PASADO alas-otso na ng gabi nang makauwi sila mula sa pamamasyal. Sa halip na kumain na naman sa labas. Niyaya ni Iris ang binata doon sa kanyang bahay para doon na lang sila magluto at kumain. Kanina pa ito gumagastos. Kahit na alam niyang barya lang dito ang lahat ng nilabas na pera. Ayaw pa rin niya itong masyadong gumastos para sa kanya. Dahil kanina pa rin naman sila kumakain, isang simple mushroom pasta ang niluto ni Iris. Matapos mailagay sa pinggan ang pasta ay lumapit siya kay River na nakaupo sa sofa. “Thanks.” “Baka matabangan ka, may salt doon sa table, dagdagan mo na lang.” Tinikman nito iyon. “Hindi. Ayos lang. Masarap.” “Sure?” “Yeah.” Habang ngumunguya ay tinuro nito ang picture nila ng kanyang Lola Milagros na nakadisplay sa isang picture frame. “Kayo lan