Chapter 10

1372 Words
Visible Chapter 10 Next day… PE Class… “Mine!” “Mine!” Naglalaro kami ngayon ng volleyball sa may school gym. Hinahabol nila ang bola samantalang nanatili akong nakatayo sa isang sulok. Hindi dahil sa hindi ako marunong maglaro. Pero ayoko lang sumali. “Snow” ang biglang sulpot ni Angel sa tabi ko. “Ano yun?” ang hindi ko lumilingong tanong sa kanya. Para naman syang kinikilig na nagsalita. “Lingon ka sa kanan. May gwapong band leader na nakatitig sa’yo ngayon” Huh? Napalingon naman ako sa kanan. At… Si Jungkook Jeon. Nakatitig sa akin ngayon. Nakasuot sya ng jersey at nakaupo sa isang bench at mukhang kagagaling lang nila sa paglalaro ng basketball. At teka….bakit sya nakatitig sa akin?! “Uyyyy…parang tinamaan sa’yo si Jungkook ah” ang tudyo nya pa. At… *boinks* “UWAAAAAAAAAHHHH!!! ANG BEAUTIFUL FACE KO!!” she cried. Opo, tinamaan sya ng bola ng volleyball dahil sa sobrang pag-uusyuso. “Snow! Sa’yo ang bola!” ang sigaw ng isang classmate ko. Pero hindi ko nasalo yun kaya pumunta sa gilid ng court. JUNGKOOK'S POV: “Leader, baka matunaw bigla yung babae sa sobrang titig mo. Snow pa naman sya” ang sulpot ni Rapmonster sa tabi ko. Nasa gym kami ngayon at break time namin sa paglalaro ng baskeball. “Tumahimik ka nga” ang hindi ko parin natitinag na sabi. Tama. I just can’t take my eyes off her. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko sa direksyon nya. “OKAY! BACK TO THE COURT NOW!” ang sabi ng teacher namin sa PE. I sigh. Bakit kaya hindi na nya sinasagot ang phone calls ko? “Maknae!!” ang sigaw ni Rapmonster sa court. Tinatawag na pala ako. Tumayo ako at sumali narin sa laro. SNOW POV: Hinabol ko ang bola dahil sa akin pinaka-malapit yun. Nagpagulong-gulong naman yun hanggang sa makarating ako sa gilid ng court. Pinulot ko nalang yun at tumayo. Pero… Pagtaas ko ng mukha ay nakita kong sa akin papunta ang bola ng basketball na nanggaling sa mga naglalarong estudyante. “SNOW!! UMILAG KA!” I heard Angel scream. Pero sa takot ko ay hindi ako makagalaw. So I just closed my eyes and waited. But then… Seconds passed pero wala parin akong nararamdaman. I came face to face with that handsome guy. S-si…Jeon…nasa harapan ko… Teka…kaya ba sya nakaharap sa akin dahil sinalo nya ang bola?! “Leader! Okay ka lang?!” ang usyuso ni J-hope ata yun. “Masakit yung pagkakatama ng bola sa ulo mo ah!” Teka…tinamaan sya sa ulo?! Pero…ngumiti lang sya sa akin kahit na mukhang nasaktan talaga sya. “Are you okay?” he asked. Hindi ako makapagsalita kaya tumango nalang ako. “Ayssss….” Ang parang nasaaktan nyang sabi saka hinimas himas ang tinamaang ulo. “Ang sakit nun ah. Buti nalang hindi ka tinamaan nun” Napatulala naman ako sa gwapo nyang mukha. Bakit nya ako hinarangan…kahit na…alam nyang masasaktan sya…? “Leader! Ipasa mo na ang bola!” ang impatient na sabi naman ni Jimin. Hinarap naman nya ang mga kasama. “Oh! Etong bola!” ang sabi nya saka ipinasa ang bola na hawak nya at tumakbo narin pabalik ng court. Pero agad din syang lumingon sa akin at ngumiti. “See you later, sarang…” Sarang? Bakit nya ako tinawag na Sarang? At anong meaning ng sarang? Pero tumalikod na sya at tumakbo sa court. At hindi ko alam kung bakit… …kusang nagsalita ang bibig ko… “Jeon!” I called him. Yes. I called him and I just can’t believe that I did that. Ito ang first time na tumawag ako ng ibang tao kaya nabaguhan ako sa pakiramdam nun… Napalingon naman sya at mukhang nabigla din sya dahil tinawag ko sya. And for the first time since that day… Yes. For