Chapter 3 Crazy

1143 Words
"Pagmata na! Bangon na mo uy! Mura mog mga pensionado ha!" bulalas pa ni Hezekiah sa sa mga kapatid niya na nakanganga habang nakatihayang natutulog sa kwartong iyon. Tila nakatulog ang dalawa mula sa paglalaro ng PS4 na nakakonekta sa isang flat screen TV. Dahan-dahang bumangon sina Jomar at Jayson. Halatang naputol ang mahimbing na pagtulog nila. "Aish! Si ate talaga," sabi ni Jomar habang kinakati ang pisngi. Si Jayson naman ay sumandal sa upuan saka itinaob ang ulo. Halatang nagtu-tulog-tulugan. Dahil sa inis, ay agad na kinuha ni Kiah ang isang unan at binato sa ulo nito. "Hindi ka babangon!" Ani niya na saktong nasapol ang ulo ng binata. Tumagaktak iyon sa mesa na rason upang mapatawa si Jomar. "Magmadali kayo uy! Kailangan n'yong mag-ayos sa bahay, tumulong kayo sa gawain, huwag n'yong kalimutan na nakikitira lang tayo! Mga bagag nawong!" ani Hezekiah na nagmartsa palabas sa kwartong iyon. Ngayon ang unang araw na dapat niyang pagsilbihan si Mori bilang amo niya. Matiisin si Hezekiah sa kahit ano kaya nagpapasalamat ang mga kapatid niya sa kaniya, dahil bukod sa pagiging madiskarte ay nakakayanan ni Hezekiah ang lahat. Nang mapunta siya sa garden ay naisipan niyang lagyan ng tubig ang mga bulaklak. Natutuyo na kasi ito, at halatang walang nag-aalaga. Nakabusangot ang mukha niya sa umagang iyon nang biglang may narinig siyang paghikab. Nakatuwad siya habang abala sa mga halaman, so, Mori in the other side, unintentionally caught Kiah's backview. "Good morning!" bati pa ni Mori sa nakatuwad na babae. "Inatay!" halos mapalinga si Kiah sa kawalan, walang tao sa puntong iyon kaya nag-tabi-tabi po siya sa mga halaman, halatang hindi napansin si Mori sa taas ng bintana na nakangiti sa kaniya. "Tabi-tabi po, tabi-tabi po, nagdidilig lang ako ng halaman, huwag n'yo pong palakihin ang puday ko," rinig pa ni Mori mula sa dalaga na ikinahalakhak niya. Narinig ulit ni Kiah iyon, kaya natigilan siya. "Hala uy! Huwag kayong ganiyan ba!" kinakausap pa ni Kiah ang bulaklak habang hawak ang hose. "Halika! Kukunin kita!" tudyo pa ni Mori na naaaliw sa dalaga sa ibaba. "Naaaa! Sige lagi ron! Jujumbagin talaga kita ba!" sabi pa ni Kiah na rason upang mapalakas ang tawa ni Mori. Napalinga si Kiah sa bintana at nakita ang mukha ni Mori na tuwang-tuwa. "Abnormal!" anas niya habang nakabusangot ang mukha. Inirapan pa niya ang lalaking iyon, hindi niya akalain na magiging boss niya ang lalaking naka-virgin sa kaniya! Nagmartsa siya papalayo sa hardin at bumalik sa loob ng bahay. Kiah went to the kitchen and made some coffee, iyon ang natandaan niyang mando ni Mori last time, isang kape na walang asukal sa umaga before ito mag-breakfast. Nakabusangot siya sa kusina habang gumagawa sa coffee maker nang biglang may nagsalita sa likod niya. "Kiah.." "Ay ilaga!" nabulalas niya dahil sa kaba. Agad niyang nilinga ang pigura ni Mori na kunot-noong nakatitig sa kaniya. "Masyado kang nerbyosa, ano?" Mori said. "Ay oh sir oy! Lalo na kapag gaya n'yong...lami-on.." "What?" "Ay wala sir!" "Anong...lami-on?" "Ay wala sir, it's nothing berry importance, never minded sir, okey?" Trying hard na ingles ni Kiah. Natawa si Mori sa pagiging biba nito, naiiling na lang siya sa kalokohan ng dalaga. Mayamaya pa ay inabutan siya ni Kiah ng isang tasa ng kape. Nasa harap niya ito habang