CHAPTER 17 Kumunot ang noo ni Culver nang mabasa niya ang mga reply ni Echo. Ang katext niya ay parag yung Echo na ka-text niya noong si Nicole na poser pa siya. Ito na yung kinatatakutan niya, ang tuluyan siyang mabaliw kay Echo ngunit nakangiti siya. Masaya siyang magpakabaliw dahil alam niyang si Echo lang ang tanging mundo niya. Dumiretso na sa trabaho si Echo. Bumabalik ang hapdi na ginawa ng girlfriend niya sa kaniya ngunit alam niyang kahit ano pa ang gagawin niya ay wala na siyang magagawa. Kailangan niyang tanggapin. Mahirap. Masakit ngunit iyon lang naman ang tangi niyang magawa. Tama naman si Kurt at Culver, nandoon lang sila para sa kanya. Dahil sa galit niya kay Clair, ipingako niya sa kanyang sarili na pagbalik niya sa Pilipinas, gusto niyang ipamukha sa girlfriend niya n