SA ISANG hindi masyadong formal na restaurant siya dinala ni River. He ordered baked salmon with pesto pasta for them and grilled chicken.
“Loving the food?” tanong pa nito.
“Yeah, masarap.”
“Hindi ba overwhelming ang lasa para sa’yo? Puwede ako mag-request ng iba kung gusto mo.”
“No. This is perfect. Thank you.”
“So, tell me, mula pa pagkabata ganito na talaga ang lifestyle mo as diabetic?”
“Oo, nasanay na rin.”
“Hindi ka ba nahihirapan?”
“Nahihirapan. Lalo kapag bigla na lang tumataas ang sugar ko o bumababa. Kailangan monitor ko ang sugar ko. Tapos regular check up, inom ng gamot. Bukod doon, magastos din. Dito pa lang sa patch na nakakabit sa akin sobrang mahal na. Wala naman gamot sa sakit ko kaya habang buhay ko nang dala ‘to. Kaya wala, tiis lang. Saka nasanay na rin naman ako.”
“I will try to read more about it,” sabi nito.
“You don’t have to.”
“Pero gusto ko,” giit ni River. “Gusto ko na may alam ako sa kalagayan mo. Gusto ko na alam ko ang gagawin ko in case of emergency. Paano kita maalagaan ng maayos kung dito pa lang wala na akong alam?”
Napangiti si Iris. “Talagang seryoso ka sa sinasabi mo, no?”
“Ikaw lang naman ang nagdududa eh.”
Matapos magdinner ay dinala siya ni River sa tinukoy nitong bookstore. Gaya ng sinabi nito, namangha siya sa ganda niyon. It looks really aesthetic. Para siyang old bookstore na matatagpuan sa London. Malaki ang bookstore at sa kabilang bahagi ay may coffee shop.
“Hi, I have a reservation for a VIP room under River Hidalgo,” sabi nito sa receptionist.
“Yes, Sir. This way.”
“Iris, let’s go,” baling nito sa kanya.
Dinala sila ng babae sa isang VIP room kung saan ang upuan ay legless couch at bean bags at may mesa sa gitna. May mga libro din doon sa loob na maaari nilang basahin habang umiinom ng kape.
“Sir, sa counter na lang po kayo mag-order,” sabi pa ng babae.
“Okay, thank you.”
“Wait here, order lang ako,” sabi nito.
“Lalabas din ako, titingin na ako ng mga books.”
“Okay.”
Pakiramdam ni Iris ay natunaw ang lahat ng stress niya hindi lang sa trabaho kung hindi sa mga nangyari kaninang umaga na komprontasyon nila ni Victoria. Just looking at these books together with River. It feels like a perfect night for her.
Bahagyang nagulat si Iris nang may humawak sa kanyang bewang. Nang lumingon ay bumungad sa kanya ang malapit na mukha ng binata. Natigilan siya nang matitigan ang mga mata nito. Those deep-set pair of brown eyes, and his slightly thick dark eyebrows emphasize the gorgeousness of his eyes. That perfectly curved nose, those plump lips, Iris can still remember exactly how those lips gave her the sweetest kiss she ever tasted. His dark brown hair. His flawless medium skin tone. Not to mention the way he always towers over her with his six-foot height. River’s mixed Filipino, Russian, and Greek features added to the perfection of his looks.
Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib nang bumaba ang tingin nito sa kanyang labi. Tumikhim siya at umiwas ng tingin.
“Na-Naka-order ka na?” kabado na tanong niya.
“Yeah. Spanish latter for me and cold cappuccino for you decaffeinated without sugar,” sagot nito.
“Pati coffee na gusto ko alam mo?” gulat na tanong niya.
Ngumiti lang ito sabay kurot ng magaan sa kanyang pisngi.
“Siyempre,” sagot nito. “Ano? Nakapili ka na ng mga libro?” tanong pa ni River.