sumisimsim kaya't hindi nito napigilang maibuga ang kapeng iyon nang malasahan ang lasa nito. Sapol sa mukha ni Hezekiah ang buga nito. "Damn, what is it?" nasamid si Mori dahil sa lasa nito. "That is the coffee in the country, very better, sir, berry berry better.." "What?" "Ano sir ba, 'yong matapang, kapeng barako." "Ahhh....okey. I get it." Patango-tango na sabi ni Mori sa dalaga. "Yes sir..that's it!" Ngisi pa si Kiah na halatang atrasado basta inglesan. Napasapo sa ulo si Mori at napasandal sa counter top. "Aissh! Okashiku nari-sōda!" (I'm going crazy!) bulalas ni Mori na halatang nahihirapan sa pag-intindi sa dalaga. "Sir? You want to eat yourself? Or you want to eat me first?" "Ha?" "You want to eat yourself?" "Oh my god!" Ani Mori na iniwan si Kiah sa kusina. Kiah on the other hands, was clueless. Kamot-kamot nito ang sariling ulo na halatang napapatanong kung bakit nag-walk out si Mori, tama naman ang tanong niya, sa palagay niya. "Abnormal talaga!" Ani niya saka pa nag-umpisang maglagay ng pagkain sa mga plato at ilagay sa tray. Maybe Mori wants to eat sa kwarto niya, kaya umalis. Walang kaide-ideya si Kiah that time, ang nais niya lang ay pagsilbihan si Mori, well of course, iyon ang trabaho niya in return sa pagpapatuloy nito sa kanila doon. Nang matapos, ay agad siyang pumanhik sa kwarto nito na dala ang tray. Hindi nakasarado iyon, kaya malaya siyang nakapasok. "Sir, the order is coming sir..." tawag pa niya kay Mori na nilinga ang buong kwarto. He is not there, kaya hinanap niya ito, not knowing that Mori is in the bathroom trying to undress his things. Mori is standing infront of the sink, nang marinig ang boses ng dalaga. Napapikit siya habang naririnig ang pag-iingles nito. "Aish! Ang kulit!" Mori shake his head. Dahan-dahan niyang kinuha ang towel at nilagay sa beywang niya, para kausapin ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng banyo, at doo'y nakita ang nakatalikod na babae na lumilinga-linga sa paligid. "Hey!" "Ay luso!" bulalas ni Hezekiah na kamuntikan nang mabitiwan ang tray. "Ilagay mo lang sa table. I'll eat it later." Sabi pa niya kay Kiah tapos isinarado pabalik ang pinto. Kiah on the other side is thinking. Inilapag niya ang tray at hinanap ang letter na sinasabi nito. "Nasaan naman kaya ang letter dito? Kung saan-saan kasi nilalagay. Hay naku!" sambit pa niya sa mababang boses. She check every drawer, corner at mga ilalim ng ponda sa kama nito, pero wala talaga. Hinanap niya sa ilalim ng nga drawer, mga mesa at divider na nandoon. Nakatuwad siya habang nakaluhod sa isang banda. "Excuse me? Anong ginagawa mo?" "Itlog!" Mori caught her by surprise. Agad na tumayo si Kiah at nagpagpag. "Hinahanap ko ang sobre," she said in her clueless mind. "Ha? Anong sobre?" "Eh 'di ba sabi mo, letter?" Napa-face palm si Mori at umiling. Nakatapis siya ngayon ng tuwalya habang basa ang buhok. Tagaktak ang tubig nito sa balikat niya, at amoy na amoy ni Kiah ang sabon nito. "What?" Mori asked, nang napansing nakatulala siya sa binata. "W-wala naman, sir." Iwas pa ni Kiah na agad lumayo at nagpunta sa may pintuan. "Call me maybe, sir, okey?" sabi pa ng dalaga saka pa sinirado ang pintuan. Mori shake his head as he understand Kiah's words. "Kureiji!" he said as he leave a smile on his face. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD