Sabado kaya tanghali na nang magising si Santa. Hindi pa sana siya magigising nang marinig ang talak ng kanyang ina sa kanilang banyo, marahil ay naglalaba ito. "Santa, gumising ka na diyan at magbanlaw rito! Aba, hindi ka mayaman para matulog maghapon diyan!" sigaw nito na kanina pa siya ginigising upang tulungan itong maglaba. Pupungas-pungas na bumangon si Santa ngunit tinatamad talaga siya kaya napabalik siya ng upo. "Ano na Santa!" tinig ng ina na nasa may pintuan pala. "Babangon na po," tinatamad na wika Santa sa ina nang makitang may itinapat na damit sa mukha niya ang ina. Napadilat ang mga mata dahil nakitang ang mga bagong damit na binili ang hawak ng ina. "Ano 'to, Santa!" bulalas na tanong ng ina. "Damit," tinatamad na sagot sa ina. Ibinato nito ang damit sa kanyang muk