Chapter 7

1420 Words
“GOOD morning, Sir.” Sinalubong siya ni Jigo ng ngiti. Pagpasok nito sa pribadong opisina ay sumunod si Iris. Pag-upo nito ay agad niyang dinikta ang scheduled meeting nito para sa buong hapon. “Kumusta ka na, Iris?” tanong nito. Ngumiti siya sa boss. “Okay na po ako. Pasensya na rin po pala kung hindi ako nakasagot sa text n’yo. Ang dami kasing nangyari noong Biyernes.” “No, it’s okay. I understand.” “Pasensya na rin po kung nag-undertime ako dahil lang doon.” “Naiintindihan ko. Kahit ako man siguro sa katayuan mo iyon din ang gagawin ko.” “Thank you.” “So, did you break up with him?” Huminga siya ng malalim. “Opo.” Tumango-tango ito. “Good. You deserve someone better, Iris. Ang tanga ng ex mo na pinakawalan ka pa.” Ngumiti lang siya sa sinabi nito. “Anyway, eto po pala ‘yong report galing sa Finance Department,” pag-iiba niya sa usapan saka inabot dito ang filing folder. “Thank you.” “Sige po,” sagot niya saka lumabas na ng opisina nito. Pagbalik sa kanyang mesa, dumiretso siya sa pantry para ipagtimpla ng kape si Jigo. Kasama iyon sa trabaho niya. Habang ginagawa iyon ay naroon ang iba pa na ka-opisina niya. “Nakita n’yo na si Valentina?” narinig niyang tanong ng isa. “Sino ‘yon?” natatawa na tanong ng isa pang kasamahan nila. “Si Victoria.” Napalingon bigla si Iris. Bukod sa matatalik na kaibigan ay wala naman siyang ibang pinagsabihan sa problema nila. Kahit na ganoon ang ginawa ng babae, hindi siya ganoon kasama para ipagkalat ang nangyari at sadyang siraan ito sa lahat. Lumingon sa kanya ang mga kasama. “Alam n’yo?” Tumango ang mga ito. “Paano? Sino ang nagsabi sa inyo?” “Walang nagsabi pero kasi may kumalat na video. Eh kilala namin ang boyfriend mo.” Kumunot ang noo niya. “Anong video?” “Sigurado ka ba na gusto mo makita? Baka hindi mo kayanin.” “Kaya ko,” paniniguro niya. “Sige, sabi mo ah. Ah, hindi screenshot na lang ang ipapadala ko sa’yo.” Saglit itong may pinindot sa phone pagkatapos ay sumenyas sa kanya. Nang buksan ang message nito. Natakpan ni Iris ang bibig sa pagkabigla nang bumungad ang larawan ni Victoria at Gary na nasa isang malaswang posisyon. “Beh, may kumalat na s*x video nila ng jowa mo,” bulong pa ng isa. “Kailan pa ‘to?” tanong niya. “Kahapon ko lang nakita eh, pero sabi nila noong Sabado pa daw kumakalat ang video online.” “Kaloka, bait-baitan si ate girl. Akala mo kung sinong mabuting kaibigan, kalahi pala ni Valentina!” “Ang kati-kati n’ya!” “Bakit hindi siya tumira sa Makati?” sabi pa ng isa sabay tawa. Natigilan si Iris nang paglingon ay naroon si Victoria. Alam niya na narinig nito ang sinabi ng mga kasama sa trabaho. “Tama na ‘yan,” kalmado na saway niya. Nang maglakad si Victoria ay natahimik ang mga ito. “Hindi ko kaya ‘tong babaeng ‘to,” mataray na sabi ng isa sa kasama nila sa trabaho saka tinignan na animo nandidiri ito. “Ikaw ba?” tanong sa kanya ni Victoria. Mugto ang mata nito at halatang katatapos lang umiyak. “What do you mean?” “Ang nagpakalat ng video.” Huminga siya ng malalim. “Sa tingin mo saan pa ako kukuha ng time para ipakalat ang kalaswaan n’yo? Nandoon ka noong binasag ko ang cellphone ni Gary. Ginawa ko ‘yon sa harap n’yo. May natatandaan ka ba na may pinulot ako pagkatapos noon.” “Pero ikaw lang ang may dahilan para gawin ‘yon para gantihan kami!” She smiled sheepishly. “Hindi ako kasing babaw gaya ng sinabi mo. We’ve been friends for years, Vic, or so I thought. Alam mo na dapat ang ugali ko. Ah, oo nga pala, baka nga hindi mo alam, kasi ‘di ba? Busy ka sa pag-aasikaso sa boyfriend ko. Oh, let me correct that, my trash ex-boyfriend.” Hindi nakakibo ang babae at umiwas ng tingin. “Hindi ko sinasabi na natutuwa ako sa mga nangyayari sa’yo ngayon, but consider it your karma. Baka kasi nakakalimutan mo na uso ‘yon, digital pa,” mataray na sagot niya. Matapos iyon ay binitbit na niya ang tray na may laman kape para kay Jigo. Hindi pa man siya nakakalayo nang maramdaman na hinawakan siya ni Victoria sa braso. “Sandali lang, Iris. Mag-usap tayo.” “Vic, mainit itong kape na hawak ko. Kung ako sa’yo, aalisin ko ang kamay mo sa braso ko, dahil baka hindi kita matantiya at ibuhos ko sa’yo ‘to. At utang ng loob, huwag kang lalapit sa akin.” Pinilit ni Iris na mag-focus sa trabaho sa kabila ng lahat. Mabuti na lang at busy din sila sa araw na iyon kaya’t bahagya siyang nalibang. Dalawa ang naging meeting ni Jigo sa labas ng opisina kaya kasama siya nito. Tanghalian na nang makabalik sila. “O, nandiyan na pala sila Sir eh,” sabi ni Alex. “Bebs, ano? Sabay ka sa amin mag-lunch?” tanong ni Abby. “Oo, sandali. Ayusin ko lang ang lunch ni Sir. Mauna na kayo sa baba sunod ako.” “Sige, hintayin ka na namin.” “Thanks.” Nang makabalik sa desk ay nilapag lang niya ang gamit pagkatapos ay sumunod sa pribadong opisina ni Jigo. Inayos niya ang lunch nito. “Ikaw? Halika, sabay ka na sa akin,” yaya nito. “Ay, hindi na po. Naghihintay po kasi sa akin sila Abby.” Mayamaya ay may inabot ito sa kanya. Ang paper bag na may laman na na dalawang slice ng blueberry cheesecake. Naalala ni Iris na bago sila bumalik sa opisina ay bumaba ito sandali at pumunta sa isang dessert shop habang siya ay naghihintay sa loob ng sasakyan. “For you.” “Sa akin po?” Ngumiti ito. “Yeah. Blueberry cheesecake. Don’t worry, diabetic friendly ‘yan.” “Thank you po, pero para saan po ito?” tanong niya pa sabay kuha ng paper bag. “Something to cheer you up. Alam ko na hindi madali ang pinagdadaanan mo ngayon.” “Thank you, Sir. I appreciate this.” “Kainin mo ‘yan ah?” “Opo.” “Go ahead. You may have your lunch, baka mag-hypo ka pa.” “Sige po.” Nakangiti na lumabas siya sa pribadong opisina ni Jigo. “Ano? Tara na?” tanong sa kanya ni Alex. “Oo, gutom na ako,” sagot niya. Palapit na siya sa mga kaibigan nang makasalubong si Victoria. Hindi niya ito pinansin at nilagpasan lang. Pero napahinto si Iris nang magsalita ito bigla. “Hindi ko maintindihan kung bakit ka galit na galit. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ka pinagpalit ni Gary eh. Dahil maarte ka! Kung hindi ka nagpaka-santa hindi siya maghahanap ng iba!” sabi nito. “Anong sabi mo?!” galit na tanong ni Trish. Humakbang si Iris. Pagharap ay agad lumipad ang palad niya sa mukha at malakas itong sinampal. Gulat na napahawak ito sa pisngi. Gayundin ang mga kasama nila doon sa opisina na nasaksihan ang ginawa niya. Maging ang gulat ay kita sa mukha nito na hindi inaasahan ang kanyang ginawa. “I told you to stop provoking me. Sinabihan na kita na huwag akong kausapin at huwag ka lalapit. Maarte na kung maarte. At least hindi ako gaya mo na basta na lang ibubuka ang mga hita sa boyfriend ng kaibigan n’ya.” Natahimik ito. “Mahal ko si Gary!” giit nito. “I don’t f*cking care! Iyong-iyo na siya kung gusto mo. Anong akala mo? Makikipag-away ako sa’yo at makikipag-agawan?! Sorry, pero hindi tayo magkatulad. Hindi ko ugali na pumulot ng basurang tinapon ko na,” sagot niya sabay duro sa mukha nito. “Alam mo mas madali ko na matatanggap ang panloloko ni Gary sa akin kung ibang babae. Pero alam mo ang mas masakit sa lahat, pinatulan siya ng taong tinuring ko na kaibigan. Two years, Victoria. Ganoon katagal mo na akong tinatraydor. Now, listen here b*tch. Mula ngayon kalimutan mo nang magkaibigan tayo. Kung gusto mo na pare-pareho tayong makapagtrabaho dito ng payapa at maayos, huwag ka humarang sa daan ko,” matapang na sabi niya. Matapos iyon ay iniwan na niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD