Sa kabila ng lungkot hinggil sa nalamang maagang pagkawala ng kanyang dating kaibigan na si Crisanto ay nagpatuloy si Leon sa pagtuntong sa bahay nito upang makita ang kanyang mag-ina na kung saan ay inaanak niya ang anak nitong si Crisanta.
Hindi siya nahirapang hanapin ang bahay ng mga ito dahil tanging ito ang bahay na hindi kinakitaan ng pagbabago. Nakasara ang pinto kaya nag-alinlangan siyang kumatok, ilang sandali siya nagmanman pero naiilang na siya sa ipinupukol na tingin ng mga kapitbahay nila na nakapansin sa kanya kaya napilitan na siyang kumatok bago pa siya pag-isipang magnanakaw.
Naghintay siya ng ilang minuto matapos kumatok pero walang nabukas ang pinto. Naisip na wala roon ang mag-ina kaya aalis na sana siya nang makarinig siya ng kalabog mula sa loob na tanda na may taobsa loob. Mabilis siyang kumatok muli at sa pagkakataong 'yon ay mas nilakasan niya ang pagkatok.
Narinig niya ang nagmamadaling paglapit ng yabag sa pinto at binuksan 'yon.
Nagulat ang babaeng nagbukas ng pinto ng makita siya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na para bang kinikilala siya nito. Bago pa nito maibuka ang bibig ay tinawag na niya ito sa pangalan nito.
"Celia?" anang niya dahilan upang balutin ang mukha nito ng pagtataka.
"K-Kilala mo ako?" maang na saad nito.
Napangiti si Leon dahil ganoon ba kalaki ang pagbabago niya para hindi makilala nito.
"Oo," tugon niya kay Celia.
"Teka, kung maniningil ka ay wala naman akong alam na utang," palatak ni Celia sa pag-aakalang sisingilin niya ito.
Napatawa na lamang si Leon sa reaksyon ng dating kakilala.
"Sir, pasensiya ka na kung napagkamalan kitang naniningil pero hindi po talaga kita kilala," seryosong wika nito.
Hindi maiwasang mapaisip si Leon sa nakikitang hitsura ng dating kababata. Para tuloy isinampal sa kanya na matanda na siya at sa edad niyang 'yon ay kailangan niya ng asawa.
"Sir, baka may balak kayong ipakilala ang sarili niyo o kaya ay magsalita kasi abala akong tao, marami akong inihahandang kakanin para ibenta sa palengke," gagad ni Celia dahilan upang mabilis na sinabi ni Leon ang kanyang pangalan.
"Leon, Leonardo Valdez," bulalas niya na kinatigil ni Celia at mabilis na tiningnan siya sa mukha.
Ilang sandali itong hindi nakaimik at tila pinuproseso sa isipan ang kanyang sinabi.
"Leonardo Valdez," ulit nito sa buo niyang pangalan.
Sa pagkakataong 'yon ay tila nakikilala na siya nito.
"Leon?" palatak nito na hindi makapaniwala.
Napangiti siya ng matamis kay Celia nang tuluyan siyang maalala rito.
"Leon, ikaw nga, aba, mukhang asensado ka na, a," bulalas ni Celia. "Halika, tuloy ka. Mabuti naman at naalala mo pang dumalaw rito, tagal na noong huli kang nagawi rito," wika nito. "Naku, pasensiya na kung makalat ang bahay, abala kasi ako sa maliit na kakaning business namin ng anak kong si Santa," walang prenong turan ni Celia.
Hindi maiwasang ilibot ni Leon ang tingin sa loob ng bahay ng dating kaibigan. Halata sa ayos ng bahay ang payag na pamumuhay ng mga ito.
"Maupo ka, Leon, saglit at ipagtitimpla kita ng kape—" putol na alok ni Celia sa kanya.
"Ayos lang ako," mabilis na wika.
