SINUBUKAN ni Iris na mag-concentrate sa meeting at sa pagsusulat ng mga importanteng detalye na pinag-uusapan ng dalawa. Ngunit para naman sinusubukan ng tadhana ang kanyang pasensya dahil sa ilalim ng mesa. Sa likod ng mahabang tablecloth ay kanina pa niya nararamdaman ang paa ni River na gumagapang sa hita niya.
Sa inis kanina ay nasipa na niya ito. Sa halip na tumigil ay patay-malisya lang ito at lihim na natawa.
“Ano ba ‘tong lalaki na ‘to?” sabi niya sa isipan.
Mahigit isang oras din ang tinagal ng meeting. Nang matapos ang pag-uusap ng dalawa tungkol sa negosyo ay saka nagpaalam si Iris.
“Sir, restroom lang po ako,” sabi niya.
“Sure.”
Nang tumayo ay sinundan pa siya ng tingin ni River pero hindi niya ito pinansin. Sa halip na dumiretso sa restroom gaya ng paalam. Dumiretso sa labas si Iris. Pagkatapos ay tinawagan ang isang numero na maaaring magkumpirma ng kanyang hinala.
“Hello, good afternoon. May I speak with Mr. Gary Abadiano?”
Ang numero na tinawagan niya ay ang direct line sa mismong desk nito.
“Hello, good afternoon. But I’m sorry, Mr. Abadiano is not available at the moment.”
Habang tumatagal ay lumalakas ang kabog ng dibdib ni Iris.
“Is he out of the office?” kunwari ay tanong niya.
“No, Ma’am. Mr. Abadiano is currently on a one-month vacation leave.”
Napakunot noo siya.
“Vacation leave? I thought he went on a business trip in the US for a month?” tanong pa niya.
“Oh, there must be some misunderstanding. Mr. Abadiano went on a business trip with the CEO three weeks ago in San Francisco. But that was for a week only. After that, he went straight on his vacation leave.”
Humigpit ang kapit ni Iris sa phone nang marinig iyon. Nang mga sandaling iyon ay nais niyang maiyak matapos makumpirma ang hinala.
“Anyway, thank you. I’ll just call again when he comes back.”
Pinigilan ni Iris ang maiyak nang ibaba ang tawag. Matapos ayusin ang emosyon ay saka siya bumalik sa loob. Pagdating doon ay dumiretso siya sa restroom na para sa babae at lalaki. Doon sa loob ay may dalawang cubicle at agad na pumasok sa isa sa nakabukas na pinto. Isasara na lamang ni Iris iyon nang biglang pumasok si River.
Nanlaki ang mga mata niya nang itulak siya nito sa loob at pumasok doon sa cubicle.
“Anong ginagawa mo di—”
Hindi niya naituloy ang sasabihin nang bigla nitong takpan ang kanyang bibig at sumenyas na huwag maingay matapos marinig na may pumasok at nasa kabilang cubicle.
Her heart started to throb loudly. Kay lakas ng kabog ng kanyang dibdib na parang sasabog ano man oras. Their bodies are only an inch away from each other and being with him on that small space reminded her of that night. Dahan-dahan nitong binaba ang kamay at tinitigan siyang mabuti. Pagkatapos ay nilapit ang bibig sa tenga.
“Having a bit of deja vu?” bulong nito.
Hindi magawang makasagot ni Iris dahil sa takot na baka marinig sila ng tao sa kabilang cubicle. Muli nitong nilayo ng bahagya ang mukha sa kanya npara salubungin ng tingin ang kanyang mga mata.
“I can’t forget that kiss, Iris. It gave me a lot of sleepless nights.”
“Same here.”
Nais niyang isatinig ang kanyang sagot ngunit pinigilan ni Iris ang sarili. Hindi na nito kailangan malaman na hindi nawaglit sa isip niya ang nangyari nang gabing iyon.
“Hindi mo alam kung gaano ako natutukso na tawagan ka o puntahan ka. But I had to hold back because it wasn’t the perfect time yet. But now that we’re here again and I told you, didn’t I? You will see me again and I promise you, you will often see me starting today.”
“What do you want from me?” pabulong na tanong ni Iris.
“You. I want you.”
“We don’t know each other.”
“We can start getting to know each other from now on.”
“Hindi ako interesado sa’yo kaya tigilan mo ako.”
Ngumisi ito at bumaba ang tingin sa kanyang labi.
“But your kiss and the way you moan that night says otherwise.”
“Please, don’t mention it again.”
He smirked. “I was right. You’re still thinking about my kiss and how my finger fu—”
Hindi nito naituloy ang sasabihin nang takpan niya ang bibig nito.
“Lumabas ka na.”
“Go out with me.”
“No. Get out.”
“Not until you say yes.”
“Baka naghihintay na sila doon.”
“I don’t care.”
“River, please.”
“I missed that. My name sounds sexy every time you mention it.”
“Please, get out.”
Lalong kumabog ng malakas ang dibdib ni Iris nang mas lalo nitong ilapit ang mukha na halos magdikit na ang kanilang labi.
“Pasasagutin kita. I will make you fall in love with me, Iris Jade. I will pick you up later after office hours.”
Kasunod niyon ay lumabas na ang tao sa kabilang cubicle.
“Mauna ka nang lumabas habang wala pang dumarating na tao,” bilin nito saka magmamadaling lumabas ng cubicle at lumipat sa kabila.
Agad niya itong sinunod at nagmamadaling lumabas ng restroom.
PARANG sasabog ang puso ni Iris habang hawak ng mahigpit ang phone. Hindi niya alam kung ano ang kanyang uunahin, iiyak ba sa sakit o sisigaw sa galit. Nang makabalik sila sa opisina, naisip niya na buksan ang social media account ng nobyo. Naalala niya bigla na naka-save sa kanyang phone ang password niyon dahil madalas makalimutan ni Gary ang password ng account nito. Daig pa niya ang pinagbagsakan ng langit at lupa nang makita ang chat history ng nobyo. Doon ay nabasa niya ang conversation ni Gary sa babae na malapit sa kanya.
“Mahal, kumain ka na ba?”
“Nakaalis na si Iris, punta ka na dito, mahal. Sabik na sabik na ako sa’yo.”
“Konting tiis, mahal, ha? Hindi ko pa siya puwedeng iwan eh. Kailangan ko pa si Iris hanggang ngayon.”
“Huwag ka mag-alala, sinabihan ko na si Iris na bilhin ‘yong TV na gustong-gusto mo.”
“Excited na ako sa bakasyon natin, three weeks din tayong magkasama. Ihanda mo na mga sexy mong pantulog ha? Dahil hindi kita pagpapahingahin hehehe.”
Umaapaw ang galit sa dibdib ni Iris. Parang sasabog iyon ano man oras. Matapos matuklasan ang panloloko ng nobyo. Hindi nakatiis ang dalaga. Nang makabalik sila sa opisina ni Jigo mula sa meeting kasama si River Hidalgo at kaibigan niya na si Matt, agad siyang nagpaalam sa boss at nag-undertime.
Nang makababa ng taxi, mabilis na dumako ang mata niya sa nakaparada na kotse ni Gary sa labas ng apartment nito. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto, mula sa labas ay naririnig ni Iris ang boses ng nobyo at ang tinig ng babae.
“Malapit na tayong bumalik sa trabaho, mahal. Mamimiss kita,” sabi ng babae.
“Ako rin. Hayaan mo, gagawa ulit ako ng paraan para maulit ito. Pero hindi muna tayo magkikita sa mga susunod na linggo. Baka makahalata na si Iris eh.”
“Okay. Basta ha? Text mo pa rin ako.”
