Chapter 3

2586 Words
“OUCH!” daing ni Iris nang bumangon at salubungin siya ng sakit ng ulo. Pagkatapos ng mga games ay nag-inuman pa sila. Umalis na si Abby at Matt at lumipat sa kuwarto nito, kaya silang tatlo nila Trish at Alex ay nagpatuloy sa inuman. Bigla siyang natigilan nang biglang bumalik sa kanyang isipan si River. “Ang sarap mong halikan, Iris.” “You’re so tight, love. Still a virgin?” “Come for me, my love. Come for me!” Gustong maiyak ni Iris nang maalala ang kalokohan ginawa kagabi. Binagsak niya muli ang sarili sa kama sabay takip ng unan sa mukha. Hindi alam ng dalaga kung anong pumasok sa kanyang isipan at nagawa iyon. Iris has never been that wild and bold in her life. But something about River Hidalgo that makes him irresistible. Para siyang nasa ilalim ng mahika at nagawa siyang pasunurin nito. Mas lalo siyang hindi makapaniwala na hinayaan niya na hawakan ang katawan niya ng isang estranghero, gayong ang nobyo niya ng tatlong taon ay hindi pa siya nagawang hawakan ng ganoon. Yes. Gaya ng hula ni River. Iris is still a virgin. Sa tatlong taon na relasyon nila ni Gary, wala pang nangyayari sa kanila. Sa kabila ng ilang beses na pag-uungot ng nobyo na magsiping sila. Sa hindi malaman dahilan ay hindi niya magawang isuko ang sarili dito. Ngunit paano na ang isang estranghero na kagabi lamang niya nakilala at hindi pa nakita sa tanan ng kanyang buhay ay nagawa ni Iris na hayaan na hawakan siya nito. And what she hated the most? She enjoyed it. His kiss. His touch. His tongue on her skin. The feeling of his warm breath on her skin. His deep baritone voice that still echoes in her ears until now. Iris felt ashamed that he made her come. And yes, her first orgasm happened with a stranger. Inusig ng konsensya si Iris. Sa tatlong relasyon na dumaan sa kanyang buhay, kasama si Gary, she never tempted to cheat on her partner. But now, she did it. Hindi niya maaaring sisihin ang mga kaibigan sa pang-uudyok nito na sumali siya sa game, dahil sa huli ay pumayag din naman siya. It was her fault. Ngayon, hindi alam ni Iris kung paano haharapin si Gary. Wala siyan plano na sabihin ang ginawa sa nobyo. Wala rin naman nakakaalam ng nangyari maliban sa kanila ni River. Inalis ni Iris ang unan sa mukha at tumitig sa kisame. Parang nag-reflect ang mukha ng binata doon. She found herself smiling and biting her lip as she remembers that wild moment they shared. Hindi niya makalimutan ang halik nito. Kung gaano iyon katamis at kasarap. The way he caressed her body. For the last seven minutes, she felt both his dominance while carefully handling her body. For a moment she felt special. River made her feel beautiful and desirable. The way he looked at her. He talked to her. The way his eyes shines everytime he looks at her. Mga bagay na kahit kailan ay hindi niya nakita o naranasan mula kay Gary. But what she appreciates the most was how River saves her face. Sa halip na sabihin sa lahat ang ginawa nila, nilihim nito iyon nang sa ganoon ay hindi siya tuksuhin at asarin ng mga kaibigan. Sa isang banda, sinalba nito ang kanyang dignidad. “Totoo kaya ang sinabi niya? Na magkikita pa kami?” tanong niya sa sarili. “Huy, bakla ng taon!” Biglang napalingon si Iris. Bumangon siya na kunot ang noo nang makita na nakatayo sa may pinto ang mga kaibigan. “Kanina pa kayo diyan?” tanong niya. “Sapat na para mabilang namin kung nakailan buntong-hininga ka,” sagot ni