the first time since I realized that I should not trust anyone… I…smiled. “Thank you…” I whispered. JUNGKOOK'S POV: She smiled at me. “Thank you…” Yes. She said that. And she smiled at me. That is the first time… I saw her smiling. At hindi ko alam… Kung bakit natutulala ako ngayon sa maganda nyang mukha. Sobrang ganda nya kasi pag nakangiti sya… Na halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Na halos parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Na halos parang hindi ako makahinga ngayon. I’ve been into different places… Seen a lot of different beautiful faces… But I’ve never seen anyone who has more beautiful smile than hers. “Leader!!” ang sigaw na yun ang nagpapukaw sa akin. Tinatawag ako ni Rapmonster. At doon ko lang din nakita na nakaalis na pala sya sa kinatatayuan nya at bumalik na sa paglalaro ng volleyball. Napakurap ako. “Nandyan na!” ang sabi ko naman at nilingon ang mga kasama ko. “Wow! Nakita lang si Snow! Nakangiti na ng wagas ah” si Suga. Oo. Nakangiti ako ngayon. At hindi ko mapigilan ang sarili ko. Dahil… Naalala ko lagi ang pag-ngiti nya sa akin. SNOW POV: “Snow? Uuwi ka na ba? Gusto mo sabay tayo?” ang tanong sa akin ni Angel nung hapung iyon. Nasa hallway kami at uwian na. Napapansin kong napapadalas na ang paglapit nya sa akin. Pero… “Ayoko” ang sagot ko lang saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ako marunong makisalamuha sa ibang tao. Kaya mas mabuti ng ganito. “Snow!” Narinig ko ang boses na yun at naramdaman kong may humablot sa braso ko. Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ko napigilang ilabas ang sakit sa mukha ko. Oo. Nasaktan ako sa paghawak nya ng braso ko dahil… Napatitig naman ang gwapo nyang mukha na yun sa akin. Si Jeon Jungkook. At hindi ko na sya napigilan nang itaas nya bigla ang sleeve ng damit ko. “Where did you get this?” ang salubong-kilay nyang tanong. Oo, may pasa na naman kasi doon dahil… Binugbog na naman ako ng stepmom ko kaninang umaga bago ako pumasok sa school. Pero agad kong tinakpan yun. “A-ah…ano…tinamaan ako ng bola ng volleyball kanina sa PE class…” ang pagdadahilan ko. Nagsalubong lalo ang kilay nya. Pero later on ay napangiti din sya. At nabigla nalang ako nang bigla nyang hawakan ang paanan ng ulo ko. “Clumsy girl…” he said while smiling. “…lagi mo nalang nasasaktan ang sarili mo” At ngayong nakikita ko syang nakangiti sa akin ay… Bakit… Bumibilis ang t***k ng puso ko…? Hindi kaya… Nandilim ang mukha ko saka ko kinuha ang kamay nya sa paanan ng ulo ko at iwinaksi yun. “Don’t touch me” I said. Mukhang nabigla naman sya. “Huh? Pero bakit---“ “Ayokong hinahawakan mo ako!” Hindi ko na napigilan kaya nasigawan ko sya. Ayokong hinahawakan nya ako dahil... ...dahil bumibilis ang t***k ng puso ko sa tuwing ginagawa nya yun. At hindi ko rin alam kung bakit…parang natataranta ako ngayon sa nararamdaman ko. Napatulala sya sa mukha ko. Na para bang yun ang unang pagkakataon na nakatanggap sya ng paninigaw. Pero agad na akong tumalikod. “I told you…” I said while walking away. “…you can never get into my life…” Pero… Naramdaman kong hinila nya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya. And I came face to face with his handsome serious face. “And who said that?” he said then smirk. Napatulala naman ako sa kanya. “You can’t still declare that because I’m not giving up yet” he continued. “I know someday…you will open the gates of your life and you will let me in” to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD