2. Car Racing

1405 Words
2 weeks ago "Anong meron dun?" Tanong ko habang nakatingin sa bintana ng kotse habang nasa highway kami. Napansin ko kasi sa kabilang highway na maraming sasakyan at parang may pinagkakaguluhan ang mga kalalakihang naroon. "Car racing yan. Ganyan lagi ang sitwasyon diyan every saturday ng ganitong oras." Sagot ni Patricia na kaibigan at classmate ko habang nagmamaneho ng kotse. Napatingin ako sa oras. Almost 12 na ng hatinggabi. Kagagaling lang namin sa bar magkakaibigan at ngayon ay pauwi na sa condo ni Patricia kung saan ako magsa-stay hanggang kinaumagahan. Sinundo ako kanina sa bahay ni Patricia para payagan ako ng magulang ko na mag night out. First year college pa lang kaibigan ko na siya at pati na rin si Hazel at Levy na kasama namin kaya tiwala ang magulang ko. Bihira lang naman din namin gawin ang ganito. "Car racing? Tara manood tayo!" Sabi ni Hazel na nakaupo sa backseat. "Like ko rin manood!" Segunda naman ni Levy. Akala ko ay natutulog na ang dalawa sa backseat pero biglang nabuhayan nang marinig ang pinaguusapan namin ni Patricia. Bigla rin ako nagkaroon ng interest manood ng car racing. Hindi pa ako nakakapanood ng ganun at curious ako. "Tara Trish, manood tayo!" Pagyaya ko rin sa kanya na sinang-ayunan naman niya. Pag-park namin sa isang establishment na malapit sa race track ay pumwesto kami sa gilid. Medyo malayo 'yun sa paggaganapan ng car racing pero 'yun na yung pinakamalapit na mapupwestuhan namin. May mga barricade na kasi malapit doon na tingin namin ay bawal ng lumapit doon. Illegal drag race 'yun pero may nakikita akong ilang kapulisan. "Gusto niyo manood sa mas malapit?" Napatingin kami ng mga kaibigan ko sa pinanggalingan ng tinig. Nakita namin ang baklang panay ang paypay habang pinagmamasdan kami isa-isa mula ulo hanggang paa. "Pwedeng pwede kayo... tara sama kayo sa'kin dadalhin ko kayo sa mas magandang pwesto na mapapanood niyo ng malinaw ang karera." Pagyaya nito sa amin. Natuwa naman kaming magkakaibigan at sumunod sa bakla. Lumusot kami sa gilid ng barricade. May nagbabantay doon dahil bawal pumasok pero pinayagan kami makapasok nung parang may sinabi ang bakla sa nagbabantay. Pinagtitinginan kami ng mga kalalakihan habang naglalakad at sinusundan ang bakla. Napapaisip tuloy ako kung saan kami dadalhin ng bakla pero sinabi naman niyang dadalhin lang kami sa pwesto na maayos naming mapapanood ang karera kaya hindi na ako nag isip pa. Umakyat kami sa second floor ng isang establishment at pumwesto sa isang balcony. Natuwa kaming magkakaibigan dahil nakikita namin ang lahat mula doon. May dalawang babae rin na nakatingin sa amin pagdating namin. "Mabuti naman nakahanap ka ng kasama namin!" Sambit ng isang babae sa bakla. "Oo nga eh. Oh diba ang gaganda nila hulog ng langit sa akin!" Matinis na tumawa ang bakla. Nagkatinginan naman kami ni Trish sa sinabi niya. "Uy Ateng mamaya ibenta mo kami dito ha manonood lang kami!" Sambit ni Trish at tumawa. "Manonood lang naman talaga kayo plus may chance din kayong maka-date yung mga nagugwapuhang racer na 'yan!" Sambit ng bakla habang nakatingin sa ibaba. Pansin ko na nakatingin sa amin ang mga racer na nasa ibaba. "Paano namam namin sila makaka-date?" Tumatawang sabi ni Hazel. Parang isang joke lang kasi ang sinasabi ng bakla. "Basta! Mamaya malalaman niyo. Mukha naman kayong game sa ganito eh." Tumawa ang bakla tsaka nagpatuloy sa pagpaypay. "Basta huwag kayong aarte arte kapag pinili na kayo ha!" Dagdag pa nito. Pinili? Mukhang ibubugaw yata kami ng baklang 'to sa mga racer! Babanggitin ko na sana ang salitang 'yun nang makita kong sumakay na ang ilang racer sa kotse dahil magsisimula na ang karera. Wala naman ako alam sa ganitong laro basta ang alam ko lang kung sino ang nauna sa finish line ay 'yun ang nanalo. Nalibang at natuwa ako sa panonood. May ilang set ng dalawang kotse ang naglalaban laban. Dalawahan lang ang kotseng nagre-race. Ang natalo ay elimanated na, habang ang nanalo ay lalaban sa susunod na round. Makaraan ang ilang minuto ay natapos ang race. Nagkagulo na sa race track ang mga kalalakihan at panay ang hiyawan at palakpakan. Nakita ko ang cash prize na hawak ng tatlong racer. Sila 'yung nanalo sa first hanggang third place. Nagkayayaan na kaming magkakaibigan na umalis nang pigilan kami ng bakla. "Hey hey wait, hindi pa kayo pwedeng umalis. Diba may kondisyon ang pagpapapwesto ko sa inyo dito? Pabor pa nga sa inyo dahil makaka-date niyo ang mga racer... Ayan na sila oh!" Sabay-sabay kaming napatingin ng mga kaibigan ko sa paakyat na tatlong racer. Sila din ang tatlong nanalo sa karera. "Seryoso talaga na makaka-date namin sila!" Excited na sabi ni Hazel. "Oo, pero dahil tatlo lang sila, tatlo lang rin sa inyo ang magwawagi. Sinabi ko na sa inyo kanina na walang aarte arte ha. Date lang naman 'yan. Nasa sainyo rin kung sasama kayo!" Tumawa ang bakla. "Girl ang popogi!" Bulong ni Patricia sa akin na sinang ayunan ko naman. Gwapo nga sila pero mas gwapo pa rin ang boyfriend ko. Bigla kong naalala si Wade na sumama sa victory party ng kaibigan niyang nanalo ng MVP sa basketball league. 1st monthsary namin bukas kaya may date kami. Alam niyang nagpunta kami sa bar ng mga kaibigan ko at itong pangyayari lang ngayon ang hindi niya alam. Siguro hindi na lang ako sasama sa racer kung sakaling piliin niya 'ko. Lumapit sa amin ang tatlong lalake at pinili si Hazel, Patricia at Levy. Tuwang tuwa naman ang tatlo kong kaibigan na animoy tumama sa lotto. Napakabilis ng mga pangyayari at ngayon ay umalis na sila at sumama sa mga lalake. "Let's go na girl, walang pumili sa'tin!" Sabi ng isang babae na kasama namin. Bumaba na rin sila. Doon biglang nagsink in sa akin ang mga pangyayari. Napatingin ako sa paligid at tanging ako na lang ang tao sa balcony. Wait, what? Walang pumili sa akin?! Hindi ko alam kung ikatutuwa kong walang pumili sa akin dahil 'yun naman ang gusto ko dahil may boyfriend na 'ko, but I feel dissapointed dahil walang pumili sa akin. Panget ba ako? But of course not, isa nga ako sa kagandahan sa school namin and in fact isa ako sa model student ng School. Inalis ko na sa isip ko ang pagkadismaya, siguro sadyang hindi nila type ang gandang meron ako. Magaganda rin ang mga kaibigan ko kaya sila napili ng mga lalake. Kumilos na 'ko at bumaba ng hagdan. Pagbaba ko ay tumingin ako sa paligid. Bukod sa ilang race car na nandoon pa rin, wala na kong ibang sasakyang nakikita. Walang taxi o kahit na anong public transpo. So paano na 'ko uuwi ngayon. Ni hindi ko alam kung nasaang lugar ako. Naglakad ako sa gilid ng highway. Nararamdaman ko pa rin 'yung dissapointment ko na hindi ako pinili ng mga gwapong racers. I feel rejected by a guy. Yung ilan na ang nagtangkang manligaw sa akin pero ang bilis kong bastedin dahil hindi ko type at ngayon feeling ko ganito ang pakiramdam ng mga lalakeng iyon na tinanggihan ko. I shook my head and sighed. Hindi lang ako sanay na dinededma ng mga lalake kaya ako nagkakaganito. Tumingin ako sa paligid. Malayo layo na pala ang nalalakad ko pero wala pa rin ako nakikitang kahit na anong masasakyan. Nagpanic ako bigla dahil wala rin ako nakikitang mga tao. Past 12 na sa oras kaya siguro wala ng tao sa paligid at feeling ko hindi rin talaga matao ang lugar na ito kaya siguro dito ginaganap ang drag race na 'yun. Kung bakit kasi naisipan pa ni Patricia na magroad trip muna kami bago umuwi sa condo niya, kung saan saan tuloy kami napadpad at ngayon ay nawawala na ako. Kinuha ko ang cellphone sa bag. Magpapasundo na lang ako kay Wade. Siguradong pagagalitan niya 'ko dahil napadpad ako sa ganitong lugar. Pipindutin ko pa lang ang call icon sa phone ko ng biglang mag off ang phone ko. Lowbat? Naman bakit ngayon pa?? Sinubukan kong i-on uli ang phone ko pero hindi na talaga gumana kaya binalik ko na sa bag ko. Tumingin ako sa paligid. May nakikita akong kotse na paparating. I-hitch ko kaya? No choice ako kundi mag hitch hike ng sasakyan. Kahit kailan hindi ko pa 'yun nagawa dahil natatakot akong masamang tao pala ang masakyan ko pero delikado rin ang kinalulugaran ko. Wala akong choice, basta ang gusto ko lang ay makaalis kung saang lugar ako naroon. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD