Visible
Chapter 14
JUNGKOOK'S POV:
“Anong nangyayari kay Leader? Kanina pa nya tinititigan ang mineral water na nasa kamay nya” si Jimin.
“Oo nga” si V. “Okay pa sana yun pero kanina pa sya ngumingiti. Di ba dapat na tayong kabahan?”
“Sheesh. Nagmumukha na syang baliw.” Si Rapmonster.
I heard J-hope gasped. “Hindi kaya…nababaliw na ang leader natin? WAAAHHH!! ANONG GAGAWIN NATIN? SINO ANG MAGDADALA SA KANYA SA MENTAL HOSPITAL AT PAANO NATIN SASABIHIN ‘TO KAY MANAGER?!”
Binatukan sya ni Suga. “Gago! Yan ang first na ibinigay sa kanya ni Snow kaya hindi sya maka-move on sa saya!”
“Ahh…yun pala yun…” ang sabay pa nilang sabi.
Tama sila.
Para na akong nababaliw na nakangiti habang nakatingin sa ibinigay nyang bottled mineral water.
Ang saya ko.
Para siguro sa kanila ay mineral water lang ito.
Pero para sa akin…napakalaking bagay nito dahil si Snow ang nagbigay.
At ito ang kauna-unahang bagay na ibinigay nya sa akin.
Kaya hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa bottled mineral water na yun.
Nasa practice room pala kami ngayon at nagpa-practice ng sayaw sa bagong MV na gagawin namin.
“Leader…nauuhaw na ako…painom naman…” ang lapit naman sa akin ni Rapmonster at akmang aagawin yun sa akin.
Pero agad kong iniwas yun. “Wag ‘to! Inumin mo na ang lahat wag lang ‘to!”
“Aiiissshh…ang damot naman o. Parang wala naman tayong pinagsamahan” saka nya aagawin uli.
Pero inilayo ko yun. “Sa kanila ka na humingi ng tubig!”
“Teka lang…ako parin ang hyung mo! Kaya dapat pagbigyan mo ang gusto ko!”
“Pero mas napapaboran ang maknae kaya dun ka na!”
“Tubig lang naman yan pero kaya mo ng kalimutan ang mga pinagsamahan natin?! Ng dahil lang sa MINERAL WATER?!” ang madrama pa nyang sabi. “Kung talagang ganun kaimportante sayo yan, IPA-LAMINATE MO NALANG!
Napataas naman ako ng mukha.
Tama.
Bakit ba hindi ko naisip yun?
Pero biglang nagsalita si Jimin. “Pero teka…saan nagpunta si Jin hyung?”
SNOW POV:
Nasa tabi ako ng lockers area ngayon at tahimik na kumakain ng lunch.
Itinatanong nyo siguro kung bakit dito ko kinakain ang lunch ko.
Simple lang. Ayokong makisabay kumain sa maraming tao.
Atsaka mas gusto ko dito dahil tahimik dito at walang makakakita sa akin.
Nakaupo ako sa sahig habang ngumunguya at sinadya ko talagang sa sulok maupo para walang makapansin sa akin.
Pero…
“Pahingi ng pagkain…”
“EEEKKKKKKK!!” napatili ako nang may biglang humablot ng ulam ko at nang lingunin ko…
Isang gwapong lalaki na nakasuot ng hood ang ngayon ay nakaupo sa tabi ko.
Teka…KANINA PA BA SYA NANDITO?!
At teka…BAKIT NYA INAGAW ANG ULAM KO?!
Pero wala na akong nagawa nang isubo na nya ng buo ang fish sticks na baon ko.
“Teka…sino ka?!” ang tanong ko.
Napatingin naman sya sa akin.
Teka…
Parang pamilyar ang mukha nya sa akin…
“Ang pangit ng pagkakaluto ng fish sticks. Kulang ng flour…” ang sinabi nya lang.
Kinuha na nga nya ang ulam ko…NILAIT NYA PA ANG LUTO KO…sumusobra na ata ang estrangherong ito.
Pero natitigan ko ng mabuti ang mukha nya.
Tama.
Ngayon ko lang naalala…
Ka-myembro sya ni Jeon sa BTS pero hindi ko alam ang pangalan nya.
“Jin” he said. “Jin ang pangalan ko at alam kong Snow ang pangalan mo. Bibili lang sana ako ng lunch pero nakita ako ng mga fans namin kaya nagtago ako dito”
Hindi nalang ako nagsalita at naibaba ko nalang ang lunchbox ko.
“Kakainin mo pa ba yan?” ang tanong nya.
“Eh?”
“Ang lunch mo…kakainin mo pa ba?”
“Ah…ehh…”
Tama, nawalan narin ako ng gana at isa pa ay hindi ko na makakain ‘to ngayong may kasama na ako. Hindi kasi talaga ako nakakakain ng mabuti pag may kasama ako.
“Sa’yo na…” saka ko ibinigay yun sa kanya.
“Salamat” ang sabi nya lang saka sinimulang lantakan ang lunch ko…
Naupo nalang ako ng mabuti at hinayaan nalang syang kumain.
“Ang pangit ng lasa ng gulay. Overcooked. Dapat sa huli mo na ito inilalagay para hindi malanta…” ang sabi pa nya.
Talagang sinusubukan ng lalaking ‘to ang pasensya ko ah.
“Alam mo…ngayon ko lang nakitang nainteresado sa babae ang leader namin” ang biglang sabi nya. “Simula nang mabuo ang grupo namin ay never pa syang bumanggit ng pangalan ng babae. Pero nung dumating kami dito, araw-araw ka nalang nya ikinukwento sa amin”
Huh?
Sa akin lang naintersado ang sikat na lalaking yun?
Naramdaman ko bigla ang pag-init ng pisngi ko.
“Minsan ko lang syang makitang nakahawak sa cellphone nya. Pero nang makilala ka nya, minu-minuto nalang nyang tinitignan ang cellphone nya at chini-check kong nagtxt ka ba o tumawag man lang. Ngayon ko lang syang nakitang ganun ka-excited sa isang bagay”
Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
“Seryoso sa buhay si Jungkook at pressured sya dahil sya ang leader namin. Pero simula ng makilala ka nya…doon ko lang sya nakitang ngumiti ng totoo. And as the group eldest member…gusto ko lang sabihin na…sana, kung dumating man ang araw na magustuhan mo sya at maging kayo…sana, hindi mo sya iiwan at mamahalin mo sya ng totoo. Dahil ngayon lang na-inlove ang Maknae namin at gusto namin na maging masaya sya”
Ang dami na nyang sinabi pero wala parin akong maisip na isasagot.
Tinapos nalang nya ang pagkain nya saka nya ibinalik sa akin ang lunchbox ko.
Nakatulala ko namang tinanggap yun.
Tumayo na sya at nagpagpag ng pantalon.
“You know what?” he said. “I can clearly see na talagang seryoso sa’yo si Jungkook so I’m asking you now , not only as his group member or hyung but also his friend to please…give him a chance”
Yun lang saka sya naglakad paalis.
Leaving me behind and deeply dumbfounded.
to be continued...