Kabanata 1: Ang Pagtatagpo

1741 Words
Kabanata 1: Ang Pagtatagpo Maagang umuwi si Daxon galing sa trabaho. He was initially planning to stay late para tapusin ang pending paperworks niya, pero naalala niyang ngayon nga pala ang araw ng pagdating ng inaanak niya. Kung hindi pa tumawag ang kaibigan ay hindi niya maaalala ang napag-usapan nila. Pagkarating niya sa bahay ay agad niyang tiningnan ang kwarto na kaharap lang ng kwarto niya. Pinalinisan niya ito sa isang housekeeping agency dahil ito ang gagamitin ng inaanak niya. At may rason kung bakit—at ‘yon ay para madali niyang ma-monitor ang dalaga. Sinabihan pa naman siya ng kaibigan na medyo may pagka-outgoing ito at mahilig sa nightlife. Matapos i-check ang kwarto ay lumabas na siya at dumiretso sa kusina para magluto ng hapunan. At dahil hindi siya sigurado kung kumain na ba ang mag-ama ay dinamihan na niya ang niluto. Nang matapos ay tinawagan na niya ang kaibigan, “Peter, kumain na ba kayo?” tanong niya nang sumagot ito. “I made dinner for the three of us, kaya kung nagkataon na kumain na kayo, you have no choice but to eat again,” mabilis niyang sambit bago pa man makasagot ang kaibigan. “That’s perfect, Daxon! The truth is, my daughter wanted to take you out on a dinner, but since nakapagluto ka na, diyan na lang,” tugon ng kaibigan. “Really, dad? Ninong made dinner for us?” Natigilan si Daxon nang makarinig ng boses ng isang dalaga. Napaisip tuloy siya kung ilang taon na ba ang inaanak niya. “I’ll wait for you then,” sabi na lang niya sa kaibigan saka ibinaba ang cellphone. Pagkatapos ay nagsimula na siyang mag-set-up ng mesa. Hindi pa man siya natatapos ay tumawag nang muli ang kaibigan para sabihing nasa tapat na sila ng bahay niya. Dali-dali siyang lumabas. Nawala na sa isipan niya na nakasuot pa siya ng apron, kaya pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay kita niya kung paano gumuhit ang ngisi sa mukha ng kaibigan. “Hey there, momma,” mapang-asar nitong sambit. “Nice outfit you got there.” Hindi napigilan ni Daxon ang mamula nang mapansing may suot pa siyang apron. Dali-dali niya itong tinanggal habang tawang-tawa naman ang kaibigan. “But you look cute in that, ninong!” sabat ng isang babae. Malamyos at mahinhin ang boses nito. Napatingin si Daxon sa kinaroroonan ng boses at nakita niya ang isang dalagang may dalang pink na maleta. Ngumiti pa ito sa kanya nang magtagpo ang mga mata nila. “Althea?” hindi siguradong sambit niya. Hindi kasi siya sigurado kung ito na ba talaga ang inaanak niya dahil dalagang-dalaga na ito. Hulmang-hulma na ang katawan nito. She’s way too far from what he expected to look. “Yes, ninong,” nakangiting tugon nito saka lumapit sa kanya at nagmano. Doon niya naamoy ang matamis nitong pabango. Napalunok siya sa ‘di malamang dahilan. Sinundan niya ng tingin ang dalaga. Hindi niya mapigilang sipatin ito mula ulo hanggang paa. “How old is she?” Ibinaling na lang niya ang atensyon sa kaibigan dahil hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman niya sa tuwing napapatitig sa inaanak. “Magtatampo na talaga ang anak ko sa ‘yo, Daxon Frix,” tila dismayadong sagot ni Peter. “Sorry…” aniya saka hinarap ang dalaga. “I’m sorry, Althea. I was just too busy kaya hindi na ako nakakapunta sa inyo,” paliwanag niya at ngumiti rito. “It’s fine, ninong; I understand,” malambing nitong tugon saka ngumiti sa kanya. “By the way, I’m already 19 years old, and yes, we haven’t seen each other for almost ten years,” dagdag nito bago mabilis na lumapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. “But it’s fine, since nagkita naman na tayo ngayon!” Natuod siya sa kinatatayuan dahil sa pagkabigla. He wasn’t expecting that hug at all. Pero hindi ‘yon ang dahilan ng paninigas niya—it was the unexplainable sensation he felt when Althea’s chèst pressed against his body. Damang-dama niya ang lambot ng dibdíb ng dalaga, at nagdulot ito ng mumunting kiliti na unti-unting gumising sa natutulog niyang alaga. Sa takot na baka maramdaman ng dalaga ang katigasan niya ay agad siyang kumalas sa yakap. “L-Let’s head inside. Baka lumamig na ang pagkain,” sabi na lang niya at mabilis na tumalikod. Hindi niya mapigilang mapamura sa kanyang isipan dahil hindi niya lubos na maintindihan ang naging reaksyon ng kanyang katawan. Did he just get hard? —— “The steak was so good, ninong! I feel like kumain ako sa isang fine-dining restaurant,” nakangiting puri ni Althea kay Daxon habang pinupunasan ang gilid ng labi. “Right, dad?” “Well, I’ll give it to you—ang sarap ng pagkain,” segunda naman ni Peter. “Maybe you should consider putting up a restaurant?” “That’s too much,” nakangiting sabi ni Daxon. “Hindi pang-restaurant ang luto ko. It’s just for household consumption,” aniya at uminom ng wine. “Masyado kang humble,” nakangising sabi ni Peter. “Well, you have always been so modest, and that’s why we are such good friends,” dagdag pa nito bago nilingon ang anak. “Althea, dear, you go get your luggage and put them in your room.” “Yes, dad; that’s what I am planning to do,” tugon nito saka tumayo. “Your room is just right in front of mine,” sabi niya sa inaanak at muling ibinaling ang atensyon sa kaibigan. Ayaw niya kasing mapatagal ang pagtitig sa inaanak dahil naasiwa siya rito. Hindi pa rin mag-sink in sa isipan niya na ang batang dati ay kandong-kandong niya lang ay isa nang ganap na dalaga—maganda at sexy’ng dalaga. “Daxon, I’ll leave Althea in your care,” diretsong sambit ni Peter. “It’s just for a few months,” pag-uulit nito sa napag-usapan. “Don’t worry, Peter. Ako na ang bahala sa anak mo,” paninigurado niya rito. “But I just want to tell you that I’m quite strict. Baka hindi magustuhan ni Althea ang way of discipline ko,” dagdag pa ni Daxon. “It’s fine,” tugon ni Peter. Sa isip nito ay saktong-sakto na si Daxon ang pinili ng anak niya na magbabantay sa kanya. Mas makakasiguro siyang ligtas ito at hindi basta-bastang makakagala kung saan-saan. “Dad, I’m can you help me with my luggage?” sigaw ni Althea mula sa labas ng bahay. “They’re too heavy!” Nagpaalam na si Peter sa kaibigan para tulungan ang anak sa paglipat ng bagahe nito, habang si Daxon naman ay nagligpit na ng ponagkainan nila saka inilagay ang mga hugasin sa dishwasher. Pagkatapos ay pupunta na sana siya sa taas para tumulong pero nakababa na si Peter. “Siya na lang daw ang mag-aayos ng mga gamit niya,” sambit nito sa kanya. “Why don’t we sit down and talk about ourselves? It’s been a while since we last caught up with each other.” Tumango lang si Daxon at pumunta na sila sa living room para mag-usap. Nagdala rin siya ng mamahaling whiskey at isang maliit na bucket ng yelo. Mas maganda kasi ang usapan kapag may alak na kasama. Kung ano-ano lang ang pinag-usapan nila hanggang sa napunta sa kanya-kanyang buhay pag-ibig. “Do you plan to remarry soon?” tanong ni Daxon sa kaibigan. “It’s been almost two decades already since Theresa died,” dagdag niya saka uminom ng alak. Umiling lang si Peter sa kanya. “I don’t think I can find a replacement for my wife. At isa pa, masyado akong abala sa trabaho—you know that.” Uminom na rin ito ng alak. “I’m busy making sure that my daughter gets a comfortable life in case I die.” Tumango lang si Daxon sa sinabi ng kaibigan. Naiintindihan niya ito. Peter has been his friend for almost three decades now. Saksi din siya sa relasyon nito at ng namayapa nitong asawa. Sa katunayan ay siya pa ang tumulong sa dalawa na ilihim ang maagang pagbubuntis ni Theresa, pero nabuking din sila kalaunan. Iyon ang naging dahilan para mas tumatag pa ang pagkakaibigan nila. Kaya nga siya kinuhang ninong ni Althea dahil alam ni Peter at Theresa na magagabayan ni Daxon nang maayos si Althea. “Ikaw, kailan mo balak na mag-asawa?” Natigilan siya. Heto na naman sa tanong na ‘to. He’s sick of hearing the same question all over again. Uminom muna siya ng alak saka nagkibit-balikat. “I don’t know, Peter. Wala pa sa plano ko. But who knows, right? Baka bukas meron na o ‘di kaya sa makalawa,” sabi na lang niya para matapos ang usapan. Tumawa lang si Peter sa isinagot niya saka nito iniba ang usapan. Naramdaman kasi nito na hindi komportable ang kaibigan. Nagsimula silang mag-usap tungkol sa business na itatayo nito sa ibang bansa. “Basta, you keep your words, Peter,” paalala ni Daxon. “I’ll take care of your daughter and you secure me a share in your company,” paninigurado nito saka tumayo. “And that reminds me of the agreement that we are yet to sign. Give me a minute,” aniya saka mabilis na umakyat sa kanyang kwarto para kunin ang printed agreement nila. Nang makarating siya sa tapat ng pinto ng kanyang kwarto ay naisipan niyang silipin ang inaanak kung ano na ang ginagawa nito, pero agad na namilog ang mga mata niya nang makita niya itong nakatapis lamang ng manipis na puting tuwalya habang nag-aayos ng mga gamit. Hindi niya mapigilang mapatitig. May kung anong bumara sa lalamunan niya kasabay ng unti-unting pagkabuhay ng init sa kaloob-looban niya. Napalunok siya ng laway. Ramdam niya ang kakaibang sensasyong dumadaloy sa kanyang katawan úúúpapunta sa kanyang sentro dahilan para unti-unti itong magising. ‘Fúck…’ Napamura na lang siya nang tuluyang magising ang kanyang alaga. At bago pa man siya makagawa ng kasalanan ay minabuti niyang dumiretso na sa kanyang kwarto at kunin ang papeles na siyang sadya niya. ‘What the hell is happening to me?’ sa isip niya habang kinakalkal ang drawer. ‘Why am I getting hard on my best friend’s daughter?’ Napailing na lang siya at muling namura ang sarili. “Get yourself together, Daxon. Ninong ka ng dalagang ‘yon!” matigas niyang sambit sa sarili bago siya dali-daling bumaba sa living room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD