Chapter 14: Bubuntot-buntot si Ninong

1565 Words

Mas lalong napatunayan ni Santa na ang Ninong Leon nga niya ang nagmamay-ari ng sasakyang nasunod sa kanya lalo na nang maghiwalay sila ng kaibigang si Lailani. Nakasunod pa rin ito hanggang sa makarating ang tricycle na kanyang sinakyan sa harap nina Aleng Nena. Sa may kalayuan lamang ito pumarada pero batid na ang ninong niya 'yon. Nagtataka man kung bakit siya nito sinusundan pero hindi maipagkakailang masaya siya sa nalaman. Ewan ba pero iba ang pakiramdam na lihim siya nitong sinusundan. 'In love ba ako sa kanya?' aniya sa isipan. May parte ng isipan na sinasabing hindi sila bagay pero malaki ang parte na nagsasabing walang edad ang pag-ibig. Pero sa mundong ginagalawan natin ngayon, marami ang mapanghusga lalo na sa tulad ng dalawang taong magkalayo ang agwat ng edad. Pagbungad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD