CHAPTER 16 “Sorry talaga.” Humahagulgol na si Claire. “Hindi ko sinasadya. Akala ko hindi nagbunga ang isang pagkakamaling iyon. Maghanap ka na lang din ng iba. Madami pang para sa’yo…" Ayaw na niyang pakinggan pa ang susunod na sasabihin ng kaniyang kasintahan. Pinatay niya ang cellphone niya. Hindi na niya kayang kontrolin ang kaniyang galit. Sinipa niya ang basurahan sa tapat niya. Nanginginig ang kanyang kamao. Isinuntok niya iyon sa semento. Nasaktan siya. Nasugatan ang kanyang kamao pero mas masakit ang nararamdaman ng kanyang puso. Gusto niyang umuwi. Gusto niyang pigilan ang kasal. Umupo siya sa toilet bowl. Ang luha ay naging hikbi. At noon ay tuluyan na siyang napahagulgol. Wala sa isip nitong lolokohin siya sa kabila ng kaniyang buong pagtitiwala at pagmamahal. Ilang minuto n