Chapter 5

2595 Words
“ARE you alright now?” tanong sa kanya ni River. Tumingin siya dito nang maupo ito sa kanyang tabi. Pinunasan niya ang luha saka tumango. It wasn’t a lie. Iris felt a lot better. Sa hindi maipaliwanag na pangyayari, napanatag ang kanyang kalooban nang makita si River. “Salamat,” sagot niya. Mula doon sa apartment na ngayon ay ex-boyfriend na. Nagpahatid si Iris sa bahay niya. “Here, drink this. Ito lang ‘yong nakita ko sa ref mo,” sabi pa nito sabay abot sa kanya ng tubig. Uminom siya doon. Napatingin pa siya sa binata nang punasan ng hinlalaki nito ang gilid ng kanyang labi. Iris cannot help but compare, dahil kahit kailan ay hindi niya naranasan ang ganoon klase ng pag-aalaga mula kay Gary. “You were cool back there,” sabi pa nito. “Hmm?” usal niya sabay lingon ulit dito. “What you did to him, you looked cool. Pinahanga mo ako. Hindi lahat ng babae kasing tapang mo. Kung sa iba ‘yon, baka bukod sa umiyak at mag-walkout baka nagmakaawa pa sila.” “Hindi siya worth it para ibaba ko ang sarili ko ng ganoon. Mabait lang ako pero hindi ako bobo.” Marahan itong natawa. “This is why I like you.” “Paano mo nga pala nalaman kung nasaan ako?” “Sinabi ko na sa’yo kanina na susunduin kita, pagdating ko sa opisina n’yo sabi ng kaibigan mo kaaalis mo lang. They were so worried about you, kaya nakiusap sila na sundan kita dito. Sila ang nagsabi sa akin kung saan ka matatagpuan.” “Thank you,” mayamaya ay wika niya. “For what?” “Dahil dumating ka. I feel like you saved me again from humiliation.” He smirked. “Ito yata ang misyon ko sa buhay eh. To be your knight and shining armor.” Doon napangiti si Iris. “There you go, finally,” biglang bulalas nito. “Bakit?” nagtataka na tanong niya. “Your smile. Finally, I get to see your beautiful smile again.” Napangiti na naman siya. Ngunit mayamaya lang ay muling napalis ang ngiti na iyon nang bumalik sa isip ang mga nangyari. Iris found herself crying again. Bumuntong-hininga si River. Tumayo ito para lang mag-squat sa kanyang harapan. Tinitigan siya pagkatapos ay pinunasan ng daliri nito ang luha na umagos sa pisngi niya. “I will let you cry today. Pero bukas, ayoko nang makita ka na iniiyakan ang lalaking ‘yon, okay?” Tumango siya. He smiled at her again. “Ayusin mo ang sarili mo. Lumabas tayo. Kumain.” Hindi nakasagot si Iris nang makaramdam ng kakaiba sa katawan. “Sandali,” sabi niya pagkatapos ay nagmamadali na kinuha ang bag. Mula sa loob ay kinuha niya ang isang maliit na gadget saka iyon tinapat sa kanyang braso. Nang tumunog iyon ay agad niyang tinignan ang monitor. “What is it? What’s happening?” tanong ni River. “Mababa ang sugar ko,” sagot niya. “You’re a diabetic?” gulat na tanong nito. Tumango si Iris. “Mula pa pagkabata. Sabi ng Lola ko, namana ko daw sa Papa ko.” “Okay. So, what do you need now?” “Uh, may chocolate ako sa ref.” Agad itong tumayo at kumuha ng chocolate doon saka binigay sa kanya. Kinain iyon ni Iris pagkatapos ay sumandal sa sofa na kinauupuan. “Anong nararamdaman mo?” tanong ulit nito. Napangiti siya. “I’ll be fine.” Makalipas ang ilang sandali pa ay tinaas niya ang manggas ng suot na blouse at tinapat doon ang maliit na monitor. Pagkatapos ay hinarap iyon sa binata. “See? Tumataas na.” “Ang mabuti pa, umorder na lang tayo at ipa-deliver dito,” sabi pa nito. “No. I’ll be fine. Gusto ko lumabas. Ayoko muna dito.” “Are you sure?” Marahan siyang tumango. “BEBS, okay ka na ba?” tanong ni Alex habang kausap ito sa phone. “Oo.” Matapos ng mga nangyari ay sinabi niya sa mga nalaman. Gaya ng inaasahan ay galit na galit ang mga ito. Ngunit mas lalong nagalit ang mga kaibigan kay Victoria. Kasama sila Abby, Trish at Alex. Victoria also belongs on their circle of friends. Sobrang close sila ng babae kaya ganoon na lang kasakit ang ginawa nito. “Hay naku, bebs. Huwag mo kaming pigilan kapag nakita namin ‘yan si Victoria!” galit na sabi ni Trish. “Makakarinig talaga sa akin ‘yan,” sabi naman ni Abby. “Mamaya puntahan ka namin. Diyan kami matutulog sa bahay mo,” sabi pa ni Alex. “Sige. Dumiretso na kayo doon, may susi naman kayo.” “Teka, nasaan ka ngayon?” Napalingon si Iris sa lalaking nakaupo sa harap niya sa mga sandaling iyon. Mula sa bahay ay dinala siya ni River sa isang restaurant. Hindi iyon masyadong pormal pero masarap at maganda ang ambiance. Matapos ang stresssful na araw na iyon ay na-relax siya kahit paano. “Sa labas, kasama si River. Kumakain lang kami.” “Ay, ‘yan ang kaibigan ko! Marunong lumaban, may kapalit agad!” Natawa si Iris sa sinabi ni Alex. Habang tumatawa ay napansin niya na nakatitig lang sa kanya si River. “Nag-dinner lang, sira!” “Ay, ‘wag kayong umarte! Sinundan ni Sir River ‘yan doon sa bahay ng ex n’ya na ungas! Savior ang peg ni Koya,” pagmamalaki pa ni Abby. “Sabi na eh, type ka n’yan!” giit ni Trish. Bumuntong-hininga ang binata saka nilahad ang kamay. “What?” tanong niya. “Can I borrow your phone?” tanong nito. “Sandali ah,” wika niya sa mga kaibigan. Nagtataka na inabot niya iyon dito. Nang makuha nito ang phone ay pinindot nito ang speaker phone. “Hey guys, this is Riv. I know you’re worried about her. But as long as she’s with me, Iris is safe. Kaya ipanatag n’yo ang kalooban n’yo. Pangako, ibabalik ko siya sa inyo ng walang galos.” “Sir ha? Alagaan mo ‘yan.” “Kahit lamok hindi ko pinapadapuan.” “Mas boto kami sa’yo para sa kanya.” Nahihiya na napatungo na lang si Iris dahil sa pinagsasabi ng mga kaibigan. “Thank you. Pero sa ngayon, puwede ba sa akin muna ang atensiyon n’ya?” “Ay, bet! Gusto ko ‘yan ganyan possessive!” kinikilig na sabi ni Alex. “Hoy! Nakakahiya kayo,” natatawa na saway niya. “Sige na, hindi na kami mang-iistorbo.” Matapos makipagkulitan sa mga kaibigan. Natatawa na binalik ni River sa kanya ang phone. “Kain ng kain,” sabi pa nito. Nang matapos kumain ng gabihan ay dinala naman siya ni River sa isang park at doon ay naglakad sila. Habang naglalakad ay tahimik lang si Iris. “Mahal mo ba siya?” Napalingon siya dito. “Hmm?” “Your ex? Do you love him?” “Minahal ko siya.” “Past tense?” “Dahil hindi na ako sigurado ngayon. Mas nangingibabaw kasi ang galit sa akin. Hindi ko maramdaman na mahal ko siya.” “I will help you move on. I will help you until you forget about him.” “Why are you doing this, River? Bakit ka nandito at inaaksaya ang oras mo kasama ako? You are an eligible bachelor. You are the richest man in this country. Ano ang ginagawa ng isang bilyonaryo na gaya mo dito? Staying with a broken woman?” “Sabi ko na sa’yo kanina, ‘di ba? Gusto ko na mas makilala ka pa. And what I’m doing has nothing to do with my status in life. Normal na tao din ako, pera lang ang marami sa akin pero magkatulad tayo. Marunong akong magmahal. Nagkakagusto din ako. Nagkataon na ikaw ‘yon.” “Bakit?” “Dahil gusto kita.” “You don’t know anything about me.” “That’s why we’re here, to get to know each other.” “Why me?” “Why not?” Marahas na bumuntong-hininga si Iris. “River, kung naghahanap ka lang ng mapaglilibangan. Look, you’re with the wrong person. That’s the least I want after what happened to me.” “Do you think I’m just bored?” Huminto siya sa paglalakad nang huminto rin ito. “Sa tingin mo bakit ako naroon sa birthday party ni Abby? Puwede naman akong hindi pumunta doon dahil si Matt ang kakilala ko. Bakit sa tingin mo palagi akong nakadikit sa’yo ng gabi na iyon? Why I participated on that game?” Her heart started to beat faster while listening to him. Nakikita ni Iris ang sinseridad sa mga mata nito na nakatitig sa kanya. “I did all of that because of you.” “But you just met me that night.” “No. You’re wrong. Hindi doon ang unang beses kitang nakita.” Kumunot ang noo ni Iris. “What do you mean?” Humakbang si River kanya hanggang sa makalapit ito ng husto. He towered over her as she look up straight to his eyes. “Sa business conference sa Baguio, remember? Ako ang speaker doon. Sa dami ng mga tao na nakaupo sa harap ng stage habang nagsasalita ako. In the sea of the crowd sitting in front of me. You’re the only one who caught my eye. I can even still remember what you’re wearing. You were in this beige dress. You were sitting there, looking at me while listening to me carefully. You impressed me that day, dahil nakita ko na interesado ka sa mga sinasabi mo. Then, I saw you smile. My heart fell for you immediately. Gusto ko sana makipagkilala sa’yo nang araw na iyon pero bigla kang nawala. I tried looking for you and ask your name. Pero walang makapagsabi sa akin kung sino ka o saan kita matatagpuan.” Iris left dumbfounded. Ang business conference na tinutukoy nito ay naganap dalawang taon na ang nakakalipas. Ngayon lang din niya naalala ang araw na iyon. Tama. Nagkita na sila ni River noon. Dahil lumipas na ang panahon ay hindi na niya iyon maaalala kung hindi nito sinabi. “Hanggang isang araw ay nadaanan ko kayo na magkakasama nila Matt at mga kaibigan mo na kumakain sa restaurant. I talked to him. Doon kita nakilala. Matagal na kitang gustong lapitan pero nasabi sa akin ni Matt na may boyfriend ka nga daw. I backed off. Dahil ayokong makasira ng relasyon. Until Matt introduced me to Abby. Isa ka sa napag-usapan namin. Nagkaroon ako ng pag-asa nang maikuwento ni Abby sa akin na ayaw nila sa boyfriend mo. Kaya noong birthday niya, I asked her if I could come. And I felt heaven was on my side that night, when our names were picked to play the game.” “Kaya ba sinamantala mo? You insist on playing that game? We did more than just a kiss.” Hindi alam ni Iris kung saan galing ang lakas ng loob niya para buksan ang usapin tungkol sa gabing iyon. Her heart skipped when River flashed that handsome and sexy smile. “I have to make an impression. Kailangan may gawin ako para hindi mo ako makalimutan. Pero aaminin ko, noong hinalikan kita masyado rin akong nadala. It was not in my plan to touch you. It’s just… it’s just happened.” She rolled her eyes and shook her head. “I hate you,” sabi niya sabay talikod at pinigilan ang tawa. Humabol sa kanya si River. Hanggang sa hawakan nito ang kamay niya. He stopped her from walking. Pinihit siya nito paharap. Humugot ito