“OH. MY. GOD.” Napalingon si Iris kay Josie, gayundin ang iba pa nilang kaibigan. Naroon sila ngayon sa isang restaurant. It’s Friday night. Dahil walang pasok kinabukasan, nagkayayaan silang magkakaibigan na lumabas. “Ano nangyari sa’yo?” Hindi agad nakasagot si Josie at nanatiling nakatutok ang mata nito sa phone habang nag-scroll. “Huy, ano nga sabi ang nangyari?” tanong ulit ni Alex sabay kalabit dito. Doon lang lumingon sa kanila ito. “Maloloka kayo.” “Saan?” naguguluhan na tanong niya. “Beshy, ‘yong pictures n’yo ni River noong bakasyon natin sa Batangas. Kumalat online. Shinare ng shinare ng mga followers niya.” “Ano?!” gulat na tanong niya. Halos sabay-sabay nilang kinuha ang phone at nag-check ng kanilang social media account. Natutop ni Iris ang bibig nang maki