“ULITIN mo nga ang sinabi mo?” gulat na tanong ni Josie. Natawa si Iris. “Ang sabi ko, handa na ako. I’m ready to make our relationship official,” sagot niya. Naroon silang tatlo sa grocery. Nakaalis na kaninang umaga si River at umuwi sa Hacienda ng mga ito. Kaya naman nagkaroon si Iris ng oras para sa mga kaibigan. Nagpaplano silang mag-samgyup sa bahay niya habang nanonood. “Talaga?!” masayang bulalas ni Alex. “Oo nga! Ilang araw ko nang pinag-iisipan ‘to. Sigurado na ako sa nararamdaman ko para kay River. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya!” Pakiramdam ni Iris ay umaapaw ang puso niya sa labis na saya. “Gusto ko lang bago ko siya sagutin, marinig ko mula sa kanya ‘yong tanong na ‘will you be my girlfriend?’” “Hay, finally!” bulalas pa ni Josie saka ito nakipaghigh five