Alex. “May pangiti-ngiti ka pa diyan,” sabi pa ni Trish. “Ikaw ha? Umamin ka nga, may ginawa kayo ni Pepito Manaloto kagabi?” pag-uusisa ni Alex. Natawa si Iris habang bumaba ng kama. “Bakit Pepito Manaloto?” “Mayaman eh.” “So, ano? Mayroon nga ba?” “Wala, okay?” tanggi niya. “Sinabi lang niya na hindi iyon ang una’t huling pagkikita namin.” Nagtinginan ang dalawa sabay nag-high five. “Sabi sa’yo eh, bet no’n si Iris eh!” “Ano? Ilalakad ka na ba namin?” Napapailing na lang siya at ngumiti. “Tigilan n’yo na ako ha? Kagabi pa kayo. Masyado na kayong nagiging bad influence,” saway niya sa mga ito saka dumiretso sa kusina at nagmumog. “That’s the goal!” Bumuntong-hininga si Iris. “Bakit ba kasi ayaw n’yo kay Gary?” “Dahil isang tingin pa lang wala na akong tiwala sa kanya.” “Sure ako may nambababae ‘yon!” “Kayo talaga, isama mo na si Abby. Puro kayo speculations,” sabi niya. “Hindi ah! Nakita na—” “Nakita namin na hindi ka masaya sa kanya!” putol ni Alex sa sasabihin ni Trish. Natigilan si Iris. Hindi niya magawang itanggi ang sinabi ng kaibigan. Tama. Hindi masaya na siya masaya sa relasyon nila ng nobyo. She’s looking for more affection from him. Nakukulangan siya sa effort ni Gary sa kanya. Noong una lang ito sweet at malambing. Ngayon parang wala na. Natatabangan na siya sa pakikitungo nito. Ayaw lang aminin ni Iris pero hindi isang beses nang sumasagi sa isipan niya na baka may iba na rin ito. “Sige nga, Iris. Check mo ‘yong phone mo, mula nang umalis ang gunggong mong ex, hindi ka halos kino-kontak n’yan. Magtetext isa o dalawang beses, ’wag lang hindi masabi na nag-usap kayo,” wika ni Alex na may kasamang sermon. Doon lang naalala ni Iris ang kanyang phone. Agad niya iyon kinuha, gaya ng sabi ng kaibigan, wala pa rin message sa kanya ang nobyo. Nakita niya na nag-seen ito sa kanyang chat pero walang reply. “Busy lang ‘yon,” pagdadahilan niya. “Hay naku, Iris Jade. Sige. Magpaka-tanga ka pa.” “I’ll be fine, guys. But thank you for your concern,” nakangiti na sabi niya sa mga kaibigan. Napunta kay Trish ang atensiyon nila nang mapasinghap ito habang nakatingin sa hawak nitong phone. “Ano ‘yon?” pag-uusisa ni Iris. “Si Pepito Manaloto, kasama na naman ‘yong si Jewel Ocampo,” sagot nito. Lumapit sila ni Alex at nakisilip sa phone nito. Naroon ang post mula sa isang netizen ang larawan ni River kasama ang sikat na aktres. Nasa isang pub ito, bukod sa dalawa ay may mga kasama pang ibang kaibigan ang lalaki. Kita sa larawan na naka-akbay si Jewel sa kay River. “Ganito ‘yong suot niya kagabi, ‘di ba? Ibig sabihin diyan siya dumiretso pagkagaling dito?” komento pa ni Alex. “Siguro,” sagot niya. “Hindi ka nagseselos?” tanong ni Trish. “Ang OA, bakit ako magseselos?” natatawa na sagot niya. “Wala, baka lang naman.” “Pero sabi ng mga tao may relasyon daw sila.” “Parang wala naman, ilang beses ko nang nakikita mga pictures nila sa ibang mga social media platforms. Mukha naman walang interes si River Hidalgo kay Jewel.” “Huy, una na akong maligo. Kailangan ko nang umuwi sa apartment ko,” paalam ni Iris. Habang nakatalikod at inaayos ang mga gamit. Hindi maintindihan ni Iris kung bakit nakaramdam siya ng pagkadismaya sa nalaman. Hindi siya nagselos. But part of her was expecting to see him again. “Ano ba ‘yan iniisip mo, Iris? May boyfriend ka,” kastigo niya sa sarili. “GET READY, Ms. Santiago. We will leave in five minutes,” sabi ng boss niya na si Jigo. “Sir? May lakad po ba tayo?” “Ah yeah, may lunch meeting tayong pupuntahan.” Mabilis na binuksan ni Iris ang tablet at tinignan ang schedule nito. “Pero Sir, wala naman po nakalagay sa schedule n’yo ngayon.” “Ah, don’t worry about it. Direkta ko kasing nakausap ang investor. Siya mismo ang humingi ng appointment sa akin.” “Okay, Sir.” “This is big, Iris! Malaking asset siya sa kompanya!” “Talaga po? Well, I hope you get this client, Sir.” “I will make sure of that.” Ngumiti si Iris. “I believe in you, Sir.” “Um, if ever ma-close ko ang deal na ito at mapapirma natin siya ng kontrata para sa next project. Pagbibigyan mo ba ako kapag niyaya kita na mag-dinner?” Natigilan siya. “Po?” Jigo chuckled and gave her an embarrassed smile. Napakamot pa ito sa batok. “Sorry, Iris. I know this is too sudden. Alam ko na may boyfriend ka, pero alam ko na aware ka na gusto kita.” Bigla siyang bumawi ng tingin at tumikhim. “Pero sana bigyan mo ako ng chance, gusto kitang ligawan.” “Po?” gulat na tanong niya. “Eh Sir, kasi alam n’yo naman ‘yon isa-sagot ko. Kayo na rin po ang may sabi, may boyfriend ako.” “Do you even love him? Or are you happy?” Muling sinalubong ni Iris ang tingin ng lalaki. “Jigo, kaibigan kita. Ayokong maging awkward habang nagtatrabaho ako dito.” “Of course. I’m sorry. Pero hihintayin kita, kapag naghiwalay na kayo ng boyfriend mo. Liligawan kita agad.” Natawa si Iris. “Bakit ba feeling ko ang dami n’yo nagdadasal na mag-break kami?” “Dahil hindi kayo bagay! A woman like you deserve better.” “Oo na. Ang mabuti pa umalis na tayo at baka ma-late ka sa meeting.” Habang nasa elevator pababa sa ground floor ay nakatanggap siya ng text mula sa best friend niya na si Josie. “Huy, beshycakes. Kumusta?” “Ayos naman, ikaw?” “Eto breaktime. Nga pala, nakita ko kayo ni Gary kagabi sa mall. Tinatawag kita hindi ka naman lumilingon.” Napakunot noo si Iris sa nabasa. Nang hindi makatiis ay tinawagan niya ang matalik na kaibigan. “Besh,” bungad niya. “Uy, bakit hindi ka lumingon?” tanong nito. “Saan mo kami nakita?” tanong din niya. “Sa mall doon sa Makati.” Mabilis na kinutuban si Iris. Nakaramdam siya bigat sa dibdib. “Besh, baka nagkakamali ka at napagkamalan mo kami ‘yong nakita mo?” “Hindi! Kilala ko si Gary kahit nakatalikod!” “Josie, hindi kami magkasama kagabi. Nasa bahay ako. Hindi ako umalis pag-uwi ko galing ng office. Si Gary nasa US pa, pauwi pa lang siya sa isang araw.” “Weh? Sigurado ka? Kasi sure ako na si Gary ang nakita ko. Ang buong akala ko ikaw ang kasama niya dahil ‘yong babae kapareho ng kulay at haba ng buhok mo.” Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Kasabay niyon ay ang paulit-ulit na dasal na sana ay nagkakamali siya ng hinala. “Hoy Iris Jade, kung hindi ikaw ang babae na kasama ng boyfriend mo. Aba, panahon na para magising ka na sa wakas sa katotohanan. Sayang, hindi ko sila napicturan kagabi.” Tumikhim siya. Iris composed herself. Oras pa rin ng trabaho at hindi siya maaaring mawala sa focus. “Huy, ayos ka lang?” tanong pa ng kaibigan sa kabilang linya. “Oo. Okay lang.” Matapos nilang mag-usap ni Josie ay huminga ng malalim si Iris. “Is everything okay?” tanong sa kanya ni Jigo. Agad siyang ngumiti nang lumingon dito. “Yes, Sir.” Mula sa opisina, sakay ng kotse ng boss ay nagpunta sila sa restaurant kung saan ang gaganapin ang meeting nila. Bago pumasok ay muli siyang huminga ng malalim. Pilit at pansamantala na inalis sa isipan si Gary nang sa ganoon ay makapag-focus siya sa trabaho. Nang makarating sa VIP room ng restaurant, bukod sa kanila ay wala pang tao roon. “Iris, what do you want? Puwede na tayong umorder,” sabi pa ni Jigo. “Mamaya na siguro, Sir. Hintayin na muna natin ‘yong mga ka-meeting n’yo. Unless gutom na kayo,” sagot niya. “Medyo,” natatawa na sagot nito. Habang naghihintay ay naisipan niyang i-text si Gary. “Mahal, kailan ang uwi mo?” Biglang napaunat ng upo si Iris nang makatanggap agad na sagot. “‘Di ba sabi ko sa’yo sa isang araw?” “Iyong sapatos na sinabi ko sa’yo nabili mo na ba?” Nakaramdam ng inis si Iris. “Subukan mo mag-backread ng chat history natin. Simula nang umalis ka, kahit kailan hindi mo ako kinumusta. Magcha-chat ka lang kapag ako ang unang nag-chat sa’yo. Ni hindi kita matawagan para makapag-video call tayo. Anong klaseng trabaho ba ginawa mo diyan? Isang tanong isang sagot ka lang kung magchat sa akin, mag-chat ka man ang itatanong mo lang kung nabili ko na ‘yong sapatos,” galit na sagot niya. “Mahal, sorry na. Masyado lang kasi busy eh.” Sa inis ni Iris ay hindi na siya sumagot pa sa mensahe nito. Nawala sa nobyo ang atensiyon ng dalaga nang biglang bumukas ang pinto ng VIP room. Napakunot-noo siya nang makita na unang pumasok si Matt. Bigla siyang napatayo nang tumayo si Jigo. “Matt?” gulat na wika niya. Ngumiti sa kanya ang kaibigan. “Hi, Iris.” “Anong ginagawa mo dito?” Bago pa man nito masagot ang tanong. Halos manlaki ang mga mata niya nang makita ang lalaking kasama ng kaibigan. Her heart suddenly beats so fast. His gaze immediately landed on her. That smirk. That handsome face. Paano niya makakalimutan iyon? It’s been almost a month since the first time they met. Hanggang ngayon ay dala pa rin niya sa alaala ang lihim na nangyari nang gabing iyon. “River Grayson Hidalgo.” “Nice to see you again, Iris.” Napatingin sa kanila si Jigo. “Wait, you knew each other?” Doon pa lang lumingon si River sa kanyang boss. “Yes, actually, we met through Matt. I was there at his girlfriend’s party,” paliwanag nito. “Oh really? I was supposed to be there, but something came up. Hindi na ako nakasunod.” Muling bumalik ang tingin nito sa kanya sabay makahulugan na ngumiti. “You should’ve been there, pare. It was such an interesting night indeed,” sagot nito. Parang may sumipa ng malakas sa dibdib ni Iris. Alam niya na ang tinutukoy nito ay ang namagitan sa kanilang dalawa sa loob ng closet na iyon. “Anyway, let’s order first and eat before talking about the business,” sabi pa ni Jigo sabay tawag sa waiter. Nang muling umangat ang tingin. Nahuli ni Iris na titig na titig sa kanya si River. Mayamaya ay kinuha nito ang phone at doon na natuon ang atensiyon ng binata. Ilang sandali pa ay nakatanggap siya ng message. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung kanino galing iyon. “I knew your beauty was stunning the night we first met. But you look more lovely when the sun radiates on that pretty face. How are you, my love? Miss me?” Biglang umangat ang tingin niya. Nainis si Iris nang makita na parang nang-aasar pa na pinipigilan nito ang ngiti. “How did you get my number?” “Oh, I already got your number from Matt that night. Hindi lang ako nagtext agad sa’yo dahil gusto ko na mamiss muna ako.” “Kapal talaga.” “I miss you too,” sa halip ay sagot ni River. Sadya niyang inirapan ito nang tumingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD