Chapter 6

1636 Words
“BESH, nakainom ka na ng gamot mo?” tanong ni Josie. “Yup, kanina pa.” “Insulin?” “Katatapos lang.” Unang naging magkaibigan si Iris at Josie matapos nilang magkakilala noong College. Nang makapagtrabaho naman ay doon niya nakilala sila Alex, Trish at Abby. Sa mga lakad nilang magkaka-opisina madalas ay sinasama niya si Joise. Kaya mula noon ay naging magkakaibigan na rin ang mga ito. Mula sa kusina ay nakisama ito sa kanila doon sa sala. Nag-cuddle silang magkakaibigan habang kumakain ang mga ito ng chips at ice cream. “Penge,” ungot ni Iris. “Konti lang. Baka tumaas na naman ang sugar mo,” sagot ni Alex. “Oh, itong chips na ‘to. Low sodium ‘to, ito na lang kainin mo pero konti lang,” sabi pa ni Abby. “Thank you.” “Oh tapos, ano na ang ginawa mo?” tanong pa ni Trish. “Ayun, nagwala ako. Binasag at sinira ko lahat ng gamit na binigay ko sa kanya. Pati mga sapatos niya na ako ang bumili, pinamigay ko sa mga kabataan doon.” “Pati kotse?” “Pati kotse. Ako kaya nagbayad noon hanggang last month.” Napamulagat ang mga kaibigan. “Ginawa mo talaga ‘yon?” “Sabi ko naman sa inyo eh, huwag n’yo ako alalahanin dahil kaya ko ang sarili ko lalo kapag nagalit ako.” “Sayang, wala ako doon. Hindi ko nakita kung paano ka nag-transform as hulk.” Natawa sila. “Hindi ko nga alam kung saan galing ‘yong tapang ko kanina. Basta ang alam ko nagdilim ang paningin ko.” “Eh paano na ngayon siya?” “Bahala siya. Hindi ko na problema ‘yon.” “Kawawang Gary, nawalan na ng mga luho sa buhay. Nagkaroon pa siya ng mga bayarin.” “Saan parte ang kawawa doon? Mabuti nga sa kanya!” “Eto naman kasing babaeng ‘to, kapag nagmahal all out dinaig ang bakla, bigay ng bigay!” sabi ni Alex sabay dutdot sa sentido niya. “All out din kapag nagalit,” tumatawang sagot ni Abby. “Eh anong gagawin mo kay Victoria kapag nagkita kayo sa Monday?” “Wala. Anong gagawin ko? Huwag n’ya lang ako i-provoke.” Malalim na bumuntong-hininga si Abby. “Tutal alam mo na ang lahat, panahon na siguro para sabihin namin sa’yo ang totoo.” Napakunot-noo si Iris. “Anong ibig mong sabihin?” Nagkatinginan ang tatlo. “Kilala mo naman kami, girl. Kaibigan mo kami pero kapag tungkol sa personal na buhay mo. Mag-aadvice lang kami pero hindi makikialam sa mga desisyon mo,” paninimula ni Abby. “Naalala mo ba? Halos six months ago na. Bigla na lang kami naging vocal sa’yo na hindi namin gusto si Gary para sa’yo,” sabi pa ni Trish. “Oo.” “Well, to be honest girl. Sa simula pa lang ayaw na namin sa kanya para sa’yo. Ewan ko ba, hindi maganda talaga ang pakiramdam namin sa lalaking iyon sa una pa lang. Until six months ago, aksidente ko nakita si Gary sa isang restaurant. Pagpasok niya sa loob lumapit siya sa isang babae at nagkiss sila sa lips. Hindi ko alam na si Victoria iyon dahil nakatalikod siya noong makita ko sila. Sinabi ko kay Trish at Alex ang tungkol sa nakita ko. Noon pa man ay gusto na nila na sabihin na sa’yo ang tungkol doon, pero ako ang pumigil sa kanila. Alam ko kasi na hindi ka maniniwala noon. Gusto ko rin na ikaw mismo ang makatuklas ng ginagawa niya.” “Iyon ang dahilan kaya bigla kaming naging vocal at inuudyukan ka namin na hiwalayan siya.” “Kaya ba tinutulak n’yo ako pilit kay River? Kaya noong nagpa-games kayo in-exempt n’yo ako sa game rules?” tanong pa niya. “Yes, and it was my idea,” sagot ni Abby. “Gusto ko kasi na unti-unting matuon ang atensiyon mo sa iba. Eksakto naman na matagal ka nang tinatanong ni Sir River sa amin ni Matt.” Nang lumipad ang tingin niya kay Josie ay bigla itong napamulagat. “Oh, wala akong alam diyan ah? Noong isang araw ko lang nalaman na may ibang babae s’ya,” mabilis na depensa nito. “Sorry girl, hindi namin gusto na maglihim sa’yo.” Bumuntong-hininga si Iris at sumandal. “Okay na rin ‘yon. Ang importante tapos na sa amin ang lahat.” “Eh teka, mapunta naman tayo dito kay Mr. Rich and handsome, ano naman ang status n’yo?” Natawa si Iris. “Hindi talaga siya mawawala sa usapan ano?” “Malamang, kailangan malaman namin ang real score n’yo!” sagot ni Alex. “Walang ganoon, okay? Well, he told me he likes me. Sinabi rin niya na gusto niya na i-pursue ako. Pero hindi naman siya nagmamadali. He’s willing to take it slow. Magkakilala muna kami habang