When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
SAMANTALA SA MANSIYON, may bouquet ng bulaklak na sunflower ang dumating at nakapangalan ito kay Sunshine. Nasa lanai sina Sunshine at ang lolo ni Lukas na si Jose nang iabot ng driver na si Mang Bhoy ang bulaklak. “Nakakapagtaka? Wala akong alam na maaring magpadala sa akin nito? At alam ang paborito kong bulaklak?” pagtataka ni Sunshine. “At Sunshine ang ginamit niyang pangalan ko, hindi ang tunay kong pangalan na Marinelle?” “Baka naman iha, si Lukas lamang ang nagpadala niyan,” sabi ni Jose. Binuksan ni Sunshine ang sulat. At nang mabasa niya ito, agad niya itong naitapon sa sahig at napahawak siya sa kanyang tiyan. Nakaramdam ng kaba si Sunshine at napalingon siya sa paligid na nilibot ang tingin sa kabuuan. “Bakit iha?” pag-aalala ni Jose. “May nagbabanta sa buhay ko,” may panga