“WOW, these paintings are beautiful!” namamangha na wika ni Iris habang nakatingin sa magagandang painting na nakasabit sa dingding. Dinala siya ni River sa isang art museum doon sa Antipolo. Hindi lang mga paintings ang naroon kung hindi iba’t ibang sculpture pieces at kung anu-ano pa. Labis ang naging paghanga niya sa mga koleksiyon na naroon. Mula sa maliit hanggang sa malalaking paintings. Nagustuhan din ni Iris ang mismong lugar. Hindi gaya ng ordinaryong museum halls. Para iyong malaking bahay na ginawang isang museum. It’s old but classic and elegant. “You haven’t been here?” tanong pa nito. “Hindi pa, ngayon lang.” “Marami pa akong alam na museums, just around the metro. Pero hindi doon ang pinakagusto ko na puntahan.” “Saan?” tanong ni Iris sabay lingon sa kanya. “Rome.