nasa process ako ng pagmove-on.” “Sus, mga ganoon klase ni Gary hindi uso ang healing! Move on agad agad! Date na agad sa iba! Hindi dinadamdam ang mga ganoon klase ng basura, bebs!” sabi pa ni Trish. “Agree!” sabi ni Josie sabay high five ng dalawa. “Lalo na at kasing yaman at mas guwapo di hamak sa ex mo, malaking sampal ‘yon sa kanya!” “But seriously, salamat dahil nandito kayo.” “Ano ka ba? Tayo na lang ang magkakasama eh.” “Uy, tara nood tayo ng sine bukas!” “Tara!” “Tapos bar sa gabi!” “I-celebrate natin ang pag-graduate ni Iris Jade sa kamartiran n’ya!” sabi pa ni Abby. “Grabe kayo sa akin,” tumatawa na sagot niya. “Ay sandali nga, baka nagtetext na pala sa akin si Matt,” mayamaya ay paalam ni Abby saka ito pumunta sa guest room kung saan ito matutulog katabi si Trish. Si Josie naman ay sa tabi niya matutulog at doon sa sala si Alex. Habang natuon ang atensiyon ng mga kaibigan sa kani-kanilang phone. Napatingin si Iris sa phone niya ng tatlong magkasunod na text ang kanyang natanggap. Isa ay galing kay Gary at ang dalawa naman ay mula kay River at Jigo. “Mga bebs, nabasa n’yo na?” malakas ang boses na tanong ni Abby mula sa kuwarto. “Ang alin?” tanong ni Josie. Sumilip nito ang ulo sa pinto. “Sa group chat may message si Victoria.” Nang buksan ang iyon. Bumungad nga sa kanila ang message nito. “Guys, alam ko disappointed kayo sa ginawa ko. Please, hayaan n’yo naman ako magpaliwanag.” Nag-seen lang si Iris, gayundin ang mga kaibigan. “Magli-leave na ako sa GC. T*ngina, hindi ko kaya makasama ang babaeng ‘yon,” inis na sabi ni Alex. “Ako rin,” sagot din ni Trish. “Gawa ako ng bagong GC, invite ko kayo,” sabi ni Josie. “Oi, invite n’yo na rin si Matt.” “Eh si boss River?” tanong pa ni Josie sabay ngisi kay Iris. “Uy walang problema sa akin,” sagot ni Alex. “Ako rin!” halos sabay-sabay na sabi ng iba pa. “Bahala kayo diyan!” natatawa na sagot ni Iris. “Pero siyempre, gagawa din ako ng gc na exclusive para sa atin,” sabi pa ni Josie. “Ay bet! Dali gawa na bebs, para maging saksi tayo sa malalang landian ni Boss River at Iris.” “Huy, hindi kami naglalandian ah!” mabilis na tanggi niya. Lihim siyang napangiti nang maalala na naman ang namagitan sa kanila doon sa closet ng hotel. Kasunod niyon ay isa-isa silang nag-leave sa gc kung saan naroon si Victoria. Matapos iyon ay binalik niya ang atensiyon sa messages ng tatlong lalaki. “Mahal, mag-usap naman tayo. I’m sorry. Magbabago na ako. Huwag mo akong iiwan. Mas hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko.” Tumaas ang kilay ni Iris matapos mabasa ang mensahe ng nobyo. “Nga pala, nakalimutan ko sabihin kanina. Mula ngayon, iyong TV, cellphone, laptop, at kotse mo. Ikaw na ang magpatuloy na magbayad. Napakatanga ko na masyado at napakakapal ng mukha mo para ako pa rin ang pagbayarin mo. Ngayon kung wala kang pera, doon kay Victoria mo ipabayad.” Matapos iyon ay biglang nag-ring ang kanyang phone. Lalong umasim ang mukha niya nang makita ang pangalan ng dating nobyo sa screen. Kinansel niya ang tawag nito sabay block ng number nito. Sunod niyang binasa ang mensahe ni Jigo. “I heard from Trish about what happened to you. Are you okay?” Hindi iyon sinagot ni Iris. Sunod niyang binasa ang mensahe naman ni River. Agad siyang napangiti sa laman ng mensahe niyon. “Are you asleep? I forgot to say this, but I enjoyed our time tonight.” “Same here,” sagot niya sa binata. “May gagawin ka ba bukas? Can I invite you? Labas lang tayo ulit.” “Medyo. May lakad kami nila Abby bukas, tapos deretso ako sa bahay ng Lola ko sa Laguna. Dadalawin ko siya hanggang Sunday ako doon.” “Oh okay. How about Monday? Sunduin kita after office?” “Ang dami mo naman masyadong oras para sa head ng isang business empire?” natatawa na sagot sa message nito. “I will always make time for you. Paano mo ako sasagutin kung ngayon pa lang wala na akong time sa’yo.” Natawa siya ulit sa sagot nito. “Sige na nga. Makulit ka talaga.” “See you then on Monday, love.” Hindi itatanggi ni Iris ang kilig na nararamdaman sa paggamit nito ng endearment sa kanya. She felt special that someone as high and big like River Hildago will waste his time for an ordinary girl like her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD