya. “Uuwi na ako. Dyan ka na” ang sabi ko saka naglakad paalis. “Teka! Sabay tayong umuwi!” ang sabi nya saka ako hinabol. “Lumayo ka nga sa akin!” “Bakit ba ayaw mo akong bigyan ng chance ha? Marami namang nagsasabing gwapo ako ah” “Eh ano ngayon kung gwapo ka?!” “Maraming naghahabol sa akin na babae pero nandito ka at ilang ulit akong ni-reject?” “Wala akong pakialam!” Hindi na sya nagsalita pa after nun kaya baka nakaalis na sya. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at hindi na sya nilingon pa. ****************** Hanggang sa nakalabas na ako ng school. “Saan ka pupunta?” Nabigla pa ako nang sumulpot ang boses na yun sa likod ko. At paglingon ko…. “Teka, akala ko ba nakaalis ka na?!” ang hindi ko mapigilang maisigaw dahil sa pagka-shock. Kanina pa ba nya ako sinusundan? Nakataas ang hood ng damit nya at naka-shades. Nagtatago na naman sya sa mga fans nya. “Sasama ako sayo!” he grin. Oh God…ba’t ba ayaw nya akong tigilan?! Nasapo ko nalang ang ulo ko. Sumasakit na naman kasi yun. May talent talaga ang lalaki na ‘to na magpasakit ng ulo ko. “Bahala ka na nga!” ang sigaw ko saka nagpatuloy sa paglalakad. Nakangiti at parang excited naman syang sumunod sa akin. “Hay….fresh air…” he sigh. “Sa wakas, makakalabas narin kasama ang girlfriend ko…” GIRLFRIEND?! Nilingon ko sya. “Wala ka ba talagang balak na tigilan ako ha?” ang tanong ko. Lumingon naman sya sa akin at ngumiti. “Wala!” Hindi nalang ako nagsalita dahil wala ring patutunguhan kung makikipag-away ako sa kanya. “Pero teka, saan ba tayo magdi-date ha?” ang tanong nya. Date? “Sa palengke” ang sagot ko. He looked confused. “Palengke?” “Oo, dahil mamalengke ako. Umuwi ka na. Hindi ka nababagay sa lugar na yun” Pero ang walangya… “Okay! Ang first date natin ay sa palengke!” yun lang at abot tenga ang ngiti nyang naunang naglakad. Oh God….! WHY CAN’T YOU JUST KILL ME NOW?! **************** Mabaho. Madumi. Magulo. Maraming tao. Opo. Nasa palengke kami ngayon. Na-iimagine nyo bang pupunta sa ganitong klaseng lugar ang sikat na sikat na si Jeon Jungkook? Kasi ako, kahit na magkasama kami ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na kasama ko sa pamamalengke ang gwapong nilalang na ito. At nasa fish market kami ngayon. Nai-imagine nyo ba kung gaano kagulo at kadumi dito? Pero heto ako at kasama ko ang leader ng BTS? “Manang, pabili nga po ng bangus” ang tanong ko sa tindera ng isda. Simula kasi nung… …iniwan kami ng Mama ko ay ako na ang namamalengke lagi. Nakadagdag pa na lagi akong minamaltrato at walang pakialam sa aming mag-ama ang naging stepmom ko. “Snow! Sandali!” ang tawag nya sa akin. At paglingon ko… Dahil sa dami ng tao ay naiwan ko sya sa likod at naipit sya sa gitna ng mga tao. Hindi kasi ako nasanay na may kasama ako kaya siguro nawala sya sa isip ko. Naglakad nalang ako pabalik sa kanya at… Nabigla ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko at nakangiting nagsalita. “This way, hindi na ako mahihiwalay sa’yo” he said then wink. Agad kong naramdaman ang pagragasa ng dugo ko sa pisngi ko. He let our fingers intertwine at magkahawak-kamay na nagpatuloy sa paglalakad. At hindi ko alam… Kung bakit hindi ko magawang bawiin ang kamay ko mula sa kanya. At nang tignan ko sya uli… Ang ngiti nya…sobrang lapad. At halatang ini-enjoy nya ang pagkakahawak-kamay namin. “J-just for this moment…” I said, looking away. “…kesa naman sa mawala ka at baka ako ang sisihin nila pag hindi ka nakabalik ng buo sa grupo mo…” He smiled at me. “Okay. But I promise you that this will not be the last time I could hold your hand…sarang…” Sarang? Bakit ba nya ako laging tinatawag na sarang? At sarang sya ng sarang pero hindi ko naman alam kung ano ang meaning nun. Itatanong ko na sana yun sa kanya when… *splash!* Opo, may biglang nagtapon ng malansang tubig sa nilalakaran namin at… …naitapon ang lahat ng yun kay Jeon! “Naku po! Sorry po! Hindi ko po kasi kayo nakitang padaan!” ang biglang sulpot naman ng mamang iyon at lumapit sa amin. “Pero teka lang…bakit parang may kahawig kang artista na laging nakadikit sa dingding ng anak ko?” Lagot na. Parang namukhaan sya ni Manong! At bago pa ako maka-react ay bigla nalang syang nagsalita. “RUN!” he said that saka nya ako patakbong hinila paalis. Habang… Napatingin ako sa kamay nya na nakahawak sa kamay ko… …nakahawak sa kamay ko ang mainit nyang palad…. At feeling ko… Very protected ako... to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD