“IRIS, I’m so sorry. Ako dapat ang magbibigay personally ng business proposal kay Mr. Hidalgo. Pero naipit ako sa meeting, it’s taking longer than I expect it. Nasabi ko pa naman sa kanya na ngayon ko mismo ibibigay ‘yan. It’s a very important document, Mr. Hidalgo is a big investor. Gusto ko samantalahin na malaki ang interes niya sa project natin. So, I want you to personally deliver the proposal to him. At least if he asks anything about the project. Alam mo ang isasagot.” “Okay Sir, ako na po ang bahala.” Humugot ng malalim na hininga si Iris nang pumasok siya sa lobby ng Hidalgo Tower. Doon matatagpuan ang opisina ni River. Iyon ang unang pagkakataon na nakapasok siya roon. Sinadya ng dalaga na hindi sabihin dito na siya ang darating at hindi si Jigo. Nais niyang makita ang reaksy