Nakaupo sa silya si Hezekiah habang nakatingin sa pulis na nasa lamesa nito at nagsusulat ng nakalap na impormasyon. Nasa kulungan siya ngayon habang nakikiusap na h'wag kasohan ang kaniyang dalawang kapatid.
"Sir, sige na sir, patawarin mo na ang mga kapatid ko, mahirap lang kami sir, sir naman." Ani ni Hezekiah sa nanginginig na boses.
"Dhay, kay sir Yashiro ka makiusap. Siya ang ninakawan, hindi ako." Tumalim ang mata ni Hezekia sa nasabing binata. Nakatayo lang ito sa gilid at abala sa pagtetelebabad sa cell-phone nito. Nakangiti pa ito na tila masaya at nag-Hahapon ng lenggwahe.
Tumayo siya at walang habas na tinungo ang direksyon ng binata. Hindi niya alintana ang mga kapulisan na nasa palid at hinatak niya ito papalabas.
"Hey!" asik ni Mori habang hawak ang telepono nito at ang kabila naman ay ang paghatak ni Hezekiah sa braso niya.
"You! You, make rape me last night ah! You want, I, I, t-tell the police also?" sambit niya sa pigil at gigil na boses niya.
Lumawak ang singkit na mata ng binata at ibinaba ang hawak na telepono. Inayos nito ang sarili at tumikhim.
"So you're that.."
"O yes I'm the one!" trying hard na English ni Hezekiah. Nakapamaywang pa ito sa harap ng binata. Nang biglang may tumikhim at nagtanong sa likuran nila.
"May problema ba? Mr. Yashiro? Any problem sir?" tanong ng pulis.
Mabilis pa sa alas kwatro si Hezekiah na nagbago agad ng mukha, nakangiti ito at inakbayan pa ang may kataasang hapones na iyon.
"Naku, wala sir oy! Wer payn..fine pala." Ani niya Saka kinurot ang balikat ng binata.
"Yes we're good sir." Si Mori.
Tumango lang ang pulis at bumalik na sa loob ng silid. Agad namang tinulak ni Hezekiah ang binatang iyon at dinuro.
"Hoy! You rape me not one but two! So we're bagay..i mean we are patas, enough already you forgive my brothers. Then I will forgive you!" sabi pa niya sa lalaking walang emosyon na nakatingin sa kaniya.
"Gan'on ba?" sarkastikong sambit ni Mori na ikinalaglag ng panga ni Hezekiah.
"Marunong kang mag-Tagalog?"
"Siyempre naman, matagal na akong pumupunta rito," ani nito saka pa lumabi at pinasadahan ang suot ni Hezekiah. Bakas pa kasi sa suot nito ang nangyari sa kanila kagabi.
"Anong tinitingin-tingin mo riyan? Upakan kita eh!" Tapang-tapangan na sambit ni Hezekiah kahit ang totoo'y natutupok siya sa bawat titig ng binatang iyon.
Muling nagsalita si Mori at naglahad ng kamay. "Mori, and you are?" Pakilala nito kay Hezekiah.
"Hezekiah, Hezekiah Pascual." Nayayamot na inabot ni Hezekiah ang kamay ng binata at nakipag-kamay. They connect for once at masasabing pormal na iyon.
"Kapatid mo pala ang mga lalaking 'yon?"
Tumango lang si Hezekiah at yumuko.
"Patawarin mo na sila, nagawa lang naman nila 'yon kasi.."
"It's okey, I hold that incident, pinalaya ko na sila." Sabi pa ni Mori kay Hezekiah.
"Talaga? Hala! Maraming salamat," masayang nakipag-kamay si Hezekiah pero naputol iyon nang mag-salita ulit si Mori.
"But I need something in return," natigilan si Hezekiah sa ginagawa.
"Anong kapalit?" walang muwang na tanong niya sa lalaking iyon. Malawak na ngumiti si Mori at sinipat ang kaniyang kabuuan. Lumabi rin ito na madalas nitong ginagawa, hindi ikakailang may appeal si Mori. Matangos ang ilong nito at may nangungusap na singkit na mata. Makapal ang kilay nito na bumagay sa mukha nito na halatang alaga sa dermatologist. Nahihiya nga si Hezekiah sa sarili dahil mas makinis pa ang balat ni Mori kaysa sa kaniya.