“Oo naman mahal. Halika nga dito, pakiss nga!”
Nang marinig niya ang hagikgik ng babae, parang kusang nagkaroon ng buhay ang kanyang mga kamay. Iris found herself twisting the doorknob before pushing the door to open.
Halos sabay lumingon ang dalawa at sabay din nagkulay suka ang mukha ng mga ito. Nabitiwan ni Iris ang hawak na bag at agad bumaba ang tingin niya sa suot ng dalawang taksil. Gary is only wearing his boxer while the woman was just
wearing his shirt.
“Ma-Mahal,” nagkandautal na sabi ni Gary.
“Mahal?” wika niya sabay pasok sa loob ng apartment. “Sinadya mo ba talaga na mahal din ang itawag sa kanya para hindi ka mabuking sakaling madulas ang dila mo kapag ako ang kasama mo?”
Natataranta na lumapit sa kanya si Gary.
“Mahal, sandali magpapaliwanag ako.”
“I-Iris,” nanginginig ang boses na sabi ng babae.
Huminga siya ng malalim matapos pukulin ng matalim na tingin ang babae pagkatapos ay gumala ang tingin niya sa paligid. Ang mga damit ng dalawa ay nakakalat sa sala.
“Kumusta ang lola mo na may sakit, Victoria? Magaling na ba? Hindi mo naman sinabi na ang kati ng boyfriend ko ang gagamutin mo. Tinulungan sana kita.”
“Mahal, magpapaliwanag ako. Nagkakamali ka ng akala, mahal!” natataranta na sabi ni Gary.
Lumipad ang tingin niya dito.
“Bakit nanginginig ang boses mo, ha? Saka bakit mo kailangan magpaliwanag? Hmm? Ah, alam ko na. Dahil kailangan mo pa pala ako, tama ba? Dahil may mga kailangan ka pa ipabili sa akin kaya hindi mo ako mahiwalayan.”
“Mahal hindi ganoon ‘yon. Halika dito, maupo tayo at mag-usap,” sabi pa ni Gary nang subukan siya nitong hawakan. Mabilis niyang iniwas ang kamay at agad iyon lumipad at mukha nito at binigyan ng malakas na sampal.
Napatili si Victoria sa gulat. Hindi pa nakuntento si Iris at sinampal niya ng magkakasunod pa si Gary.
“Napakahayop mo!” galit na sigaw niya. Sa lakas ng boses ay napapitlag sa gulat ang dalawa.
“Napakahayop n’yong dalawa! Gaano katagal mo na akong niloloko?”
“Mahal, makinig ka muna ka sa akin.”
“Sagutin mo ang tanong ko, gaano katagal na?”
“Pakiusap, huwag natin daa—”
“Sinabi nang sagutin mo ang tanong ko! Gaano katagal mo na akong niloloko?!”
“Two years!”
Iris opened her mouth to gasp some air in disbelief. Namalayan na lang niya na umagos ang luha. Sinuntok niya ang sariling dibdib, bigla ay nahirapan siyang huminga. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman. The trust. The betrayal.
“Dalawang taon? Sa tatlong taon ng relasyon natin mas lamang pa na niloloko mo ako?!” hindi makapaniwala na tanong niya.
“I’m sorry,” halos pabulong na sagot.
“I’m sorry, Iris. Hindi namin sinasadya,” sabad ni Victoria.
Nagpanting ang tenga niya sa huling sinabi nito.
“Hindi sinasadya?!” hindi makapaniwalang ulit niya.
“Naka-dalawang taon na ang panloloko n’yo sa akin, tapos hindi n’yo sinasadya?! Saan parte doon ang hindi n’yo sinasadya?! Ano palagay mo sa akin tanga?!” malakas na sigaw niya sabay bato ng mga nakakalat damit na pinulot niya sa babae.
“Ikaw, ha? Ang kapal ng mukha mo!” baling niya kay Gary. “Ang kapal ng mukha mo na lokohin ako!”
“Ikaw rin naman ang may kasalanan kung bakit ko ‘to nagawa eh!” biglang bulalas ni Gary.
Gulat at hindi siya nakapagsalita sa narinig mula dito.
“Ayaw mong may mangyari sa atin! Siyempre, siyempre may pangangailangan din ako bilang lalaki!” katwiran nito.
Iris laughed sarcastically in disbelief at what she heard. Kasabay ng pagtawa ay ang pag-agos ng mga luha. Kung ganoon, tama ang mga kaibigan niya. Hindi dapat siya nagtiwala sa lalaking ito.
“Dahil doon? Dahil lang doon?!” sigaw niya ulit sabay sampal na naman sa mukha nito.
“Dahil lang sa ayaw kong pagbigyan ang kalibugan mo kaya naghanap ka ng iba?! Bakit hindi ka na lang nakipaghiwalay noon pa?! Bakit kailangan mo paabutin sa ganito?!” umiiyak na sabi ni Iris.
“Mahal, pakiusap kumalma ka!”
She screamed so loud to let out her anger. Pagkatapos ay sunod-sunod itong sinampal. Sa sobrang galit ni Iris ay mabilis siyang lumabas ng apartment. Gumala ang mga mata niya sa paligid. Sa labas ay naroon ang mga kapitbahay at nag-uusisa. Tiyak na narinig ng mga ito ang boses niya dahil sa lakas niyon. Nakuha ang kanyang atensiyon ng binatilyo na may hawak na baseball bat. Nagmamadali siyang lumapit dito.
“Pahiram ako, mamaya bibigyan kita ng rubber shoes!” mabilis ang paghingal na sabi niya.
“Ineng, maghunus dili ka,” nag-aalala na sabi ng matandang babae.
Ngunit naging bingi si Iris sa lahat ng pang-aawat ng mga tao doon. Sa labis na galit at nilapitan niya ang kotse at malakas na hinataw ang salamin niyon. Nagsigawan ang mga tao sa gulat at napaatras. Samantala tumakbo palabas si Gary.
“Iris, huwag! Tumigil ka na!”
Akma itong lalapit sa kanya nang itutok niya sa harap nito ang baseball bat.
“Sige lumapit ka para sa’yo ko ihampas ‘to!” nanginginig sa galit na banta niya.
“Gagawin ko ang gusto ko dito dahil ako ang nagbabayad nito buwan-buwan!”
Walang nagawa ito kung hindi umatras. Muli niyang tinuon ang atensiyon sa kotse at walang tigil iyon hinampas hanggang sa mabasag lahat ng salamin at mayupi ang ilang bahagi niyon. Pagkatapos dala pa rin ang baseball bat ay pumasok siya sa loob ng apartment. Sumigaw si Iris sabay hampas ng malakas sa TV. Pinabili iyon sa kanya ni Gary ilang buwan na ang nakakalipas, ang buong akala ni Iris ay para may maayos silang papanooran kapag naroon siya. Iyon pala ay dahil gusto ni Victoria niyon.
“Mahal, huwag ang TV!”
Hindi niya pinakinggan ang ito at sunod-sunod na hinataw ang TV hanggang sa tuluyan iyon mabasag. Pagkatapos ay nagmamadali siyang pumasok sa kuwarto at kinuha ang mga mamahalin at original na rubber shoes na siya rin lahat ang bumili. Dala ang mga iyon, lumabas siya ng apartment at pinamigay iyon sa mga kabataan.
“Iris, huwag ang mga sapatos ko!” awat sa kanya ni Gary.
“Sa akin ‘yan dahil ako lahat ang bumili n’yan! Kaya gagawin ko kung anong gusto ko!” sigaw niya dito sabay tingin sa mga bata.
“Sa inyo na ‘yan! Kapag kinuha niya sa inyo sabihin n’yo sa akin!”
“Yown!” tuwang-tuwa na sigaw ng mga bata.
“Thank you, ate!”
“‘Nay, may jordan na ako!” pamamalita pa ng isa habang tumatakbo.
Nang bumalik siya sa loob. Kinuha naman niya ang laptop at phone nito saka mabilis na lumabas.
“Huwag ‘yan, mahal! Huwag ‘yan! Nandyan sa laptop ang trabaho ko!”
Pinukol niya ito ng masamang tingin at basta na lang binagsak ang mga iyon sa semento. Pagkatapos ay hinampas din niya ang laptop at phone nito ng baseball bat hanggang sa masira. Nang makabalik sa loob, lahat ng mga bagay na naroon na binili ni Iris ay sinira niya rin lahat. Kahit ang mesa na kinakainan ng mga ito. Hanggang sa halos wala nang matira sa gamit nito sa apartment.
“Kulang pa ‘yan mga ginawa ko kumpara sa sakit na binigay mo sa akin, Gary,” umiiyak na sabi niya. “Alam mo, mas matatanggap ko pa kung noon pa lang sinabi mo sa akin ang totoo na hindi ka masaya. Na ang kailangan mo ay babaeng kakamot sa kati ng b*yag mo. Mas maiintindihan ko pa. T*ngina, minsan nga kinakalimutan ko na ang sarili ko maibigay ko lang ang gusto mo. Ibibili ko na lang gamot at insulin ko, ibibili ko pa ng cellphone mo! Tapos ako pa ang lolokohin mo?!” puno ng sama ng loob na wika niya habang umiiyak.
“At nagpapasalamat ako dahil hindi hinayaan ng Diyos na ibigay ko ang sarili ko sa’yo. Alam mo kung bakit? Because you’re not worth it. At hinding-hindi ko ibibigay ang sarili ko sa gaya mo! Ngayon, na-realize ko na hindi mo talaga ako minahal, Gary. Niligawan mo ako dahil kailangan mo ako. Kailangan mo ng babaeng mabibilog ang ulo para mabigay ang luho mo sa katawan. Malas ko lang dahil nagpabola ako sa’yo. Pero malas mo rin dahil hindi mo muna ako kinilala ng husto. Hindi mo muna inalam kung paano ako magalit. Alam mo tama silang lahat tungkol sa’yo. Wala kang kuwenta. Simula ngayon, tapos na sa atin ang lahat. Kaya huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin.”
“Iris, please, huwag mo akong iiwan!”
“Gusto mong magkaroon ulit ng mga magagandang gamit, sapatos at TV? Puwes bumili ka, o kaya magpabili ka diyan sa babae mo! Para may pakinabang ‘yan iba sa’yo bukod sa bumukaka!”
Matapos iyon ay dinampot niya ang bag saka nagmamadali na lumabas ng bahay.
“Iris, sandali lang!” habol sa kanya ni Gary. “Mahal! Patawarin mo ako! Pangako magbabago na ako huwag mo lang ako iwan!”
Bigla siyang huminto nang may maalala sabay lingon dito.
“Ah, nakalimutan ko palang sabihin sa’yo. Hindi ka masarap humalik!” sabi pa niya sabay talikod at lakad palayo. Narinig pa niya na tumawa ang mga kabataan na naroon ngunit hindi na siya lumingon pa.
Hanggang sa napahinto si Iris nang makita kung sino ang nag-aabang sa kanya habang nakasandal ito sa isang magarang sports car. Walang iba kung hindi si River. Lumapit ito sa kanya. Sinalubong nito ng may simpatya ang kanyang tingin. Then, smiled at her.
“Feeling better?” tanong nito.
Sa halip na sumagot, natagpuan ng dalaga ang sarili at tuluyan napahagulgol. Bumuntong-hininga si River at kinabig siya palapit sabay yakap sa kanya ng mahigpit.