“Ito lang munang dalawa, marami pa akong hindi nababasa. Nakatambak lang doon sa bahay.”
Umikot ang binata sa ibang shelves. Matapos basahin ang likod niyon ay may pinili pa itong tatlo pang libro. Binayaran nito iyon kasama ang dalawa niyang pinili.
‘“Here,” sabi nito sabay abot sa kanya ng paper bag.
“Thanks.”
“Sir, nasa loob na po ‘yong order n’yo.”
“Salamat.”
Pagbalik sa loob ng VIP room ay naroon na nga sa mesa ang inorder nilang kape. Magkatabi silang naupo sa couch.
“Hindi ka ba nabo-bored sa mga ganitong dates?”
“Hindi naman. Masaya nga eh, chill lang. Nakaka-relieve ng stress.”
“Sinabi rin ni Abby na mahilig ka sa mga museums.”
“Yeah. I love looking at different artworks.”
“Me too. Bumibili rin ako ng mga art pieces. Investment din kasi ‘yon, someday I can sell it double its original price. Lalo na kapag sikat ang painter or the art itself is very rare to find.”
“Talaga? Your collections must be good.”
“I’ll show it to you sometime.”
“Sige.”
“Sa Sabado museum date naman tayo.”
“Sure,” masayang sagot ni Iris.
Habang umiinom ng kape, napatingin siya sa kamay niya nang hawakan iyon ni River.
“How are you over the weekend? I mean, after what happened.”
Ngumiti siya. Sa halip na bawiin ang kamay ay hinayaan lang iyon ni Iris.
“I’m okay. Naiiyak ko na lahat ng sama ng loob ko. Galit pa rin ako pero ayoko na mag-dwell masyado dahil doon. Ayokong magmukmok at iyakan siya. He’s not even worth it.”
“Remember that I’m just here. Kung kailangan mo ng kausap, I’m just a call away and I will come running to you.”
“Thank you, River.”
Kinulong nito sa mga palad ang kanyang kamay.
“Medyo advance ang nangyari agad sa atin noong una tayong makakilala,” sabi nito.
Natawa si Iris. “Oo nga.”
“Though I loved every minute of it and I enjoyed it a lot. This time, I want to start it right. I will start from the basic. Kikilalanin muna kita. I want us to be friends first. Gusto ko na makuha ko ang tiwala mo dahil alam ko kahit hindi mo sabihin, dahil sa mga nangyari nahihirapan ka magtiwala ulit.”
“Salamat. Hindi ko alam kung anong nakita mo sa akin, River. Malayo ang agwat ng buhay natin. I’m not even an ideal woman for a man as high as you. I get even when mad. I have a lifetime illness. Hindi ako mayaman. Maraming babae diyan na mas higit sa akin.”
“Ayoko sa kanila dahil hindi sila ikaw. Hindi ko kailangan ng babae na mas mayaman sa akin. Ang kailangan ko ‘yong babae na magpapasaya sa akin at ikaw ‘yon. Let me help you forget all the pain that man caused you. Hindi ko maipapangako na hindi ka masasaktan o hindi ka iiyak kapag tinanggap mo ako sa buhay mo, pero kaya ko na ipangako na hindi kita lolokohin. When I said I’m serious about my intentions to you. I mean it.”
Napangiti si Iris. “I believe you now.”
Bumakas ang saya sa mga mata nito. Kinabig siya ni River palapit at hinalikan sa noo.
“Fron now on, just sit back and relax. Don’t do anything besides look at me and everything that I will do for you. Because I will take care of you. Ngayon ipaparamdam ko sa’yo na ikaw naman ang aalagaan.”
Nangilid ang kanyang luha. Nang kabigin siya nito muli upang yakapin. Muling pinagbigyan ni Iris ang sarili. She leaned her head on his shoulders habang yakap siya nito. She closed her eyes and allowed herself to rest in his arms.
“Thank you,” she whispered.