"I... I want you.." natigilan si Hezekiah sa narinig. Anong ibig sabihin ni Mori?
Magsasalita na sana siya nang dugtungan iyon ni Mori. "I want you to be my escort, my personal tourist guide while I stay here." Sambit pa nito na ikinamilog ng mata niya.
"G-ganoon ba?" tanong pa niya. Hindi niya alam ang magiging reaksyon gayong nakuha nito ang p********e niya at nagyon nga'y imbes siya ang dapat pagbayarin, ay siya pa yata ang lugi ngayon dahil sa ginawa ng kaniyang mga kapatid. Imbes na siya ang maglakas-loob na magdemand ng gusto niya, parang siya pa yata ang kawawa ngayon.
Bagsak-balikat na tumango si Hezekiah at tumahimik na. Sakto namang dumating sa likuran nila sina Jomar at Jayson na mabilis na yumakap kay Hezekiah.
"Ate...ate..sorry po," ani Jayson na nakayakap sa kapatid. Ganoon rin si Jomar na yumakap rin sa dalawang sina Hezekiah at Jayson. Napansin ni Mori ang bagay na mayroon si Hezekiah na wala sa kaniya. Ang pamilya.
Tumikhim si Mori at nagtanong.
"Ano ba kasing problema ninyo bakit ninyo nagawa iyon?" pormal na tanong niya sa mga ito. Sumagot si Jomar.
"Papalayasin na kami sa inuupahang bahay namin kasi delayed na kami ng limang buwan." Dahil sa narinig ay napako ang tingin ni Mori kay Hezekiah, animo'y nakikiramdam siya sa anumang respobsibilidad nito sa dalawang kapatid.
"Nasaan na pala ang mga magulang ninyo?" Pag-tatanong pa niya sa mga ito.
"Patay na sila." Pinal na sagot ni Jomar na ikinatahimik lang ni Mori.
"Kaya nila nagawa iyon, ako lang kasi ang inaasahan nila, pero delayed palagi ang sahod ko, kaya kulang lang sa mga otang namin ang kinikita ko sa paglalaba sa resort." Malumanay na pahayag ni Hezekiah.
"Hez, if you want, pwede kayong doon muna sa rest house ko, pwede kayo roon. Ako lang naman ang nandoon, mostly nga wala ako roon." Ani ni Mori na ikinakislap ng mga mata ng magkakapatid. Hindi nila inaasahan ang sinabi ni Mori.
"Narinig mo 'yon, ate?" tanong ni Jomar sa kapatid na niyugyog pa ang balikat.
"May matutuluyan na tayo," sambit naman ni Jayson na mabilis na inakbayan ang binata.
"Mula ngayon, sir na po ang tawag namin sa'yo, kahit ano po, just talk to me." Ani nito na trying hard din kung maka-Ingles. Napangiti si Mori sa mga kapatid ni Hezekiah. Ngumiti si Hezekiah at napansin iyon ni Mori.
Sa pagtitig nila sa isa't-isa'y alam nila ang ibig sabihin n'on. Isang pasasalamat. Kasabay ng mabilis na pangyayari ay ang mabilis na paglalapit ng dalawang tao na hindi inakalang magku-krus ang landas dahil sa isang gabing hindi nila makalimutan.
Sabay-sabay silang pumasok sa sasakyan ni Mori at tinungo ang bahay na inuupahan nila Hezekiah, sinamahan sila ni Mori na kumuha ng mga gamit nito at nang makalipat na sila sa rest house na binili ni Mori sa Davao.
Nang makababa sina Jomar at Jayson ay nanatili sila Hezekiah at Mori sa sasakyan.
"Salamat."
"Sorry." Sabay na bigkas ng dalawa sa isa't-isa. Alam nila na sa sandaling iyon, may isang kabanata ng buhay nila ang magbabago, at iyon ay dahil sa sisimulan nilang pagkakaibigan.
Kapwa sila natawa at awkward na napatingin sa magkabilang bintana. Alam nilang kapwa nila hindi sinasadya ang nangyari. They're now even, and they guess more than even.
...itutuloy.