ng hininga at muli siyang tinitigan sa mata. “Like what I said, I can’t take your kiss off my head. I kept thinking about it. The more my mind reminds me of that night. The more I want to get to know you and make you mine.” “Paano kung ayoko? Paano kung sabihin ko na hindi kita gusto?” “Hindi? Talaga? But how come you cannot forget that night too?” Tumikhim siya at umiwas ng tingin. “Sinabi ko ba na hindi ko makalimutan?” He smirked. Naiinis na iniwas ni Iris ang tingin. She hates it when he does that. Pakiramdam niya ay inaakit siya ng ganoon klase ng ngiti nito. “Kaya pala ikaw mismo ang nag-open ng topic tungkol doon.” “Hay naku, umuwi na nga lang tayo,” kunwari ay pagsusungit niya. Biglang hinawakan ni River ang kamay niya. “I’m willing to wait until you’re ready to love again, Iris. I’m not joking. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang babae. And I don’t want to miss this chance. I want to take a risk with you and I’m willing to go as far as doing anything, just to make sure you will be mine. And I’m serious when I say I will do anything. Hindi ako hihinto hangga’t hindi nahuhulog ang damdamin mo para sa akin.” “Sasayangin mo lang ang oras at panahon mo sa akin.” “Well, you’re worth of my time.” “Marami naman diyan na ibang babae. Si… ano… si Jewel Ocampo! ‘Di ba girlfriend mo ‘yon?” Natawa ito. “Hindi ko siya girlfriend. Wala kaming relasyon at kahit kailan ay hindi naging kami. Chismis lang ‘yon. Naging brand ambassador lang siya ng isa sa mga kompanya na hawak ko. Iyon lang ‘yon.” “Maniwala ako.” “Ikaw ang bahala kung ayaw mong maniwala, basta ako nagsasabi ng totoo.” Huminga ng malalim si Iris. “But seriously, River. After what happened, I’m unsure if I can soon entertain anyone.” “I understand. Huwag kang mag-aalala. Hindi naman kita ipe-pressure eh. Gusto ko lang talaga malaman mo na malinis ang intensiyon ko. Sa ngayon ang gusto ko lang, manatili ako sa tabi mo kahit bilang kaibigan muna.” Napangiti siya matapos marinig iyon. “Thank you. I appreciate that you’re here with me and your honesty.” “You’re welcome. Ang mabuti pa, ihatid na kita. Tiyak naghihintay na sa’yo ang mga friends mo.” “Okay.” Hinatid siya ni River hanggang sa bahay. Bumaba pa ito saka siya pinagbuksan ng pinto. “Thank you for tonight,” sabi niya. “You’re welcome. I hope you enjoyed. Sana rin kahit paano nakalimot ka pagkatapos ng nangyari kanina.” “Yeah, you helped a lot.” Ngumiti ito. “That’s nice to hear.” “Sige. Una na ako.” “Goodnight, Iris.” “Night,” sagot niya sabay ngiti. Nabuksan na niya ang gate nang mapahinto. Muli siyang pumihit paharap. Nang mga sandaling iyon ay pasakay na ulit ang binata sa loob ng kotse. Huminga ng malalim si Iris at nilapitan si River. “Why? May nakalimutan ka?” nagtataka na tanong nito. Sa halip na sumagot ay niyakap niya ito ng mahigpit. “Thank you so much again, Riv,” wika niya. She heard him take a deep sigh. Pagkatapos ay gumanti ng mas mahigpit na yakap. “I will take care of you from now on, that’s a promise.” Ngumiti siya sa binata nang humiwalay dito. “Papasok na ako sa loob,” sa halip ay sagot niya. May gaan sa dibdib na pumasok siya sa bakuran ng kanyang bahay. Napangiti si Iris nang bumukas ang pinto at salubungin ng mga kaibigan. When Alex opened his arms. Dumiretso siya doon at niyakap ng mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD