Chapter 2 Stay

1156 Words
Gabi na nang makalipat na sila sa rest house ni Mori dahil sa pag-iimpake ng mga kagamitan nila Hezekiah. Tumulong din si Mori sa bayarin nila na may interest na rin pala. Mabuti nga't napaki-usapan ni Mori ang namamahala sa inuupahang kwarto ng magkapatid at naka-discount siya. Tulong-tulong na nag-ayos sina Jomar at Jayson habang si Hezekiah naman ay nasa gilid habang bitbit ang mga bagaheng nakasampay sa mga balikat niya. "Tara, I'll show you your room." Ani Mori na tinulungan siya sa pagbubuhat. "Salamat," ani niya saka pa lihim na napangiti sa pagiging Gentleman ni Mori. Dalawang palapag ang rest house ni Mori. Classic at may pagka-native ang concept ng bahay niya na halatang yari sa kahoy na purong narra. Makintab ang sahig nito na yari sa sementong kulay pula. "Feel at home, okey?" sambit pa nito sa kaniya. Pumanhik sila sa ilang baitang ng hagdan at doo'y nakita ang engrandeng palapag. May dalawang kwarto ang nandoon at may malawak na balkonahe na pwedeng pag-siestahan. May mga kasangkapan din ang bahay ni Mori na pinagsamang Filipino at Japanese concept. Nasa dingding kasi ang mga hirigana na kasulatan at ang nakahilerang samurai nito na naka-arranged nang maayos. Naroon din ang isang malawak na lamesa na maraming papel at kung anu-ano. Maraming paint brush at mga rektanggulong telang canvass. Mahangin ang itaas na palapag dahil sa outdoor window nito na pinalamutian ng mahahabang puting kurtina. "Welcome to my world." Nakangiting sambit ni Mori na ikinangiti rin ni Hezekiah. "Sa'yo lahat 'to?" mahinhing tanong niya sa binata. "Yes." Masayang sambit nito. "Mag-isa ka lang?" Natigilan ang binata at umayos ng boses. "Oo, ako lang." May bahid ng kalungkutang sambit nito. "Nasaan na pala ang mga magulang mo?" tanong pa ni Hezekiah. "Amm, ang mabuti pa'y pumunta muna tayo sa kwarto mo, halika." Sabay hatak sa kamay ni Hezekiah papunta sa kaliwang bahagi ng palapag. Nang mabuksan ni Mori ay bumungad ang isang malaking kwarto na may malaking kama sa gitna, napapalamutian ito ng makikintab na porcelain vases, adornong galing pa sa Japan. Kulay pula ang concept ng kwarto na binagay sa kulay ng bedsheets at unan. Pati ang mga kurtina ay naka-laces na kulay pula. Mahangin din doon dahil sa malapad na bintanang nag-aanyaya ng hangin papaloob. "Sa'min ba 'to?" tanong ni Hezekiah. "No, sa'yo lang 'to. Sa first floor sina Jayson at Jomar. May mga kwarto rin doon." He smirked and glimpsing Hezekiah's worried face. "Baka...kasi.." "Don't worry, I'm harmless. Hindi naman ako namimilit," makahulugang sambit nito na ikina-awang ng bibig ng dalaga. "H-hindi kasi, ang ibig kong sabihin..ano,a-ano ang lulutuin ko para makapaghapunan na tayo?" pag-iiba niya ng topic. "Tara, punta tayo sa kusina." Sabi pa ni Mori na hinapit pa ang beywang niya. Hindi alam ni Hezekiah ang mararamdaman, hindi siya sanay sa ganitong trato at damdamin. Aminadong sanay siya sa kakulitan at pagiging sweet ng mga kapatid niyang lalaki, pero iba ang nararamdaman niya kay Mori. She felt this unfamiliar feeling, something she can't figure out. Hindi na niya napansing nakababa na pala sila sa hagdanan papuntang ibaba at doon nga'y nakita ang mga kapatid na masayang naka-upo sa malapad na sofa roon sa sala. "Ate! Ang laki ng kwarto namin, gusto mo makita?" ani Jomar. "Mas malaki sa'kin uy!" Sabat naman ni Jayson. Dahil sa narinig ay napangiti si Hezekiah at tinitigan si Mori. Alam niyang alam nito ang tirig na iyon. They know what the meaning of that stare, pero ang dalawang sina Jayson at Jomar ay kapwa naguguluhan dahil sa eksenang iyon. "Ate? Okey ka lang?" Sa pagkakataong iyon ay napagitla si Hezekiah at pinamulahan, animo'y napaso ito sa kakaibang damdamin na mararamdaman niya. Nagtungo siya agad sa kusina, kasunod niya'y sina Jomar at Jayson na walang kaide-ideya sa set-up nila. Napa-iling na lamang si Mori sa pagkakataong iyon, never in his entire life na magkaroon ng babaeng pag-iinteresan niya at heto nga't ibinahay niya. He is just a playboy man who like to play some lonely woman. Pero karamihan ng nakarelasyon ni Mori, they all end up just a night or a day. Walang nagtatagal sa kamay niya. Gaanoon siya bilang isang binata, a bachelor with a free status to attached with, no commitment, no emotion attached at all. Doo'y pumunta na siya sa kusina at doo'y nakita ang hindi inaasahang pagtutulungan ng magkakapatid. Nakita niya ang masayang paghahanda ng mga kobyertos ni Jayson, naghahain naman si Hezekiah sa kanin na niluto ng kaniyang kusinera at si Jomar na hinhanda ang mga inuming juice at mga baso. Mayroong bagay na naman siyang nakita na mayroon kay Hezekiah na wala siya. Iyon ay ang mapagmahal at masasayang kapatid. "Kuya Mori, halika na...kain na tayo," magiliw na sambit ni Jomar na inaaya siya sa mesa. Mapait na ngumiti si Mori at ihinakbang ang kaniyang mga paa papalapit sa nagkakasiyahang magkapatid. "Tingnan mo po, ang sarap ng ulam. Pakbet!" takam na sambit ni Jayson. "Ang swerte naman po ninyo, kuya Mori, bukod sa gwapo ka po, mayaman at may bahay, swerte po kayo kasi lahat ng bagay mayroon kayo." Bibong sambit ni Jomar na nakaupo na sa silya. Nakaupo na rin si Hezekiah na nakikiramdam sa kaniya. Marahang umupo si Mori at hinawakan ang kobyertos. "Mas maswerte kayo.." sabi pa niya sabay tuhog sa gulay na nakahain sa gitna. "Ops! Teka lang po," ani Jomar. Hinawakan nito ang kamay niya at ganoon na rin sina Hezekiah at Jayson. "Manalangin po muna tayo, sa ngalan ng ama, ng anak at ng espiritu santo.." pambungad na dasal ni Jomar na ikinamangha ni Mori. Never in his entire life, that he pictured out himself doing these things. Ni hindi nga niya alam ang pagdarasal, aminado siyang katoliko ang mama Dina niya pero hindi niya alam kung bakit wala silang kaganapan noon na magsimba, sabay na kumain o kahit man lang makipag-bonding sa isa't-isa. Tumahimik lang si Mori habang nagdarasal si Jomar. Napako ang tingin niya kay Hezekiah na noo'y nakapikit at taimtim na nanalangin. He felt guilty. Parang ngayon lang niya naramdamang mayroon siyang kinuha kay Hezekiah na kailanma'y hindi na niya maibabalik. Sa unang pagkakataon ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata at sumabay sa dasal at presensya ng diyos. "Amen," narinig ni Mori na tila tapos na ang ginagawa ni Jomar. Ibinuka niya ang mga paningin at doon nakita niya ang masayang pagsasalu-salo na kailanman ay hindi niya nalasap. "Thanks god." Anas pa ni Mori na masayang nakisabay sa kulitan nila Jomar at Jayson. In the other hand, Hezekiah looked to his eyes again, sa pagkakataong iyon ay nakikita ni Hezekiah ang isang pag-asang nakakubli roon. Alam niyang mabuting lalaki si Mori, kailangan lang nitong alamin kung paano nito magagamit at mabubuksan. Ngumiti siya sa binata at maganang isinubo ang talong habang naka-kamay. itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD