SIMULA
Kakauwi lang ni Daxon mula sa bar kung saan sila nagkita-kita ng mga kaibigan. Dama na niya ang labis na pagod mula sa maghapong trabaho sa opisina. Masakit ang balikat at likod dahil buong araw lang yata siyang nakaupo sa swivel chair habang nagbabasa at pumipirma ng mga dokumento.
Wala na sana siyang planong makipagkita sa kanila, pero naisip niya na ang mga ito na lang ang pahinga niya. His friends have always been his comfort in his chaotic world. Pero tingin niya’y maging ang mga kaibigan niya ay mawawala na sa kanya, lalo na’t may mga pamilya na ang iba at ang iba naman ay nakatagpo na ng makakatuwang sa buhay.
He will be left alone—again.
Pero wala naman siyang sama ng loob sa mga kaibigan. They’re bound to have families after all. Siya lang naman itong walang planong magkapamilya dahil abalang-abala siya sa trabaho; sa pagpapabangon ng kompanya nilang kamuntik nang bumagsak dahil sa kalokohan ng ama niya.
Huminga siya nang malalim bago inilapag ang attaché case sa sofa. Pabagsak siyang umupo sabay buga ng hangin. He groaned as he stretched his body. Rinig na rinig niya ang tunog ng mga buto niya sa katawan.
“Man, I’m getting old,” naibulalas na lang niya sa hangin saka sumandal sa upuan.
Iginala niya ang paningin sa paligid. Tanging mga larawan na lang sa malalaking frames ang kasama niya sa bahay. His parents are no longer with him. They died a few years ago, and left him with nothing but their falling company. May kapatid naman siya, pero nasa ibang bansa ito nakatira dahil nakapag-asawa ng dayuhan.
Napakatahimik ng bahay.
Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang katahimikan ng paligid.
Kung sa ibang tao ay iisipin nilang malungkot ang buhay niya, pero para sa kanya ay hindi kailanman ito naging malungkot. Kontento siya sa buhay niya. Masaya siya sa ginagawa niya—sa pagtatrabaho; sa pagpapalago ng kompanyang iniwan ng mga magulang.
Maya-maya pa’y tumunog ang cellphone niya. Pagtingin niya ay text ito mula kay Alonzo, ‘I forgot to tell you earlier, but I have a friend who you might find interesting. Wanna meet her?’
Napabuga na lang siya ng hangin bago umayos ng upo para magtipa ng reply, ‘No thanks, Alas. I’m busy.’
Inihagis niya sa sofa ang cellphone at muling ipinikit ang mga mata. Minsan hindi niya mapigilang mainis sa mga kaibigan dahil sa kakulitan ng mga ito, lalo na sa buhay pag-ibig niya. He’s way too busy for romance. At isa pa, ayaw niyang pinapangunahan siya. Kung maghahanap man siya ng babaeng mamahalin, he wants to meet her on his own—not being led by anyone. Pero sa ngayon, wala pa siyang panahon para doon. May pangako pa siyang kailangang tuparin sa mga magulang at para sa sarili.
Maya-maya pa ay muling tumunog ang cellphone niya, and he was expecting to see Alonzo’s name but he saw Peter’s name, his childhood bestfriend.
Kumunot ang noo niya dahil minsan lang ito tumawag sa kanya, dahil gaya niya ay abala rin ito sa negosyo at parating nagta-travel sa ibang bansa para sa expansion plans ng corporation nito.
“Peter…” sambit niya nang masagot ang tawag.
“Daxon, my friend…” Sa tono pa lang ng boses ng lalaki ay alam na ni Daxon na may higingiin na naman itong pabor sa kanya. “Kumusta ka na?”
Napabuga siya ng hangin. “Peter, kilala na kita; what is it this time?”
“Grabe ka naman sa akin, hindi ba pwedeng kinukumusta lang kita?”
“I know you want to ask a favor from me,” aniya. “Spill it while I still have a few minutes to spare,” dagdag pa niya.
“Fine. Fine…” aniya saka narinig ang paghugot nito ng malalim na hininga. “You see, I’ll be out of the country for about three months and no one’s gonna be there for my daughter. And you know how much I love her, right? I just can’t leave her to anyone.”
“So, what are you trying to say?” tanong niya kahit pa alam na niya ang gustong sabihin nito. He just wants to hear it from his bestfriend’s mouth.
“Can I leave her to you?”
Napapikit siya sa narinig. He took a deep breath. “Peter, you know I can’t do that, right?”
“Daxon, please? You’re the only one I can count on. Just for three months. Hindi na rin naman siya iba sa ‘yo,” mahinang sambit nito na para bang nagpapaawa.
Daxon bit his lip dahil alam talaga ni Peter kung paano siya kumbinsihin.
“Bakit ba hindi mo pa siya isama sa ‘yo?”
“She’s preparing for her entrance exam to her dream university. Taking her with me would only distract her,” paliwanag nito. “I just need her to be with someone I could trust. And of course, it won’t be for free—I’ll pay your time.”
“You know I don’t need your pàyment, right? I need something else, and that’s to have a share of your corporation,” diretsong tugon niya. Matagal na kasi niyang gustong makabili ng shares sa corporation ng kaibigan, pero hindi niya pa magawa-gawa dahil masyadong mahal ito.
“Fine. I’ll lower the cost after three months,” pagsang-ayon ng kaibigan.
Napangisi na lang si Daxon. “Good. I’ll draft an agreement and have it notarized,” tugon niya. “Send your daughter here anytime and ako na ang bahala sa kanya.”
“Deal. Thank you, Daxon. I’ll inform her as soon as possible. Miss ka na rin no’n. After all, ikaw ang paboritong ninong ng batang ‘yon,” sabi nito saka ibinaba ang tawag.
And that’s when Daxon remembered na inaanak niya pala ang anak ng matalik na kaibigan. Nakalimutan na niya ito dahil sa labis na pagkaabala sa trabaho. It’s been years since he last saw her. He can’t help but wonder kung ano na ang hitsura ng inaanak niya.
Naisip din niya na magandang pagkakataon na rin ‘yon para makabawi siya sa mga taong ‘di niya nakasama ang inaanak.
——
“How was it, dad?” sabik na tanong ni Althea sa ama matapos nitong ibaba ang cellphone. Halos magningning ang mga mata ng dalaga habang inaabangan ang sagot ng ama.
“He said yes,” tugon ni Peter.
“Yes!” Hindi niya mapigilang mapatili sa saya.
“Don’t be a headache to your ninong, Althea,” paalala ng ama. “Hindi ko alam kung bakit sa kanya mo pa naisipang manuluyan, eh, welcome ka naman sa bahay ng mga tito at tita mo,” nagtatakang dagdag ng ama niya.
“Because I missed him,” walang pag-aalinlangan niyang tugon. “I want to spend time with him before I go abroad. Baka kasi matagal pa bago kami ulit magkita,” dagdag niya.
“Basta, huwag mong pasakitin ang ulo niya, ha? Behave,” mariing paalala ng ama.
“Yes, dad. I promise!” aniya. “Thank you!” Hinalikan niya sa pisngi ang ama saka masayang lumabas sa kwarto nito.
Dali-dali siyang pumasok sa sariling kwarto at nagtitili sa labis na saya. Patalon-talon siya sa kanyang kama saka kinuha ang picture frame ng Ninong Daxon niya.
“I missed you, ninong,” malambing niyang sambit at hindi napigilan ang kilig habang iniisip ang mga araw na makakasama niya ang kanyang ninong.
Ang ninong niyang crush na crush niya.
“I wonder how my life would be sa piling ni ninong,” kinikilig niyang bulong saka hinalikan ang larawan ni Daxon. “OMG, I can’t wait! Wait for me, Ninong Daxon, I’m coming!”