“HINDI mo pa rin dala ang kotse mo?” tanong ni Trish habang nagliligpit sila ng mesa. Pasado alas-singko na ng hapon at out na sila sa opisina.
“Nasa gawaan pa rin,” sagot niya.
“Bakit kasi hindi mo pa palitan ‘yon?” tanong ni Alex nang makalapit ito sa mesa niya.
“Para naman may pera ako pambili ng kapalit,” sagot ni Iris.
“Magkakaroon ka na ng pambili, graduate ka na sa pagiging sugar mommy,” sabi pa nito sabay lapit ng mukha sa kanya. “Pinasa mo na ang corona do’n,” bulong pa ni Alex sabay nguso kay Victoria.
“Tama na,” saway niya dito.
“Sabi ko nga.”
“Tara na,” yaya niya sa mga ito nang matapos siya sa pagliligpit.
Paalis na sila nang lumabas naman si Jigo sa opisina nito.
“Going home?” tanong nito.
“Opo,” sagot niya.
“Bye, Iris!” paalam sa kanya ng mga kasama.
“Bye,” nakangiti na sagot niya.
Hindi niya maiwasan na makaramdam ng awa para kay Victoria. Mula pa kaninang umaga ay walang kumakausap dito. Kahit saan ito pumunta ay pinupukol ng mapanghusga na tingin ng mga tao sa opisina. Ngunit wala siyang magagawa. She brought herself on this situation. Ngayon nagpapasalamat si Iris dahil hindi niya binigay ang sarili sa dating nobyo. Dahil kung hindi malamang ay siya ang laman ng scandal na iyon at hindi si Victoria.
Naputol ang pag-iisip ni Iris nang biglang magsalita si Jigo.
“Tomorrow after the meeting, can you join me for lunch?” tanong nito.
Natigilan siya sabay lingon nang biglang nagsulputan ang ulo ng mga kaibigan sa magkabilang gilid nila at si Alex sa pagitan nila.
“Sir, are you asking our friend on a date?” direktang tanong ni Alex.
“Uh, just… just a lunch date?” sagot ni Jigo.
“May gusto po ba kayo sa kaibigan namin?” tanong naman ni Trish.
“Nililigawan n’yo po ba siya?”
“Huy, tumigil nga kayo!” saway niya sa mga ito habang natatawa.
“Sana. Kung papayag siya na manligaw ako. Puwede naman na siguro ngayon.”
“Yieee!” malakas na tukso sa kanila ng mga kasama sa trabaho.
“Naku Sir, kung manliligaw kayo. Galingan n’yo dahil medyo malakas ang kalaban n’yo,” sabi ni Alex.
“Huy, tama na! Ang ingay n’yo na,” saway ulit niya.
Pero parang walang narinig ang mga kaibigan.
“Ay oo nga, Sir!”
“Bakit? M-may iba pa gusto manligaw sa kanya?” tanong pa ni Jigo.
“Si Sir River Hidalgo.”
“Talaga? As in ‘yong bilyonaro na—”
“Mismo!”
“Ang taray!”
“Grabe, dagsa agad manliligaw ni Ms. Iris. Ibig sabihin dami na talagang nakaabang sa’yo?”
“Huy, hindi! Maniwala kayo sa mga ‘yan!”
“Kaya pala may nag-aabang na sa’yo sa ibaba,” pambubuking ni Abby.
Paglabas nila ng elevator pagdating sa ground floor ay sinabayan siya sa paglalakad ng boss.
“Totoo ba? Mr. Hidalgo is courting you?” tanong sa kanya ni Jigo.
“Hindi po. I mean, hindi pa naman siya nanliligaw. But he expressed his intention to pursue me,” sagot niya.
“Hindi ko alam na close kayo ni Mr. Hidalgo.”
“Uh, hindi ko masasabi na close kami. But he already knew me way back through Matt, ‘yong boyfriend ni Abby na executive assistant ni Mr. Hidalgo.”
Bumuntong-hininga si Jigo. “Mukhang malakas nga ang kalaban ko.”
“Binibiro ka lang nila Alex,” natatawang sabi niya. “Hindi pa naman ako ready magpaligaw. My relationship just ended. Ang gusto ko lang muna sa ngayon ay i-enjoy ang sarili ko.”
“Maghihintay ako kung ganoon. Pero sana pumayag ka sa invitation ko na lunch bukas.”
Ngumiti siya. “Walang problema. Para naman bago ‘yon, madalas naman tayo kumain palagi kapag inabot ng tanghali ang meeting natin.”
“Right,” natatawa na sagot ni Jigo.
Nang makalabas sila ng lobby. Napalingon siya kay Trish nang may tinuro ito sa may parking lot.
“Ano ‘yon?” tanong niya.
“Ayun oh,” sagot nito sabay nguso.
Natigilan si Iris nang makita ang tinuturo ng kaibigan. Her heart thump a bit faster when she saw River. Leaning against his luxury matte black SUV. Wearing his office suit with his one hand inside the pocket. Lalong nagwala ang puso niya nang ngumiti ito. That smile again.
“Kailan kaya mangyayari na hindi ako maapektuhan ng ngiti ng lalaking ‘to?”
And yes, this man is annoyingly handsome. Mayamaya ay lumapit ito sa kanila.
“Hi Iris,” bati nito sa kanya.
“Mr. Hidalgo, I didn’t expect you to be here.”
Kumunot ang noo. “May usapan tayo, ‘di ba? We talked last Friday.”
“I know, pero hindi ka na nagparamdam. Ang buong akala ko hindi na tayo tuloy.”
Ngumiti ito. “Sorry, it didn’t cross my mind that you will miss me this much.”
She rolled her eyes.
“Ugh, you’re so annoying. You’re so full of yourself,” naiirita na sagot niya.
“I’ll take that as a compliment, thank you very much.”
Natawa naman ang mga kaibigan niya.
“But I’m here now, so let’s go?” tanong nito.
Sasagot pa lang sana siya nang lumapit sa kanila si Jigo.
“Mr. Hidalgo, fancy meeting you here.”
“Oh, Hi Mr. Castillo.”
“Napasyal ka dito?”
“Dinaanan ko lang si Iris.”
“Hindi ko alam na close kayo ng Secretary ko.”
“And now you know,” sagot ni River.
“May lakad kayo?” tanong pa ni Jigo.
“Yeah. I’m taking her on a date,” sagot pa nito, sabay kuha ng bag niya at hawak sa kanyang kamay.
Nang maglapat ang kanilang palad. She felt a tingiling sensation, a small electric current that creeping through her veins. Babawiin pa lang sana niya ang kamay mula dito nang maramdaman ang marahan nitong pagpasil. Iris like the feeling of their hands holding together. She felt good. She feels safe and secured. Iyong pakiramdam na parang walang kahit na sino ang maaaring manakit sa kanya.
“Iris, let’s go?” tanong nito.
Simple siyang ngumiti at tumango. “Sige.”
“Bye guys, una na kami,” paalam niya sa mga kaibigan.
“Bye! Have fun!”
“Sir River, ingatan mo ang friend namin ha?” bilin pa ni Alex.
“Don’t worry, I’ll take care of her.”
Mula doon ay lumapit sila sa sasakyan nito. Pinagbukas pa siya nito ng pinto at inalalayan na makasampa sa loob. Habang nasa daan ay tahimik lang si Iris.
“I went home to our family’s farm over the weekend. I stayed there because Mom misses me. Naging busy ako sa farm kaya hindi ako nakapagtext sa’yo. Pagkatapos kanina, nasa meeting ako buong maghapon.”
Marahan siyang natawa. “Why does it sound like you’re reporting to me?”
“Parang ganoon na nga. Ikaw ang may sabi kanina na hindi kita tinext buong weekend.”
“Nagbibiro lang naman ako,” sabi niya habang natatawa.
“Still, I don’t want you to overthink. But I’ll do better next time. Pagpasensyahan mo na ako kung minsan sumasablay,” sabi pa ni River. “I have never been this serious on a girl before. Ngayon lang.”
Natigilan si Iris at hindi nakapagsalita. Hindi niya alam ang sasabihin. Her heart was overwhelmed with what he said.
“Saan pala tayo pupunta?” pag-iiba niya sa usapan.
“Kakain. Then, I know this bookstore. The store is so aesthetic, I’m sure you will love it there. Pagkatapos may coffee shop din sila doon, we can stay there and after shopping some books.”
“Paano mo nalaman na mahilig ako sa mga libro?” bahagyang kunot ang noo na tanong niya.
Sumulyap ito sa kanya saka ngumiti bago mabilis na binalik sa daan ang tingin.
“I asked Abby. Tinanong ko sa kanya kung ano ang mga hilig mo. Kung ano ang paborito mong pagkain, at kung ano ang puwede sa’yo, since diabetic ka.”
Hindi napigilan ni Iris ang mapangiti. Hindi na naman niya maiwasan na ikompara si River sa dating nobyo. Ngayon lamang niya napagtanto na kahit kailan, sa tatlong taon na relasyon nila. Majority sa panahon na magkasama sila, Gary never asked what she wants. Hindi ito nag-effort para alamin ang mga gusto niya gaya ng ginawa ni River.
“Thank you. I appreciate that,” sabi niya.
“You’re welcome.”