“ANONG ginagawa mo dito?” gulat na tanong niya. “Hinihintay ka.” “Gaano ka katagal naghihintay?” “Mga ten minutes.” “Sandali. Paano mo nalaman na bababa ako?” “Kay Abby. Noong hindi ka nagrereply sa messages ko nagtanong ako sa kanya at sinabi niya nga na nasa meeting ka. I told her to text me as soon as you came back. Eh malapit lang dito ‘yong meeting ko kanina, so I stayed. Kaya sinabihan niya ako agad noong pababa ka na.” Napangiti si Iris. Masaya siya na nakita ito muli kahit na buong magdamag na silang magkasama at hinatid pa siya nito kanina. “Let’s go? Alam ko hindi ka pa kumakain. I have your lunch ready.” “Okay.” Hindi tumanggi si Iris nang hawakan siya nito sa kamay. Dumiretso sila sa kotse nito at agad silang umalis doon. Dinala siya ni River sa basement parki