NAGMAMADALI si Iris habang nagsusuot ng sapatos. Pasado alas-siyete kinse na ng umaga, dapat ay nakaalis na siya dahil baka malate siya sa appointment sa kanyang doctor. Medyo malayo kasi doon sa bahay ang clinic ng doctor niya. Ngunit pagbukas ng pinto, natigilan si Iris nang makita si River sa tapat ng kanyang bahay. Nakasandal sa nakaparada nitong SUV at nahihintay. He’s wearing casual jeans and a gray pullover shirt. “Anong ginagawa mo dito?!” gulat na tanong niya paglabas ng gate. “Good morning,” magiliw na bati nito. “To answer your question, nandito ako dahil sinusundo kita,” mabilis na sagot nito. “Pero ang akala ko alas-diyes mo pa ako susunduin?” “Sasamahan kita magpa-checkup.” “Huh? Sure ka?” “Yup. Sinabi ko naman sa’yo eh. Gusto ko malaman ang lahat tungkol sa sakit