IT’S already past twelve midnight. Tapos na siyang maligo at naroon na sa kanyang silid. Si River naman ay nasa banyo pa rin at naliligo. Matapos nang naganap sa party ng kaibigan nito. Nagpaalam lang ito kay Owen pagkatapos ay umuwi na ito kasama siya. Marahil ay naramdaman nito na wala siya sa mood, habang nagmamaneho ay nanatili lang itong tahimik. Bahagyang pinaling ni Iris ang kanyang ulo nang marinig na bumukas ang pinto. Hindi siya nagsasalita ngunit nakikiramdam habang kumikilos ito sa likod niya. Hanggang sa sumampa ito sa kama at lumapit. Pumwesto ito sa kanyang likuran at hinalikan siya sa balikat. “Kanina ka pa tahimik, kausapin mo naman ako,” sabi nito. “Galit ka ba sa akin? Dahil ba ‘to sa nangyari kanina online?” Huminga ng malalim si Iris. “Alam mo habang pinagmam