bc

SANTA: The Goddaughter(Super SPG)

book_age18+
8.1K
FOLLOW
65.6K
READ
one-night stand
HE
age gap
powerful
boss
drama
bxg
city
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Mature content: Babala, ang ilang eksena ay malubhang sensitibo.Obsesyon sa kanyang ninong ang nagtulak kay Santa na akitin ang kanyang Ninong Leon kahit pa sinabi na nitong may kasintahan. Gamit ang mura at maalindog na katawan ay nagawa niya itong akitin pero hindi niya inaasahang maging ang ina ay magiging karibal dito. Paano gagawing tama ang mali, kung tingin ng ibang tao ay para na siyang anak at hindi kasintahan ng kanyang ninong? Masama bang magmahalan ang mga taong magkalayo ng age gap?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Finding Old Friends
Kay bilis ng pagdaan ng araw at taon, hindi aakalain ni Crisanta Marie Miraflor o mas kilala sa tawag na Santa na ilang araw na lamang ay magde-debut na siya. Bata pa lamang ay pangarap na niya 'yon kaya hindi siya nagrereklamo kung maaga siyang nagiging upang tulungan ang ina sa paggawa ng kakanin at pagtitinda sa palengke at kung saan-saan kapag wala siyang pasok sa eskwela dahil sa pangako ng ina kapag magsisipag siya ay magkakaroon siya ng debut. Napangiti ng maluwag ang inosenteng labi haba nakatitig sa malaking kalendaryo nila. "Hoy, Santa, baka akala mo salamin ang tinititigan mo, kalendaryo 'yan para sabihin ko sa 'yo," malakas na sita ng ina sa kanya. "Alam ko naman, inay," nakangiti pa ring tugon sa inang si Aling Celia. "E, anong meron sa kalendaryo at bakit ngiting-ngiti ka diyan, aber?" palatak nito na nagpamaywang pa. Masiglang lumapit si Santa sa ina. "Inay, hindi mo ba maalala?" tanong sa ina na tila napaisip. Kunot-noo na lumalalim na ang pag-iisip ng ina sa kanyang sinasabi. "Ano na naman 'yan, Santa, pinag-iisip mo pa ako, e, ang dami kong gagawin!" inis na wika ng kanyang ina. "Inay, hindi mo ba talaga naaalala?" giit na tanong sa ina ni Santa. "Ano ba, Santa, sabihin mo na lang kasi marami pa akong gagawin," inis pa ring wika ng ina. "Hindi ba pangako mo sa 'kin noon na magde-debut ako?" nakangusong wika nang matigilan ng ina at doon ay napako ang tingin sa kalendaryo. Mukhang sa wakas ay nakuha niya rin ng tuluyan ang pansin ng ina. Ilang sandaling napatitig ang ina sa kalendaryo sabay iiling-iling na ibinaling ang tingin sa kanya. "Anak, natatandaan mo pa 'yon, naalala ko twelve years old ka pa lang noong sinabi ko 'yon," bulalas ng ina. "Hindi ko talaga makakalimutan, inay, kaya nga sinisipagan kong maglako ng kakainin kasi gustong-gusto ko talagang mag-debut," litanya niya sa ina. "Hay naku, Santa, huwag mo na nga akong pagproblemahin. Iniisip ko pa nga kung saan ako huhugot ng pang-enroll mo, malapit na naman ang pasukan at sa susunod na taon ay magka-college ka na," litanya ng ina na tumataas na naman ang boses. "Pero, inay, hindi ba't pangako niyo?" anang niya na naiiyak na. Sa narinig kasing sinabi ng ina ay tila wala itong balak na tuparin ang pangako nito. Para tuloy gumuho ang kanyang pangarap dahil bukod sa pag-i-imagine niya na kasama ang KoreanK-pop star niyang crush na si Kim Soo-hyun ay ang napipintong debut niya ang nagpapaligaya sa kanya. "Oo noon 'yon anak dahil alam kong makakalimutan mo rin," pag-aamin ng ina. "At saka, hindi naman tayo mayaman para magganyan-ganyan ka pa," hirit pa ng ina dahilan upang mas lalong manlumo si Santo. Napabusangot siya sa ina, masama ang loob dito lalo na at nasabihan na niya ang best friend na si Lailani hinggil sa mga plano niya sa kanyang debut. "Huwag mo akong simangutan, Santa, aba, hindi tayo mayaman para gumastos sa walang kuwentang bagay!" sermon ng ina na nagpaiyak ng tuluyan kay Santa. "Pero pangako mo kasi 'yon, inay, lahat naman ay tiniis ko para—" putol na wika nang makitang namaywang na ang ina at halatang galit na ito. "Aba, ikaw pa ang may ganang manumbat. Akala mo ba madali ang ginagawa ko araw-araw para lang may kainin ka araw-araw, makapasok ka sa eskwela at para may baunin ka tapos dahil lang sa debut na 'yan ay susumbatan mo ako!" asik ng kanyang ina sa galit. Batid ni Santa na kapag ganoon na ang tono ng ina ay mas mainam nang manahimik na siya. Padabog niyang iniwan ang ina at nagkulong sa silid, hindi talaga niya maiwasang mapahagulgol dahil tila bumagsak ang pangarap siya sa hindi pagtupad ng ina sa pangako nito. Hindi niya alam kung ilang oras siya nagkulong aa silid, hindi naman siya ginambala ng ina dahil baka naisip nitong mali ang ginawa nitong pinaasa siya sa bagay na hindi naman pala nito mapapanindigan. Dahil sa hapo sa pag-iyak ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Nang maalimpungatan ay halata ang mamumugto ng kanyang mga mata. Kumakalam na rin ang sikmura niya kaya napasilip siya sa second hand at de keypad pa niyang cell phone upang tingnan kung anong oras na. Nanlalaki ang mga mata ng alas-dos na pala 'yon ng hapon, kaya hindi na siya magtataka kung bakit nakalam na ang kanyang tiyan. Kampante siya lalabas dahil sa ganoon oras ay nakabalik na ng ina sa palengke upang muling maglako ng kakanin. Bumangon siya sapo ang tiyan at lulugo-lugo na lumabas ng silid, pupungas-pungas pa siya at hindi na nag-aksayang ayusin man lang ang buhok. Sa pag-aakalang mag-isa lamang siya ay hindi na rin siya nagpalit ng damit. Manipis na lumang duster ang suot tutal ay pareho naman silang babae ng ina kaya ayos lang na wala siyang bra sa loob ng bahay. Dadalawa lang kasi ang bra niya na salitang ginagamit niya kapag napasok siya sa eskwela o kaya lalabas ng bahay, nasira na kasi ang isa at hindi na pwede i-repare pa ng tahi o sulsi ng kanyang ina. *** Hindi maiwasan ni Leonardo Valdez na magbalik sa lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip. Umalis lang siya sa lugar na 'yon nang makakuha siya ng scholarship sa isang unibersidad sa siyudad ng Baguio kung saan ay nagtagumpay siyang makatapos sa kursong enhinyero. Hindi naging madali ang daang tinahak upang maabot ang tamis ng tagumpay, sa kabila kasi ng mataas na parangal na nakuha nang magtapos ay hindi naging garantiya 'yon para makapasok siya sa malalaking kompanya sa bansa. Isang taon din siyang palipat-lipat ng kompanyang pinasukan dahil sa mababa na nga sila magpa-sweldo ay wala pang benipisyo o anumang life insurance kapag naaksidente sa line of duty. Dahil sa inaalat siya sa Pilipinas ay sinubukan niyang tumawid overseas at doon ay napalad siyang nagtungo sa Saudi Arabia kung saan ay naranasan niyang magpaalipin sa ibang lahi. Dahil nga baguhan at wala pa masyadong kilala at experience ay nagsimula siya sa mababa pero pinagtiyagahan niya hanggang magtagal siya roon ng limang taon at sa loob ng limang taon na 'yon ay nakuha niya ang loob ng Briton niyang boss. Doon nagsimula ang lahat nang mag-offer ito ng partnership at bubuo sila ng isang construction firm sa UK. Malaki-laki na rin naman ang naipon niya noon dahil sa wala naman siyang pamilya na binubuhay bukod sa kanyang matandang dalagang tiyahin na nagpalaki sa kanya noon. Naging matagumpay ang construction firm na itinayo nila ng dating boss at dahil sa katandaan nito at sa komplikasyon sa sakit ay namatay ito dahilan upang ibenta sa kanya ng asawa nito ang shares nito sa kompanya. Ngayon ay siya na lamang ang nagmamay-ari ng construction firm kung saan ay gumagawa ng iba't ibang gusali sa buong United Kingdom. Aakalain ba ni Leon na ang dating namumulot ng basura para makakain ay magiging multi-millionare sa ibang bansa. Maraming nagbago na sa Tondo pero may isang bagay na constant, at 'yon ay ang kahirapan. Marami pa ring batang-kalye, barong-barong at basura pero may ilang nagtatayugang building na rin namang naitayo. Mabilis na tinumbok ang daan pabalik sa dating tinitirhan, maraming alaala ang bumabalik sa kanya lalo na ang kaibigang si Crisanto, ang kababata at napangasawa nitong si Celia at ang inaanak sa mga itong si Crisanta. Bata pa ito noon at mukhang sa tagal na hindi nagagawi roon ay marami na siyang utang rito. Napangiti si Leon nang makitang bukas ang kainan ni Aling Nena sa pinakakanto ng papaloob sa dati nilang tirahan. Doon sila laging nakatambay noon ni Crisanto habang hinihintay si Celia na kanyang nililigawan hanggang sa aksidenteng mabuntis niya ito sa edad na seventeen. Itinabi niya ang sasakyan sa gilid dahilan upang mapukaw ang pansin ng ilang parokyano ni Aling Nena sa kantina nito. Marahil ay nagtataka kung bakit may magarang sasakyan na nagawi sa kanila. Pagbaba niya ng sasakyan ay nakitang nakatingin pa rin sa kanya ang mga tao hanggang sa maya-maya ay tila narinig ang pangalan niya kaya napaikot ang tingin ni Leon hanggang sa makita ang isang natandang nakatungkod na salubong ang noo na nakatitig sa kanya. "Leon, ikaw na ba 'yan?" ulit nitong tanong at nang makita ang malaking nunal sa may kilay nito ay doon naalalang ito si Aling Nena. "Aling Nena?" maang na wika at doon ay bumakas ang masayang ngiti sa labi ng ginang. "Aba, ikaw nga 'yan, Leon, mukhang asensado ka na, magara na ang sasakyan at suot mo," anito. "Pinalad lang po konti," humble na wika. "Mabuti naman, akalain mo 'yon, mahiwaga talaga ang buhay. Aakalain bang ang dating namumulot at nakain ng tira-tira rito at yayaman," saad nito. "Sipag at tiyaga lang po," aniya rito. "May pamilya ka na ba?" untag nitong tanong bagay na kinalungkot niya dahil sa sobrang subsob sa trabaho ay nakalimutan niyang mag-asawa. Marami namang babae ang umaali-aligid sa kanya lalo na si Brittany, isang Filipino-British na nahuhumaling sa kanya pero kilala niya itong isang gold-digger at alam na niya kung bakit sa kabila ng pagtanggi rito ay patuloy sa pagpapakita ng motibo. "Wala pa po," sagot dito. "Naku, mag-asawa ka na, sa yaman mo kahit limang asawa ay kaya mo na buhayin," natatawang biro ng matanda. "Talo ka ni Crisanto, dalaga na ang anak nila ni Celia," saad nito na nagpa-excite sa kanya nang banggitin nito ang dating kaibigan. "Kumusta po sila? Dito pa rin ba sila nakatira?" masiglang tanong sa matanda ngunit nabawasan ng saya nang makitang nalungkot ang mukha ng matanda. "Bakit po, Aling Nena, hindi ba sabi mo malaki na ang anak nila?" hirit niya. Napabuntong-hininga ito. "Matagal nang wala si Crisanto," anito na kinagulat niya. "Mga walong taon na rin siguro, nakuryente siya sa trabaho," kuwento ni Aling Nena na kinalungkot niya para sa dating kaibigan. Hindi man lang niya nalamang wala na pala ito. "Ang mag-ina niya, diyan pa rin po ba sa looban nakatira?" tanong sa matanda na tinugon nito ng tango.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
14.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.2K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.6K
bc

The Sex Web

read
151.3K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
95.1K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.8K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook