Muli niyang tiningnan si Natasha at mapait na ngumiti.
"Okey, gusto mong malaman kung ano ang naging buhay ko? Sige sasabihin ko.." nagpunas pa ito ng mata saka pa umupo sa tabi niya. Hindi siya nakatingin kay Natasha, bagkus ay nakatingin ito sa malayo.
"Ibinigay ako ni mama sa isang lasinggerong naging tatay ko, pinagbili niya ako sa isang mag-asawang walang anak, tapos minaltrato ako roon, lumaki ako na nakagapos ang paa ko, ni kanin na isusubo ko ay dapat kung tumbasan ng pag-aalila nila sa akin..ni kahit sapin sa paa ay wala ako. Hanggang sa tumakas ako sa poder nila, napunta ako sa bangketa, nakilala ko sina tatay Pedring at nanay Tekla, mga magulang nila Jason at Jomar..tinuring nila akong parang anak, tinulungan ko rin silang palakihin sina Jomar na noo'y musmos pa, hanggang mamatay sila sa sakit at naiwan sa akin sina Jomar. Nagsumikap ako at nagworking student, nag-aral ako habang nagtatrabaho sa umaga, kumuha ako ng three months course sa Tesda, bilang service staff sa hotel, naging laundry woman ako sa resort, at heto nga.. napasok na katulong sa isang hapon." Bumuntung-hininga pa ito saka pa inayos ang mukha, pinahid pa nito ang mumunting-luha sa kaniyang mata.
"I'm sorry.." ani ni Natasha sa kaniya. Umiling si Hezekiah.
"Bakit ka nagso-sorry? Hindi naman ikaw ang may kasalanan eh, walang may kasalanan sa atin, pinanganak lang siguro ako sa maling panahon," ani nito na ngumiti.
"Ikaw ba, kamusta? Bakit ka nandito?" ani ni Hezekiah kay Natasha.
"Ahm..narito ako para kausapin at harapin ka,"
"Wow, talaga? Pumunta ka pa talaga rito? Siguro, mayaman ka ano? Pinaampon ka rin ba?" ani Hezekiah.
Umiling si Natasha.
"Hindi nila ako pinaampon..nabuhay ako kasama ang tiyahin natin." Dinig niya kay Natasha.
Umarko ang kilay niya saka pa nagkibit-balikat, halatang galit.
"Wow ha, hanep ng nanay natin ano? Nag-aanak tapos hindi ginagampanan ang pagiging ina sa atin? Nasaan na pala ang bruhang 'yon?" yamot na tanong niya.
Umiling si Natasha at hinawakan ang kamay ni Hezekiah.
"Wala na..namatay siya sa panganganak sa akin.." seryosong boses nito, nahilaw naman si Hezekiah, at hindi nagpahalatang apektado sa narinig, tila nagsisisi ito sa sinabi.
"Gaya mo ako, Hezekiah, lumaki ako kina t'yang na nagsumikap sa buhay, hindi naging madali ang buhay ko sa club, naging GRO ako, nalugmok, walang natapos, iliterada, kahiya-hiya..pero nakilala ko ang naging asawa ko at inahon ako sa putikan.."
"Talaga..." Hezekiah said.
"Oo, kaso..namatay na ito, at heto nga ako ulit..nag-iisa,nagbabakasakali na mahanap ko kayo.." she was sure while holding Hezekiah's hands.
"Natasha.." ani pa ni Hezekiah sa kaniya na agad siyang niyakap. Hagulhol ito habang nakayakap sa kaniya. Halatang sabik sa isang kapatid, sabik sa isang pagmamahal ng pamilya.
"I'm here..andito ako, andito ako, Hezekiah." Ani ni Natasha sa kaniya.
"Salamat, Natasha.. Nagpapasalamat ako..kasi kahit papaano may nakilala akong kapatid na gaya mo, hindi ko inakalang may kapatid pa pala ako." Kiah said.
"Oo, kapatid kita, sa katunayan nga, may kakambal ka.." Natigilan si Kiah.
Halatang nagulat ito sa sinabi ni Natasha.
"Ako, may kakambal?"
Tumango si Natasha.
"Oo, si Hilaria, nasa Cavite siya ngayon." Ani nito na rason upang mapalawak ang ngiti ni Hezekiah.
"Tatlo tayo?" Hindi makapaniwala si Hezekiah sa nalaman ngayon. Parang dinuduyan siya ngayon sa ulap dahil sa sobrang kaligayahan, gayundin si Natasha.
She's very happy now, sa sobrang kaligayahan niya'y muli siyang napayakap kay Natasha.
Nagtagal si Natasha sa lugar na iyon at nilaan ang oras ba hindi dapat masayang, nagkwentuhan silang dalawa, nag-selfies, tinawagan din nila si Hilaria, na noo'y nakipag-video call pa sa kanila. Masayang-masaya silang tatlo. At dahil nga sa sobrang tuwa, naibalita rin ni Natasha ang nalalapit niyang kasal sa nobyo nito, Flex daw ang pangalan at doo'y napagdesisyonan nilang tatlo na dapat ay nandoon sila na dalawang kapatid nito.
Pasado alas sais na ng hapon nang may dumating sa pamamahay na iyon. Agad na umayos ang dalawa nang makita ang pigura ni Mori.
May dala itong ordered bucket of foods sa isang kilalang restaurant.
"Oh, hi..konbanwa gosaimasu. Ikaw siguro si Natasha? Am I right?" Masayahing boses ng lalaking iyon. Tumayo siya at nagpakilala.
"Good evening, yes.. I am.."
"Totoo nga ang sinabi ni Flex, you're beautiful and smart." Ani nito na tiningnan si Hezekiah.
"It's co-incedence nang makilala ko si Flex sa bar, kagabi..he is asking about Hezekiah Pascual, and luckily..kilala ko siya, hindi ba Kez?" he smile to Hezekiah as if close sila. Matabang na napangiti si Hezekiah at nahuli pa ni Natasha ang pag-irap nito sa lalaki. Halatang gigil na gigil ito sa kung anong rason.
Natasha smiled back.
"Hmm.. Nice meeting you, yes..kapatid ko si Hezekiah, and I'm happy to know that she is safe here with you..sana alagaan mo siya, because if you don't..i will take her with me." Nakangiti siya sa binata. Napatawa si Mori ng wala sa oras.
"Oh, don't worry, I'm taking care of her," hinapit pa nito si Hezekiah sa beywang at dinikit sa kaniyang gilid
"Right, Hezekiah?" ani ni Mori na nakangiti lang.
Hezekiah on her side was clueless. May nakain yata ang abnormal na lalaking 'to? Sa isip-isip niya.
Matabang siyang ngumiti.
"Oo sis, mabait ang gorilyang 'to, hindi nangangagat..este, mabait nga.." paliwanag pa ni Hezekiah na agad binawi ang katawan mula sa pagkakadikit kay Mori.
"Hmm..so paano, mauna na ako, it's getting late." Ani Natasha.
"Oh no no no... you'd better dine with us. Here oh..bumili ako ng Joliibee meals, tara saluhan mo kami." Yaya pa ni Mori sa kaniya.
"Sige na sis.." Hezekiah insisted. Kaya walang nagawa si Natasha kundi ang umayon, tamang-tama naman dahil may nagsidatingan, sina Jomar at Jason na halatang galing sa basketball...pawisan kasi ang mga ito.
"Maayong gabi-i, madlang people...good evening kuya!" bati pa ng dalawang binatilyo na humalik kay Hezekiah at nag-fist bump pa kay Mori.
"Hello po," halos sabay na bati ng dalawang binatilyo kay Natasha.
"Hi," tipid na bati ni Natasha.
"Oh, Jomar, Jason..siya si Natasha, tita n'yo." Sa sinabi niya'y tila nagulat ang dalawa.
"Weee, feeling ka te ha, ang ganda kaya ni maam, hindi halata.." biro pa ng isang may dimple na binata.
Isang kurot ang binigay ni Hezekiah rito na tinawanan lang ng binata.
"Pagpuyo ba! Dili ka mutoo? Pangutana siya.." bernakular na lenggwahe nito sa binata.
"Ah.. maam, totoo po?" ani ng medyo matangkad na binata.
Tumango siya. "Yes, I'm her sister."
"Wow, sana all!" sa sinabing iyon ng dalawa ay lumagapak ang tawanan sa hapag. Tama nga ang sabi nila..sa Jollibee, bida ang saya!
At sa oras na iyon, Kiah was relieved and happy, hindi niya akalain na maganda pala ang lahi nila. May maganda siyang kapatid!
...itutuloy.