Visible
Chapter 9
SNOW POV:
Nasaktan ako nang hawakan nya ang pasa sa braso ko pero itinago ko yun.
Tama.
Sa sobrang higpit ng pagkakahawak ng madrasta ko sa braso ko ay nag-iwan yun ng marka doon.
Agad naman akong tumayo.
“Nahulog ako” ang sabi ko saka binitbit ang puppy at naglakad paalis.
“Nahulog?” saka sya sumunod sa akin.
“Oo. Wag ka na ngang magtanong”
Nakita kong ngumiti sya. “Nakakabiglang malaman na clumsy ka rin pala”
Saka ko ibinaba ang puppy sa labas ng bakod.
“What are you doing?” he asked.
“Gusto ko sana syang iuwi sa bahay pero hindi pwede”
“Bakit naman hindi pwede?”
Dahil magagalit ang stepmom ko.
Pero hindi ko sinabi yun.
“Aw! Aw! Aw! Ruufff!!” ang tahol ng puppy.
“Sige na. Umalis ka na” ang sabi ko saka tumalikod at naglakad paalis.
Pero…
Naramdaman kong hinabol ako ng puppy.
Tumawa naman si Jeon.
“Well, looks like gustong gusto ka nya” he said saka sumunod.
Tinignan ko naman ang puppy.
“Wag mo akong susundan. Hindi kita kaanu-ano. Pinakain na kita kaya umalis ka na” ang sabi ko sa puppy.
“Aw! Aw! Aw!” ang tahol naman nya habang lumulukso-lukso.
Pinulot ko sya at itinapon sa labas ng bakod para hindi na sya makasunod pa sa akin.
“Wait! Bakit mo sya itinapon sa labas?!” ang shock na tanong ni Jeon at napasabunot pa sya sa ulo nya.
Nilingon ko naman sya. “Dahil wala akong pakialam sa kanya”
Yun lang saka ako naglakad paalis.
Sumunod naman sya.
“NO. You care for that puppy” he said.
“Bahala ka kung ano ang iisipin mo”
“Ang sabi mo mas mabuti pa ang hayop sa tao. Pero bakit mo itinapon ang puppy na yun? Kahit ba ang puppy na yun ay hindi mo hahayaang makapasok sa mundo mo?”
“Oo” I said.
Mukhang nabigla naman sya.
“Mas gusto kong mapag-isa. Kaya iwan mo na ako” yun lang ang sinabi ko saka naglakad paalis.
Oo. Gusto kong alagaan ang puppy na yun.
Pero paano?
Kung ang sarili ko mismo ay hindi kayang alagaan ang sarili ko?
Kung ang sarili ko mismo ay walang care sa sarili ko?
Kinagabihan…
Nakaupo ako sa harapan ng study table ko sa loob ng kwarto ko at gumagawa ng assignments.
Pero…
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
Napalundag pa ako sa sobrang pagkabigla.
Sheesh.
Kailangan ko na atang palitan ang ringtone na yun. Pero paano ba? Ngayon lang ako nakahawak ng cellphone sa tanang buhay ko kaya hindi ko alam kung paano ba halukatin ito.
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
Hindi ko pinansin ito. Magdusa ka.
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
Lalalala. Hindi kita naririnig. Hindi kita naririnig.
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
Yeah, yeah…walang maingay. Walang maingay….
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
Hindi ka nag-i-exist Jeon Jungkook. HINDI KA NAG-I-EXIST!
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
AAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!! BWISSSSSSEEEEEETTTTTT!!!
Pinulot ko ‘to at galit na sumigaw.
“ANO?!” I yelled.
“…….”
“HELLO?!”
“…..”
Teka, bakit walang sumasagot?!
“Sheesh!” saka ko pinatay.
Tatawag tawag pero hindi rin pala magsasalita?! Nang-aasar ba talaga sya?!
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
UUUURRRRRRRRRRGGGGGHHHH!!
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
PATAHIMIKIN MO AKO JEON JUNGKOOK!!
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
JEON JUNGKOOOOOOOOOKKKKKKKK!!!
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
Galit kong pinulot yun at sumagot.
“ANO NGA?!” ang iritable kong sagot sa phone.
Sana lang ay hindi ako marinig ng stepmom ko kundi baka masasaktan na naman nya ako.
“Uhm…uhmm…” ang ubo nya sa kabilang linya.
“Tatawag ka ba para ubuhan lang ako?!”
“-----uy! Si Maknae oh! Tinatawagan na naman ang girlfriend nya!” ang sabi ng ibang boses sa kabilang linya.
Huh?
“Hyung!!!” ang sigaw nya sa kabilang linya.
Hyung?
“Uh Hello? Snow?” ang sabi naman nya.
“Hello?” ang taka ko naring sagot.
Pinaglalaruan ba nila ako?
“----oy! Oy! Pakinggan nyo ‘to! Si Leader! Kakausapin si Snow!”
“HYUNG! UMALIS NGA KAYO! HINDI AKO MAKAPORMA DITO EH!” ang sigaw naman nya sa kabilang linya.
“Hi Snow! Pagpasensyahan mo na ang maknae na leader namin ha! Mahiyain talaga yan pero sweet naman! HAHAHAHAHAHA!” ang sabi ng ibang boses sa kabila.
Ano bang nangyayari?!
“HYUNG! ANO BA! ANG CELLPHONE KO! IBALIK NYO SA AKIN!!” ang narinig kong sigaw nya.
Lumalayo narin ang boses nya mula sa phone. Bakit feeling ko ay nag-aagawan sila ng cellphone sa kabila? -____-
“SNOW!! SI J-HOPE ‘TO! REGARDS DAW SABI NI LEADER!!”
O-kay…
“IBALIK NYO CELLPHONE KO!”
“JIMIN! CATCH!” ang sigaw naman ni J-hope sa kabila.
“HYYYUUUUUNNNGGGG!!!” ang narinig kong sigaw nya.
“HI! SI JIMIN ITO! ANO…! GWAPO NAMAN ANG LEADER NAMIN AH! KAYA PUMAYAG KA NG MAKIPAG-DATE!”
Urrrggghh..ang gulo!
“Uh hello Snow?” at ngayon ay sa tingin ko ay sya na ang nakahawak ng cellphone nya. “Pagpasensyahan----urrrggghhh!! RAPMONSTER!!!”
“Hello? Snow?! Si Rapmonster ito---”
*toot-toot*
Okay. Namatay na ang linya.
Bakit parang feeling ko ay napaglaruan lang ako ngayong gabi?
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
Urrrrrrghhhh!! Wala talaga syang balak na patahimikin ako noh?!
“Hello?!!” I yelled.
“Ah…h-hello?” ang hinihingal nyang sagot.
Teka, bakit parang galing sya sa pagtakbo?
“Ano?” ang tanong ko.
“Ah…I’m sorry about that. Dapat pala pag tatawagan kita dapat hindi ko sila kasama” he said.
“So anong sasabihin mo kaya ka tumawag?”
“Uh…a-ano…”
“Ano?”
“Gusto ko lang sabihin na…” he sigh then paused. “…goodnight and I love you”
Bigla akong natigilan sa sinabi nya.
Oo.
Sinabi na naman nya ang LOVE WORD.
At hindi ko alam…
Kung bakit nag-iinit na naman ang mga pisngi ko ngayon.
“Hello? Snow? Hello?”
Pero hindi ako makasagot.
Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi nya.
“Snow? Okay ka lang? Sno---”
Then I press the end call button.
At nandidilim ang mukha kong napaupo nalang sa kama ko habang hawak ang cellphone na bigay nya.
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
Pero hindi ko sinagot yun.
*Your Jungkook Oppa! Your Jungkook Oppa!*
Tama.
Mas mabuting hindi ko nalang sagutin ang mga tawag nya.
At mas mabuting ibalik nalang sa kanya ang cellphone na ‘to.
Hindi dahil sa galit ako sa kanya.
Pero dahil…
Ayoko ng makarinig pa ng kasinungalingan na magmumula sa kanya.
Alam ko namang nagsisinungaling lang sya sa pagsasabi nya ng mahal ko.
Oo…
Love is only a lie that was made to break our hearts in the end.
At hindi ko hahayaang…
Magaya ako sa parents ko.
O sa kahit kaninong naniwala ni minsan sa buhay nila...
Na totoo nga ang love.
to be continued....