"Ganoon ba, halika, tikman mo na lang itong gawa naming suman ni Santa o kaya itong biko," alok pa ni Celia sa kanya na hindi na niya natanggihan dahil mukhang nakakatakam naman ang mga 'yon.
Naupo si Leon sa lumang kahoy na upuan habang nagsasalin si Celia sa plato. Maganda pa rin naman si Celia pero wala naman siyang balak ligawan ito.
Naiiling siya sa ideyang pumasok sa kanyang isipan kaya hindi niya tuloy napansin na nasa harapan na pala ang babae.
"Alam mo na ba ang nangyari kay Crisanto?" untag nitong tanong.
"Nalaman ko lang kanina kay Aling Nena," bigay-alam niya kay Celia na noon ay umupo sa kabilang upuan.
Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa, nasa mukha ang lungkot dahil sa pag-alala sa namayapa nitong asawa.
"Pasensiya ka na, Celia, wala na kasi akong balita sa inyo noon," nahihiyang wika sa babae.
"Wala 'yon, naiintindihan ka naman ni Crisanto, masyadong mataas ang pangarap mo kaya imbes na abalahin ka niya ay hinayaan ka na lang niya at mukhang nagbunga naman lahat. Tingnan mo ang sarili mo, mukhang ang yaman-yaman mo na," nahihiyang hayag ni Celia kay Leon.
"Sinuwerte lang naman," humble pa ring turan.
Maya-maya ay tila may naalala si Celia sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap.
"Oo nga pala, inaanak mo si Santa, hindi ba?" bulalas nitong tanong.
Napangiti si Leon sa sinabing 'yon ni Celia. "Oo nga, e, mukhang dalaga na siya," sagot niya kay Celia.
"Sinabi mo pa, ang bilis ng araw, akalain mo 'yon, ilang araw na lang ay debut na niya," tugon naman ni Celia sa kanya na kinagulat niya.
"Eighteen na siya?" palatak na tanong sa sobrang gulat.
Natawa si Celia sa kanyang reaksyon.
"N-Nasaan nga pala siya?" usisa nang makabawi sa pagkagulat. Hindi niya alam kung bakit may excitement siyang naramdaman na makita ang kanyang inaanak lalo na at dalaga na pala ito.
"Ayon, nagkukulong sa silid. Aba, akalain mo 'yon, ipinangako ko kasi sa kanya na magde-debut siya pagdating niya ng eighteen years old, ngayong malapit na ang birthday ay sinisingil na ako. Pambayad nga ng kuryente at tubig hindi ko alam kung saang kamay ko kukunin," dere-deretsong hinaing ni Celia.
Nangingiti na lamang si Leon dahil para itong si Tiya Jesusa niya, ang matandang dalagang tiyahin na nagpalaki sa kanya na kung magsalita ay dere-deretso.
"Bakit mo naman kasi siya pinangakuan kung hindi mo naman pala tutuparin?" maang na wika ni Leon.
"Hay naku, Leon, hindi ko naman alam na matandain ang batang 'yan, pangako ko 'yon noong dose anyos pa lamang siya," bulalas pa ni Celia. "Hayaan mo siya, magkulong siya mahapon, magdamag sa silid niya, sino bang magugutom siya rin naman," palatak ni Celia nang bigla ay makarinig sila ng pagbukas ng papasira ng pinto.
Kapwa sila natahimik ni Celia nang lumabas mula sa pintuan ang isang babaeng naka-duster ng manipis at kitang-kita ang maumbok nitong dibdib at bakas sa manipis na tila ang nakatirik na n****e nito.
Hindi tuloy malaman ni Leon kung bakit hindi inaanak ang tingin sa babaeng niluwa ng pinto at nag-init pa ang buong katawan nang makita ang buong ayos nito.
"Santa!" malakas na tawag ni Celia sa anak dahilan upang magulat ito.
"Inay akala ko ba—" putol na wika nito nang magtama ang paningin nila ni Crisanta o mas kilala sa tawag na Santa.
Bakas sa mukha ng bata ang pagkapahiya at mabilis na niyakap ang sarili saka nagmamadaling bumalik sa silid.
"Pasensiya ka na, Leon, nasanay lang ang batang 'yon na hindi nagba-bra kapag nasa loob ng bahay," dinig pang paliwanag ng ina sa lalaking kasama nito.
'Leon?' ulit niya sa pangalang tawag ng ina sa lalaki. 'Manliligaw kaya niya?' dagdag pang tanong sa isipan.
Pinipilit niyang isipin ang mukha ng lalaki, guwapo naman ito at mukhang mayaman. Ayos na ang lalaki para sa kanyang ina tutal ay matagal na rin namang wala ang kanyang ama.
Kumalam muli ang kanyang tiyan kaya nagmamadali siyang nagsuot ng bra at naghanap ng maluwag na tshirt na isusuot.
Hindi pa man ganap na nakakapagpalit nang katukin siya ng ina.
"Anak, lumabas ka na diyan at hinihintay ka ng Ninong Leon mo," malakas na boses ng ina sa may pinto.
"Ninong Leon?" maang na wika sa kawalan. "Teka, ninong ko ang lalaking nasa labas?" bulalas niya na hindi makapaniwala. 'Akala ko pa naman manliligaw ni inay,' pilyang saad sa isipan saka napangiti sa naisip.
"Ano na, Santa, kakausapin ka raw niya tungkol sa debut mo," saad ng ina na nagpalaki ng kanyang mga mata.
Mukhang ang Ninong Leon niya ang sagot na hinihiling niya sa Diyos.
Mabilis siyang lumabas at nakitang nakatitig sa kanya ang lalaki.
"Magmano ka sa Ninong Leon mo," utos ng kanyang inay sa kanya.
Napatingin siya sa lalaki, mukhang bata pa naman ito para maging ninong niya. Napansin niya ang malalagkit at mapanuring tingin nito sa kanya dahilan upang mailang na gawin ang inuutos ng ina.
"Ano na, Santa, tutunganga ka na lang ba diyan?" diga ng ina kaya napilitan siyang kunin ang kamay ng lalaki at nagmano rito.
Tila gustong matawa si Leon pero nagpigil siya, hindi niya naman aakalain na ganoon kaganda ang kanyang inaanak. Kung hindi lang sa kasing-edad niya ang mga magulang nito ay gusto niya sanang ligawan ito kaya lang masyadong alangan ang kanilang edad.
"Sabihin mo na lang kay Santa ang gusto mong gawin, Leon, tutal sabi mo ay utang mo naman sa kanya 'yon," bulalas ng ina.
Mabilis siyang binalingan ng lalaki at ngumiti ito.
"Nasabi nga pala ng mama na nangako siyang magde-debut ka, unfortunately ay wala pa siyang ipon para doon. Bilang ninong mo ako at hindi man lang kita naregaluhan mula noong 1 years old ka hanggang ngayon ay ako na ang sasagot sa debut mo," turan ng lalaki sa kanya.
Sa sobrang tuwa sa narinig ni Santa ay napayakap siya sa lalaki at nagulat na lamang siya nang yakap-yakap na ito. Nahihiya tuloy siyang kumalas rito at humingi ng despensa.
"P-Pasensiya na po, ninong, na-excite lang po ako," turan niya rito na hindi maitago ang tuwa.
"Naku, Leon, huwag kang mangako kung wala kang balak tuparin baka isumpa ka niyan!" natatawang biro ng ina.
"Marunong akong tumupad, Celia," tugon niya sa babae sabay hawak sa kamay nito sabay baling kay Santa na noon ay matamang nakatitig sa kamay na nakahawak sa kamay ng ina nito. Hindi tuloy malaman kung bakit tila may nabanaag siyang kakaiba sa titig na iyon ng kanyang inaanak.