"Hey!" Mori called Hezekiah when he saw her wiping some tables.
"Sir?" sabi pa nito. Hawak nito ang isang spray na pledge at pantrapo ng mga cabinet.
"Aalis ako, maiwan ka rito," slang na sabi ni Mori bago pa kinuha ang susi ng kotse na nakasabit sa isang key holder.
"Okey, sir. When you see me? I see you, sir?"
"What? Oh Christ, Kiah, magtagalog ka, hindi kita maintindihan, okey?"
"Ay, okay sir. Ang sabi ko, kailan ka po uuwi?"
"Tch, just be here, uuwi ako kapag gusto ko, bahala ka muna rito." Sabi pa nito saka nilampasan ang babae.
"Ay teka sir, may nakalimutan ka." Hezekiah told Mori, causing him to be clueless.
"Ano?" lingon pa ni Mori.
"Ito sir," sabi ni Kiah na dala ang supot. Isa itong pack lunch na may lamang pagkain.
"What's this?"
"Pagkain sir, am-am.." nag-gesture pa si Kiah na sinusubo ang kamay.
Naiiling na itinirik ni Mori ang mata saka pa napabuntong-hininga.
"Fine. Give me.." ani ni Mori na hinablot lang ang supot saka pa umalis.
"Bye, sir, take them with handle and care! Bye!" sigaw pa ni Kiah sa papalayong lalaki. Halos mabali ang leeg nito na lumabas pa sa may veranda.
Naiiling si Mori habang sakay ng sarili niyang kotse. Tanaw niya sa salamin ang repleksyon ni Kiah na nakatayo sa may veranda, kumakaway pa ito. He shake his head and smile.
"Loka-loka talaga..." sabi pa niya saka inapakan ang pedal. Hawak niya ang manibela at pinaandar ang sasakyan. Masaya siya sa araw na iyon, at dahil iyon kay Kiah.
Nang makaalis si Mori ay agad na bumalik sa trabaho si Kiah, kinuha niya ang mga timba sa labas ng hardin, nang biglang may narinig siyang isang buzzer. Agad niya itong tiningnan at sinilip.
"Maayong buntag, unsay atoa, maam?" bati ni Hezekiah sa babae na hindi niya kilala.
Pilit siyang ngumiti rito.
"Ah, eh, good morning, ahm..ikaw ba si Hezekiah Pascual?" sabi pa ng babae na tila isang turista.
Tiningnan niya nito mula ulo hanggang paa bago nagsalita.
"Oo, ako nga, sino ka?" medyo prangka ang boses ni Hezekiah sa babaeng iyon.
Ngumiti ito saka pa naglahad ng kamay.
"Ako nga pala si Natasha."
Hindi niya ito tinugon ang kamay ng babae, baka kasi may intensyon ito sa pamamahay ng amo niya, she must be vigilant, hindi lahat ng maganda't mabait ay mabuti, baka ito ang lawyer ng amo niya, o baka staff ito sa resort.
"Sorry, pero if kayo ho ang attorney ni sir Mori, wala po siya rito, at kung tungkol naman sa trabaho ang pakay n'yo, wala na po akong otang sa resort, katunayan nga eh..may sahod pa akong apat na buwan doon, delayed ang sahod ko, alam mo ba." Medyo mataray na saad ni Hezekiah. Umiling lang ang babae.
"I am not here for that, andito ako para makilala ka." Umayos si Hezekiah saka pa ulit niya sinuri ang babaeng iyon, staring her shoes going to her belt and to her used lipstick.
Hmm..baka teacher nila Jason? Isip pa ni Hezekiah sa babaeng iyon.
"Teacher ka ba nila Jason? Sorry maam..pero ano na naman po ba ang kalokohan ng mga kapatid ko?" Hezekiah asked the woman.
Napatawa ang babae sa asal ni Hezekiah.
"Anong nakakatawa?" Parang triggered na tanong niya sa babae.
Umiling ang babae.
"I am Natasha and I am here to meet you...anak ako ni Czarina Castillo, kilala mo ba siya?" Sa sinabi ng babae ay biglang nag-iba ang timpla ni Hezekiah, halatang galit.
"Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" striktang boses nito.
Pagsasarhan sana siya ito ng gate ngunit mabilis na nasingit ng babae ang kaniyang kamay kaya ang ending, naipit ito.
"Aww.."
"Hala! 'Bat mo hinarang?!" dali-daling dinalohan niya ito saka pa kinuha ang brasong naipit. Halatang nag-alala siya dahil sa nangyari.
"Hay naku! Halika na nga sa loob, gagamutin kita." Yamot na saad ni Hezekiah sa babae. Tumalima lang naman ang nagngangalang Natasha, na parang nasisiyahan pa yata sa nangyari. Nakangiti kasi ito.
Tuloy-tuloy sila sa loob ng bahay. Pumunta sila sa salas at doo'y pinaupo siya sa sofa.
"Taymsa ha, kukuha muna ako ng betadine," ani Hezekiah na may pinuntahan.
Mayamaya pa ay dumating ulit si Hezekiah dala ang isang first aid kit box. Umayos siya sa pagkakaupo.
"Hapon pala ang napangasawa mo," ani Natasha sa kaniya. Lumawak ang ngiti nito saka pa nagsalita.
"Single pa ako oy, wala pa akong asawa...kay sir Mori ang bahay na 'to, pinatira niya lang ako rito, temporary."
"Bakit?" maang na tanong ng babaeng kasama niya.
"Kasi pinalayas kami ng mga kapatid ko sa bahay na inuupahan namin, tch. Delayed kasi ang sahod ko eh." Ani ni Hezekiah na ngumuso pa ang nandilat ng mata.
Tanaw ni Kiah na imbes makisimpatiya ay nakita niyang ngumiti lang ang babaeng si Natasha, so naiinis niyang hinawakan ang braso nito.
"Akin na nga 'yan," ani Hezekiah sa braso ni Natasha.
Naka-pongko siya sa harapan ng babae habang nililinisan ang brasong nasugatan dahil sa pagkakaipit. Nakiramdam lang si Hezekiah kay Natasha na noo'y medyo tumahimik.
Kaya imbes na pumagitna ang katahimikan ay nagsalita si Natasha at nagtanong.
"Hezekiah, galit ka ba..galit ka ba kay Czarina, sa mama natin?"
Hindi siya umimik.
"Hmmm?" dugtong pa ni Natasha.
Marahang inangat nito ang mukha sa kaniya at ngumiti. "Oo, galit ako, pero kahit gan'on, tapos na e, nangyari na...kaya okey lang, tanggap ko na pinamigay niya ako at heto nga, nakikitira sa isang estranghero." Medyo may laman ang ibig sabihin nito.
"H-hezekiah..sana maintindihan mo si mama, kung bakit ginawa niya 'yon.."
She giggles. "Of course, inintindi ko siya oy, halos inisip ko na ngang gumawa ng story sa utak ko na may rason kung bakit niya ako pinamigay sa mga taong hindi niya kilala. Sana man lang binigay na lang niya ako sa ampunan..hindi sa..kung kani-kanino lang na tao.." medyo suminghot pa ito na parang naiiyak na.
Aksyon na sana siyang tatayo, pero pinigilan siya ni Natasha sa braso.
"Please..I'm willing to listen." Pigil pa niya.
...itutuloy.