Chapter 12

833 Words
Visible Chapter 12 Pinagsisihan ko kaagad kung bakit ko pa sya pinasama sa palengke dahil... "Sama ako sa bahay nyo!" ang pangungulit parin nya. "Hindi nga pwede!" "Sige na! hindi ko kayang magpakita sa mga kasama ko na ganito ang amoy ko!" "Ayoko nga eh!" Hindi naman sa dahil sa ayoko syang pasamahin sa bahay... Pero...baka makita sya ng stepmom ko... Tumigil naman sya sa paglalakad at tinignan ako. "Okay" then he gave me that wicked grin. "Susundan nalang kita hanggang sa makaabot ka sa bahay nyo" Urrrrggghhh...! Mukhang hindi talaga sya titigil! Nilingon ko naman sya. "Sige na nga! Pero susundin mo lahat ang sasabihin ko okay?" He gave me that handsome grin. "Neh!" he said. My brows met. "Anong neh?" Inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. At... Bigla na naman bumilis ang t***k ng puso ko. "I mean...yes" he whispered in my face. Namumula naman ang mukha kong umiwas ng tingin sa kanya. "Okay. Tara na" ang sabi ko saka nagpatiunang naglakad paalis. *************** Buti nalang at walang tao sa bahay pagkarating namin. Baka nasa kapitbahay ang stepmom ko at naglalaro ng mahjong. At nasa trabaho pa sa ganitong oras ang Papa ko. "Pasok ka" ang sabi ko saka binuksan ang pinto. Napalibot naman nya ang paningin nya sa luma at maliit na bahay namin. At hindi ko alam pero bigla nalang ako nahiya. Ito kasi ang first time na nagdala ako ng ibang tao sa bahay namin... Hindi ko na-experience ang bisitahin ng iba dahil wala naman akong kaibigan para gumawa nun. "Ang liit pala ng bahay nyo noh?" ang sabi nya saka tumitingin-tingin. Wow ha. Kung makalait din. Pero imbis na mainis sa kanya ay nahiya ako. "Sabi ko naman sa'yo eh....hindi ka nalang sana sumama" saka ako nagtaas ng mukha. "Bilisan mong maligo. Ihahanda ko lang ang damit mo. Siguro may lumang damit ang Papa ko na pwedeng ipahiram sa'yo" "Teka...saan ang banyo nyo?" ang tanong nya. "Yang nasa left" ang sabi ko saka tumalikod at kumuha ng towel at ibinato ko yun sa kanya. Agad naman nyang sinalo yun. "M-maligo ka na..." saka ako tumalikod. He smiled. "Okay! Wag mo akong sisilipan ha!" "B-bakit...b-bakit naman kita sisilipan ha?!" ang namumula kong tanong. He grin. "Malay mo diba? Pero kung gusto mo...feel free to look" then he wink. Mas lalo akong namula. "MALIGO KA NA NGA!" Tumatawa naman syang pumasok ng banyo at nagsimulang maligo. Saka ako tumalikod at pumasok sa kwarto ng papa ko para maghanap ng maipapasuot ko sa kanya. Baka isipin nyang sisilipan ko talaga sya. After ilang minutes... Lumabas narin sya at... "Whoo! Ang lamig ng tubig!" ang sabi nya habang half-naked sya at nagpupunas ng towel sa basang buhok nya. At... At... Bakit... Bakit... Parang umuusok ngayon ang mukha ko dahil sa sobrang init? Lumingon naman sya sa akin with his... ...fresh new look. Magulo at basang buhok... At nakahubad na katawan... Si Jeon Jungkook... Oo...ang sikat na lalaking ito ay nakita kong... ...nakahubad ngayon sa harapan ko. "Oh?" he said habang nagtatakang nakatingin sa akin. "Are you okay?" Saka sya lumapit sa akin habang naninigas naman ako sa kinatatayuan ko. "Bakit namumula ang mukha mo? May lagnat ka ba?" ang tanong nya. Saka nya aakmang hahawakan ang noo ko pero... "MAGBIHIS KA NGA!" saka ko itinulak sa kanya ang mga damit na nahanap ko. Bigla naman syang tumawa. "Okay! Okay! Geez..." pero bigla din syang natigilan at napatingin sa akin. Samantalang hindi naman ako makatingin sa kanya. "Oh no..." ang natitigilang sambit nya. "Don't tell me...ito ang unang beses na nakakita ka ng lalaking nakahubad?" "WAHAHAHAHAHA! SO ANONG MASASABI MO SA KATAWAN KO HA?! MACHO BA? HA? MACHO BA??" saka nya itinapat sa mukha ko ang biceps nya. Pero agad ko din syang itinulak. "MANYAK KA TALAGA!! MAGBIHIS KA NA!!!" ang pikit mata at namumulang sigaw ko sa kanya. "HAHAHAHAHAHA!! YOU'RE BLUSHING!!" ang tumatawang sabi nya saka sinimulang magbihis. Agad naman akong tumalikod at namumulang sumigaw. "MANYAK!!!" After ilang minutes... "Oh, pwede ka ng lumingon" ang sabi nya. Lumingon naman ako at... Napatulala na naman ako... Ang lumang white tshirt ng papa ko... At kupas na maong... Bakit nagmukhang mamahalin nang isuot na nya iyon? Para syang male model. Oh right. Sikat nga naman sya kaya kahit anong isuot nya ay magmumukhang mamahalin sa kanya. Napatingin naman sya sa akin. "Are you okay?" he asked looking worried. "O-okay lang ako!" ang sabi ko. "Nakaligo ka na kaya umuwi ka na. Kahit hindi mo na ibalik ang damit ng Papa ko." "Okay! Tatawagan kita mamaya ha!" Kinuha naman nya ang mga nabasa at masangsang damit nya na inilagay ko na sa isang paper bag at pupunta na sana sa pinto nang... "BWISET! TALO NA NAMAN AKO! TEKA...NASAAN NA BA YUNG BWISET NA BATANG IYON?!" ang narinig naming papalapit na boses ng Stepmom ko. Agad nanlaki ang mga mata ko at without even thinking ay hinila ko sya agad mula sa pinto at ipinasok sa loob ng kwarto ko. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD