Kahit anong pigil ni Leon na huwag magpakita sa inaanak ay mas lalo namang gumagawa ng pagkakataon na magkita sila kaya sinabi sa isipan na pagkatapos ng birthday nito ay puputulin na rin ang ugnayan kahit pa nakapangako siya rito. Sa nakitang reaksyon pa lamang ng mga tao nang magkaabresiyete sila noong nagpunta sila sa food tasting ay halatang may hindi maganda sa tingin nila. Hindi ma-pin-point ang eksaktong tawag sa malisyo nilang tingin pero tila may mali. Ganoon naman ang tao kapag nakakita ng hindi pangkaraniwan lalo sa agwat ng edad nila ni Santa. Mas maganda yatang ituon na lang ang pansin sa tunay niyang balak sa pagbabalik Pilipinas, 'yon ay ang tamang lugar upang magpatayo ng sarili niyang construction firm dito. Gusto niyang sa Pilipinas na mismo magtrabaho, bukod sa pagod