Visible
Chapter 8
Ang pinakaayokong lugar sa buong mundo…
Ang bahay namin.
Dahil…
“BAKIT NGAYON KA LANG NAKAUWI HA?!” ang sigaw ng babaing yun.
…magkikita na naman kami ng stepmother ko at ang walang pakialam na Papa ko.
At hanggang ngayon ay nanginginig parin ako sa takot sa tuwing kaharap ko ang babaing ito.
“S-sorry po…m-may violin lesson ako---”
“VIOLIN LESSON, VIOLIN LESSON! YAN KASI! FEELING MAYAMAN KA! SINASAYANG MO LANG ANG ORAS MO SA PAGTUGTOG NG VIOLIN NA YAN!” ang sabi nya habang tinutusok-tusok ang noo ko gamit ang hintuturo nya.
“S-sorry po---”
“HALIKA DITO!” saka nya ako marahas na hinila sa braso at ipinasok sa banyo.
Saka nya ako itinulak kaya napaupo ako sa basang semento.
“DYAN! MAGLINIS KA NG BANYO! DYAN KA NABABAGAY AT HINDI SA PAGTUGTOG NG VIOLIN! BWISET!”
Then she slammed the door.
At hindi ko narin mapigilan at napaiyak ako.
Oo.
Sana nga mag-isa lang ako.
Sana nag-iisa nalang ako sa mundo.
Para sa ganun, ay wala ng makakapanakit sa akin.
Wala ng magpapaiyak sa akin...
Next day…
JUNGKOOK'S POV:
“Anong nangyayari kay V? Bakit parang wala na naman sya sa mood?” ang tanong ko nang makitang nakasimangot na naman si V habang naglalakad kami sa hallway.
Hapun na at tapos na ang last period namin.
“Hay naku…” si Suga. “Akala nya kasi nahanap na nya yung first love nya. Pero nung puntahan nya, ibang Angel pala ang itinuro sa kanya”
Nilapitan ko naman si V at tinapik sa balikat.
Tumango naman sya.
“Teka, diba si Snow yun?” si Jimin.
Agad naman akong napalingon. “Saan?!”
Pero wala akong nakitang Snow.
At mukhang pinagloloko ako ng mga baliw na ‘to.
“WAHAHAHAHAHA! NARINIG MO LANG SI SNOW, NAPALINGON KA NAMAN AGAD!” si Rapmonster.
At nagtawanan na silang lahat maliban kay Jin na parang inaantok pa at si V na wala na naman sa mood.
“Pero teka…si Snow oh!” si Suga.
“Yeah, nice try Suga” ang sabi ko.
“Hindi nga! Si Snow nga!”
Napalingon naman ako and…
“GOTCHA! WAHAHAHAHAHA!” si Suga.
Shit.
Agad ko naman syang binatukan.
“Pag di kayo tumigil, babatukan ko kayong lahat” ang banta ko.
“Wait, si Snow” si Rapmonster.
“Yeah, yeah…whatever” ang sagot ko.
“Hindi, seryoso na ‘to. Nanduon sya oh. Nakaupo sa labas at…nagpapakain ng tuta?”
This time ay lumingon na ako.
At tama nga. Nasa labas nga sya at mag-isang nakaupo habang may pinapakain syang…tuta?
“Snow?” ang biglang sabi naman ni V at napalingon din sa tinitignan ko. “Sya ba ang babae mo, Leader?”
My brows met. “Kilala mo sya?”
He smiled. “Yeah. Nakilala ko sya kahapon sa Music room”
Nagkatinginan naman ang ibang members ko.
Saka sya tinapik ni Rapmonster sa balikat.
“Naku V, kay leader na si Snow so put your hands off her” si Rapmonster.
He smirk. “Are you kidding me? I’m not interested to her. Kay Angel lang ako”
I smiled. “Buti naman…for a moment pare, bigla akong kinabahan.”
He smiled too. “No, Snow is all yours. Atsaka hindi ko kakayanin ang ka-weirduhan nya kaya sayo na sya.”
Tinapik ko nalang sya sa balikat.
Oo, hindi ko alam ang gagawin ko pag nagustuhan nya rin si Snow.
Pero buti nalang at hindi sya nainteresado.
“So pupuntahan ko muna ang girlfriend ko” ang masaya kong sabi.
They whistled.
“Wooooo!!! GIRLFRIEND DAW OH! SI LEADER! LUMALABLAYP NA!!” ang tudyo ni Suga.
Pero ngumiti lang ako.
“Tsk, mga baliw”
Yun lang saka ako naglakad papunta sa kanya.
SNOW POV:
Nakita ko lang ang puppy na ‘to kaninang umaga dito.
Hindi ko rin alam kung bakit ko sya biglang binigyan ng tinapay.
Sa totoo lang ay ito ang unang beses na nagkaroon ako ng pakialam sa iba.
Pero okay lang naman ‘to.
Animals are better that human.
Atleast, pwede kang mag-trust sa hayop.
Hindi ka nila sasaktan.
At hindi ka din nila tatalikuran.
“Boo!”
“EEEEKKKK!!!!” ang naitili ko nang may biglang umihip sa tenga ko.
At paglingon ko…
Ang nakatulalang si Jeon ang nakita ko.
“Anong ginagawa mo?!” I yelled habang nakahawak sa tenga ko.
But then…slowly…he smiled.
“Wow. Marunong ka rin palang magulat?” he said looking amused.
“Of course marunong akong magulat dahil tao ako”
Yun lang saka ko ibinalik ang tingin ko sa puppy at pinagpatuloy ang pagpapakain ko.
“What are you doing?”
Saka sya naupo sa tabi ko.
Pero hindi ko sya sinagot.
Dahil pag sinagot ko sya ay baka isipin nya na hinahayaan ko lang syang pumasok sa mundo ko.
“Saan mo napulot ang puppy?”
NO comment.
He sigh.
“Buti pa yung puppy…tinatrato mo ng mabuti. Bakit ba feeling ko ay mas mahalaga pa sa’yo ang puppy na yan kesa sa tao?”
Natigilan ako sa sinabi nya.
I sigh.
Wala akong magagawa.
Hindi talaga nakukuha sa pananahimik ko ang lalaking ito.
“Because animals are better than humans…” I said.
JUNGKOOK'S POV:
“Because animals are better than humans” she said.
At natigilan ako sa sinabi nyang iyon saka ako napalingon sa kanya.
And her eyes…is filled with sadness when she said that.
“Atleast ang hayop hindi ka sasaktan. Hindi ka din nila tatalikuran. And I trust them than humans” she continued.
Yes.
I always wonder...
Bakit ba…
Parang wala syang trust sa tao?
She’s so mysterious.
And the more she become like this, the more na mas gusto kong buksan ang mundo nya at makita kung sino ba talaga sya.
Yes. I’ve liked her.
Nagustuhan ko sya dahil hindi ko sya kayang basahin.
Nagustuhan ko sya dahil nagiging normal na tao lang ako sa paningin nya.
Na pinaparamdam nya…
Na katulad ng ibang tao ay tao lang din ako.
Normal na tao lang din ako.
At katulad ng ibang tao…ay hindi nya rin ako gustong papasukin sa mundo nya.
Pero…
My brows met nang makita ko ang pasa na yun sa braso nya.
“What is this?” I asked.
to be continued...